Shea's POV
Buong biyahe ay nakatulog ako dahil na rin sa pagod. Nagising ako dahil sa busina ng mga sasakyan.
Tumingin ako sa labas ng bintana at nasa may stop over kami. Nakita ko si Khian na naglalakad palapit sa sasakyan at may hawak na paper bag.
"It's good that you're awake." Sabi niya ng makapasok sa sasakyan.
"What's good in waking up?" I asked.
"Nagsusungit pa rin." Sabi niya at tumawa.
"Ano binili mo?" Tanong ko sa kaniya.
"May burger, fries, mais at tubig diyan." Sagot niya at binigay sa akin ang paper bag.
"Ikaw?" Tanong ko sa kaniya.
"Ok na ako." Sagot niya.
"Ikaw ah gini-guilty mo ako." Sabi ko sa kaniya.
"Hindi naman." Sabi niya at pinaandar ang sasakyan.
"Ilang oras pa?" Tanong ko sa kaniya.
"Ilang minuto lang naman, nandon na tayo." Sagot niya sa akin. Uminom muna ako ng tubig dahil sa uhaw.
"Ang tahimik siguro ng biyahe kanina." Sabi ko sa kaniya habang kumakain.
"Hindi naman." Sagot niya.
"Humihilik ka eh." Dugtong niya at tumawa.
"Vocalist ka nga talaga pati paghilik mo may melody pa rin." Dàgdag niya at tumawa.
"Happy?" Sarkastikong tanong ko at inirapan siya.
"May red flag ka nga siguro noh?" Tanong niya.
"Tanungin mo sarili mo." Sagot ko.
"Bakit ako? Nagre-regla ba ako? Ako ba ikaw?" Sunod-sunod na tanong niya pabalik. My goodness talaga ang isang ito. I thought mysterious and cold person ang vibe niya pero may kabilang side pala siya.
"Bahala ka diyan." Sabi ko at tumingin sa labas habang kumakain. Narinig ko naman siyang tumawa. May nadadaanan kaming palayan, mga puno, kalabaw at iba pa. Ang kalmado lang sa pakiramdam.
"Pwede ko buksan ang bintana?" Tanong ko kay Khian.
"Pwede naman, off ko lang ang aircon." Sabi niya kaya tumango ako.
Nilabas ko ang kalahati ng katawan ko at umupo sa may bintana. Naramdaman kong hinawakan ako ni Khian sa may hita ko.
"Be careful." Rinig kong sabi niya.
"This is life!" Sigaw ko habang dinadamdam ang simoy ng hangin.
I miss this kind of vibe. The air is refreshing. I remember dati when my parents are still alive and my sister is with us, lagi kaming pumupunta kila lola.
"Thank you Khian! May I love you ka sa akin!" Sigaw ko at tumawa.
"Hoy, ano iyan." Rinig kong sabi niya. Bumalik na ako sa pwesto ko at saka nakangiting nakatingin sa labas.
"What was that for?" Tanong ni Khian sa akin.
"Thank you for bringing me with you." Sabi ko sa kaniya. Started when I met him everything is turning into euphoric life.
"Hindi ka na galit?" Tanong niya sa akin at tumawa ng marahan.
"May sama pa rin ako ng loob sa iyo." Biro ko sa kaniya.
"Malapit na tayo." Sabi niya at tumawa.
Pagkarating namin ay sumalubong sa amin ang isang Spanish style na bahay at may mga taong may sari-sariling ginagawa.
BINABASA MO ANG
Operation Series 2: The Heart's Inquiry (HIATUS)
AcciónVeina Shea Gonzales is an orphan who lost her parents and her younger sister due to a planned accident when she was in high school. When the ambulance brought her parents' in the hospital, they noticed that her sister is missing. She joined an orga...