"Grabe ang gwapo ng kasama ni Sir Julian." kinikilig na wika ng babae habang nakatingin sa lalaking kasabay na naglalakad ni Sir palabas ng entrance.
Tsk. Grabe talaga mga taga-VP office, lahat na lang ng mga gwapong pumapasok dito... pinagpapantasyahan nila.
"Balita ko nakabalik na daw yung president galing bakasyon sa Madrid." Chika ng isang babae.
Dinedma ko naman ang mga ito at dali-daling nagtungo sa elevator. Sobrang nalate ako dahil sa nangyari sa bahay kanina.
Nagtalo na naman kami ni mama dahil pinipilit na naman nya ang gusto nya.
"Hoy Aoife, pahingi nga ko ng pera. Wala na kong pera. Talo ako sa mahjong kagabi kailangan kong bumawi." lumapit sya sakin at marahas akong kinalabit sa balikat habang inaayos ko ang gamit ko papasok ng trabaho.
"Ma... wala na po akong pera." mahinahon kong tugon sa kanya.
Bigla na lang nyang hinablot ang bag ko at kinalkal para hanapin ang wallet ko. "Eto ba walang pera ah." kinuha nya ang lahat ng laman ng wallet ko at nagtira ng bente na coin. "Pinagtataguan mo pa ko ng pera bata ka ah." at ibinato sakin ang gamit ko.
"Ma, akin na yan budget ko pamasahe yan." pagmamakaawa ko.
"Tigilan mo nga ko. Bakit ba kasi di ka na lang humanap ng mayaman? Yung malapit nang mamatay para yumaman na tayo agad? Ah? O kaya ibenta mo yang katawan mo sa afam." halos maiyak na ko sa suhestyon ng magulang ko.
Bakit? Ano ba ang akala nya sakin? Nag-aral para maging kalapating mababa ang lipad?
"Ma, ayoko po."
"Choosy ka pa eh." tumaray sakin si mama at tuluyan nang lumabas. For sure, sa mahjongan na naman yun. Kahit maaga pa, dun agad ang punta nya.
It's past 9: 30. Siguradong mapapagalitan ako ng sobra nito mamaya.
"Why are you so late, Miss Hernandez?" ma-awtoridad na tanong ni sir Julian sakin. Eto na nga ba sinasabi ko kanina eh.
"Si-sir... a-ano po kasi-naglakad lang po ako papasok. Naubos po kasi yung budget ko pamasahe." pagpapalusot ko.
"Stop your nonsense alibi Miss Hernandez." his eyes furrowed.
"Paano ka na kung na-approved na ang promotion mo sa President's office para maging secretary?" nag-tungo lang ako ng ulo habang inis nyang hinagod ang kanyang buhok gamit ang mahahaba nitong daliri.
He sighed heavily at mahinahong nagsalita. "Aoife, you know me. You are my favorite employee. You are so hard working. If you ever need any help, or you're going to be late, just tell us in advance. Don't put a shame on me, Miss Hernandez." I felt his disappointment.
"I'm sorry sir, di na po mauulit."
"You may leave." agad akong tumango at nagtungo ng pinto.
Naiiyak ako nang makalabas sa pintuan. Agad akong nagtungo sa restroom para umiyak.
"Aoife, pagawa daw nitong report si Sir." inilapag naman ng babae ang folder. Iniiwasan kong tumingin sa mga mata ng mga katrabaho dahil ayaw kong makita nila ang mugto kong mata.
Tapos ko na ang report na pinapagawa ng supervisor namin. At kakatapos ko pa lang iyon ipasa.
"Aoife, pupunta ka ba ng cafe?" tanong ni Maris. Isa sa mga katrabaho ko na napaka-plastic. Nung una ayaw na ayaw nya sakin dahil nasasapawan pero bigla na lang bumait nung di rin katagalan. At sinasaksak nya naman ako ng talikuran.
"Oo, bakit?" tugon ko kahit na ang totoo ay lalabas lang ako para magpahangin.
"Bili mo ko ng Chocolate Macchiato. Dito ko na lang bayaran." Tumango naman ako at umalis na dala ang purse bag ko.
"Miss, isang Chocolate Macchiato." utos ko sa babaeng nasa counter.
