Shea's POV
"Hey!" Bati ni Sky. Lumapit sa table namin sila Jermaine.
"Good evening Shea." Bati sa akin ni Jermaine habang nakangiti.
"Evening." Sagot ko at uminom ng wine.
"Malakas ka pala uminom." Sabi niya at tumawa ng marahan.
"Depende." Sagot ko.
"Napapalakas uminom kasi nasasaktan." Sabi ni Keith at tumawa.
"Ayos lang iyan Gonzales meron naman si Mr. Electric Engineer." Sabi ni Keith at kinindatan ako. Medyo nakainom na kasi sila kaya tumabas ang dila.
"Sakto pala dating ni Jermaine." Sabi ni Sky at mukhang proud pa.
"Ano bang nangyari at nasasaktan si Ms. Gonzales?" Tanong ni Luther at uminom ng wine.
"Kasi si Mr. Architecture niya may kasamang iba." Walang prenong sagot ni Heath.
"Hanep naman! Architecture pala katapat ni Jermaine. It's either opposite attract each other or the same ones will magnetize more." Sabi ni Sky at tumawa.
Ipinalibot ko ang aking paningin at nagtama ang mata namin ni Khian pero umiwas din ako agad. I have this strong emotions na gustong kumawala.
"I think that's enough already." Sabi ni Jermaine at pinigilan akong uminom pero hindi ako nagpa-tinag.
"I can manage." Sabi ko at ramdam kong uminit ang aking pisngi pero alam kong kaya ko pa naman.
"Let's dance." Bigla kong hinila si Jermaine at pumunta na sa may gitna kasi nabuksan na ang sayawan para sa lahat.
Napangiti ako ng sumunod ang iba. I waved and moved my body along with music and enjoyed. Biglang lumapit sa akin si Heath at may binulong.
"Umayos ka kung ayaw mong mamatay sa sama ng tingin." Sabi niya at tumawa.
"Sila ang mamatay kakatingin." Sabi ko at tumawa.
"Loko." Sabi ni Heath saka ngumiti.
"Cheers!" Sabay-sabay naming sabi at uminom. I guess headache will be my problem tomorrow.
"Umalis daw si Mr. Architecture." Sabi ni Keith kaya napatingin ako sa pwesto nila at wala nga sila.
"I don't care. I am here for the party and to enjoy not for him." Sagot ko naman na ikinatawa nilang tatlo.
Kausap kasi nila Jermaine ang kuya ni Heath tapos nandito kaming apat sa may table kumakain.
"Weh ba?" Asar na tanong ni Denise.
"Yeah." Sambit ko at uminom ng tubig.
"Guys saan CR dito na malapit?" Tanong ni Harley.
"Bakit?" Tanong pabalik ni Heath.
"Nasusuka ako." Sagot niya.
"Halika." Nagmamadaling sabi ni Heath at sinamahan si Harley.
"Kayo kasi pinipilit niyong uminom, mga bad influence kayo." Sabi ni Denise at umiling-iling pa.
"Sira! Hindi lang siya sanay." Sagot ni Keith.
"Hindi naman kasi katulad mo na lasinggera kaya sanay na sanay." Sabi ni Denise.
"Low alcoholic drink lang ang binigay ko sa kaniya." Sabi ni Keith.
"Mga sira kayo. Nakikisama siya sa atin kaya uminom. Alagaan niyo si Harley." Sagot ko sa kanila.
"Tulad ng pag-aalaga mo sa kaniya? Ganon ba?" Asar ni Keith.
"Sira!" Sagot ko.
Nilabas ko ang selpon ko at tiningnan kung anong oras na. Kailangan ko ng umuwi, mahal ko pa naman kalusugan ko.
BINABASA MO ANG
Operation Series 2: The Heart's Inquiry (HIATUS)
ActionVeina Shea Gonzales is an orphan who lost her parents and her younger sister due to a planned accident when she was in high school. When the ambulance brought her parents' in the hospital, they noticed that her sister is missing. She joined an orga...