Close your eyes!
Mula sa loob ng sasakyan ay malinaw niyang nakikita ang dinadaanan nilang paligid. Every time it happens, she couldn't help but think deeply.
Every place and scene they had gone by was like a film before her eyes, which made her query the same question all over again. Why did she end up like this?
"Manong, ihinto niyo na," sabi ni Erin pagkatapat niya sa coffee shop na malapit lang sa pinapasukan niyang paaralan.
"Sigurado po kayo?" paninigurado ng driver niya. Alam kasi niyang mahigpit na naman ang tugon ng ama niya na ihatid siya sa paaralan—na halata namang sinusunod ng driver nila. Kaya lang wala namang pinagkaiba, dahil nasa school area lang naman siya.
"Yeah," maikli niyang sagot saka niya naramdaman ang paghinto ng sasakyan. Inayos niya muna ang sarili, lalo na ang uniform niya, bago lumabas ng sasakyan.
Nalanghap niya naman agad ang natural na simoy ng hangin sa lugar na 'yon. It was August, unang buwan ng pasukan. The weather was fair. Walang nagbabadyang ulan o ano mang sama ng panahon. She just wished that life could be like that as well.
Pagpasok niya sa coffee shop, bumungad agad sa kanya ang nakakawiling amoy ng kape. Mahilig siya sa kape, pero hindi naman kape ang sadya niya sa panahong 'yon. Kaya tinungo niya nalang agad ang nakitang bakanteng puwesto at umupo dito.
Kaunti pa lang ang tao, siguro dahil maaga pa. Kadalasan kasi sa mga customer sa coffee shop ay estudyante, na karamihan ay hindi naman morning people. Komportable kasi ang lugar, lalo na kung gusto mong mag-aral.
Napalingon naman siya sa wall clock sa bandang gilid niya, at napagtanto niyang maaga siya ng limang minuto sa napagkasunduan nilang oras. Hindi naman siya excited sa gagawin niya—na nakasanayan na niyang gawin—sadyang marami pa siyang gagawin sa araw na 'yon.
Tinanaw niya muna ang University mula sa kinauupuan niya. Isa itong pribadong paaralan, at maayos naman ang pamamalakad na katumbas ng may kamahalang tuition. Napakarami niyang ala-ala sa paaralang ito. Dito na kasi siya nag-aral mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan. Wala naman siyang problema dahil maliban sa hindi naman siya nakaramdam ng boredom, wala naman siyang pakialam.
"Aga mo ah?" napukaw naman ang atensyon niya sa lalaking umupo sa upuan kaharap niya.
Nginitian niya naman 'to at tinitigang mabuti. Maputi 'to, matangos ang ilong, maganda ang mga mata nito, na sa mga panahong yun ay parang nawalan ng kislap, sa madaling salita gwapo 'to. Mas nakadagdag pa sa karisma nito ang magulong buhok. Kaya lang wala naman 'tong epekto sa kanya. She was too accustomed with gorgeous guys. No offense.
"Wala kang pasok?" kaswal na tanong niya, napuna niya kasing seryoso rin 'tong nakatitig sa kanya.
"Meron," kibit-balikat nitong sagot. "So, spill the news, mukhang excited ka pa naman sa aga mo," saad pa nito na parang dismayado.
"I set my own rules, Ethan and it would be a slap on my face if I violate them," she stated, sounding almost too formal.
"So, this is break up huh?"
"Yes," she answered immediately. She hated drama ever since, that's why she had always been keeping her cool.
"Okay. I'm cool. Napagkasunduan natin 'to. I knew this would happen. It's just..." he trailed off and sighed deeply. She wanted to feel pity for him but she didn't feel that way. She felt nothing, unmoved by the sad expression on his face.