"149 pesos po ma'am." kinuha ko ang huling 500 na itinago ko sa likod ng case ng CP ko. Pang-emergency budget ko sana ito kaso... gagastusin ko muna.
Nakakatakot lang na baka magsumbong sa supervisor namin ang babaeng yun matanggalan pa ko ng trabaho. Kailangang-kailangan ko pa naman ito, lalo na at nasa ospital ang isa kong kapatid.
"Ouch!" I exclaimed nang matapon sa damit ko ang medyo mainit na Chocolate Macchiato dahil sa lalaki na busy na busy sa pagtitipa ng cellphone habang naglalakad.
"Sir, pwede bang tumingin ka sa dinadaanan mo?!" Inis ko itong tiningnan.
"Sorry miss ah. Parang kasalanan ko pa na di ka marunong tumabi?" Aba! antipatiko tong abnormal na to ah! Sya na nga tong nakabunggo sakin sya pa ang galit.
"Akala mo kung si-"
"Pagpasensyahan nyo na lang muna sir baka di ka pa po kilala. Bago pa lang po kasi sya dito." pagputol ni Marianna sa sasabihin ko.
Bakit sino ba yang lalaking yan? "Reassure the behavior of the company's employees next time or I will terminate you." ma-awtoridad nitong wika kay Marianna.
"Yes sir." mahinahong wika ni Marianna habang nakayuko.
Naguguluhan ako sino ba yung lalaking yun. Parang di ko pa sya nakikita sa HR department ah?! Tas ganon asal nya? Gwapo na sana eh... kaso ang pangit ng ugali. Nakaka-turn off yung pag-uugali nya.
Hinarap ako ni Marianna pag-alis ng lalaki. "Hibang ka ba?" gulat ko syang tiningnan. Huh? Di ko sya makuha. Alam kong pwede akong mawalan ng trabaho just in case na mas mataas sakin yun pero nakaka-asar sya eh.
"Dzai, grabe ka? Sya ang head ng Althel Group. Gusto mo bang mawalan ng trabaho?" Head? CEO ba yun?Tsk. Who cares? Ang pangit pa rin ng ugali nya
"Miss Hernandez, pumunta ka na muna daw ng ospital sabi ni Sir Julian. May emergency ang kapatid mo." Wika ng supervisor namin. Agad-agad akong nag-ayos ng gamit at lumabas ng building.
"I'll give you a ride, Aoife." wika ng VP ng kumpanyang pinagta-trabahuan ko.
Mabait sa mabait si Sir Julian, at napaka considerate nya din lalo na pag pamilya na ang usapan. Kaya nga marami ang naiinggit at naninira sakin. But, he holds one motto pagdating sa mga issues and controversies sa loob ng kumpanya at lalo na sa mga empleyado. He believes in, to see is to believe. Kaya di agad-agad sya naniniwala maliban na lang ay may konkretong ebidensya o nakita nya mismo ang pangyayari.
Katahimikan lang ang namayani samin hanggang makarating kami ng ospital kung saan naka-admit ang kapatid kong bunso na may sakit sa baga.
Takot at kaba ang aking nararamdaman nang makita ko sa emergency room ang kapatid ko.
"Sino ang pamilya ng bata?" tanong ng doktor na kakalabas pa lang mula sa emergency room habang papalit-palit ang tingin samin ni Sir Julian.
"A-ako po." nanginginig kong tugon.
"Kamusta po ang kapatid ko?"
"Ma'am, kumalma po kayo. Sa ngayon medyo maayos na po ang lagay nya pero kailangan na po sya ma-operahan sa lalong madaling panahon."
"Eh doc, magkano naman po ang kakailanganin namin para sa operasyon nya?"
"Better to prepare 1.5 million" natulala ako matapos sabihin ng doktor ang presyo na kailangan namin para sa operasyon nya.
1.5 million pesos? San naman ako kukuha non? Para kong pinagbagsakan ng langit at lupa. Kahit na ang sahod kong 20 thousand per month ay di sapat para sa mga pangangailangan namin.
YOU ARE READING
Altair 1: Karma
RomansaAoife Marie Hernandez is a simple employee who lived in squatters area together with her gambler mother and her three young siblings. She sacrifice her freedom to marry Hades Karma Altair who caught on controversial scandal with her. Because of her...