Shea's POV
Nagising ako dahil sa tumamang sinag ng araw sa mukha ko. Dali-dali akong bumangon sa kama at tiningnan ang oras sa aking selpon.
"8:24." Basa ko. Bumangon na ako sa kama at pumunta sa may banyo para maghilamos bago lumabas.
Paglabas ko ay walang tao sa may sala. Lumabas na ako ng bahay at nakita ko si Khian na half naked at nakasuot ng pantalon.
"Lunok iyan?" Napatingin ako sa tumabi sa akin at si Miko pala. May hawak siyang baso ng kape habang nakatingin kila kuya Art at Khian na naglalakad palapit sa amin at may bitbit na mga pinamili.
"Namili lang sa labas pag-uwi wala ng damit." Asar ni Miko.
"Natapunan iyung damit niya kanina sa palengke." Sabi ni Kuya Art.
"Dalhin niyo na doon sa loob andon sila ate Mayumi." Sabi ni Miko. "Akin na iyan Khian at magpalit ka na, napalunok bigla si Shea eh."
"Hoy." Sabi ko at akmang babatukan pero naka-alis na sila ni Kuya Art.
"Good morning babe." Bati ni Khian kaya napatingin ako sa kaniya.
"Good morning." Sabi ko at ngumiti.
"Sasama daw sila Ate Mayumi at Kuya Tyler mamaya." Sabi niya.
"Sige." Sagot ko.
"Kakain lang tayo then by 9:30 akyat na tayo sa bundok." Sabi niya. "Kape ka muna don sa kusina andon ang iba at magbibihis lang ako."
"Sige. Sunod ka." Sabi ko sa kaniya at tumango siya. Pagpunta ko sa kusina ay busy si lola at ate Mayumi sa pagluluto habang umiinom ng kape ang iba.
"Uy morning Shea." Sabi ni Kuya Tyler.
"Magandang umaga tita ganda." Bati ni Yuri at ngumiti. Binati rin ako ng iba saka ako umupo.
"Kain na." Sabi ni ate Mayumi at nilagay na nila ang pagkain sa lamesa. Katabi ko na rin si Khian pagkatapos magbihis.
"Kumain ka ng marami babe para mamaya." Sabi niya at nilagyan ang plato ko dahil kaunti iyung nailagay ko kanina.
"Naalala ko na naman noong kabataan ko nong magkasintahan kami ng lolo ng mga ito. Ganiyan rin siya kalambing sa akin." Sabi ni lola.
"Lola ganiyan din naman po ako kay Mayumi ah." Sabi ni Kuya Tyler at inakbayan si ate Mayumi kaya umalma sila Kuya Art.
"Takot ka lang kay Mayumi eh." Asar ni Kuya Art.
"Nagsalita ang walang girlfriend." Asar pabalik ni kuya Tyler. Nag-asaran pa sila pero sinuway ni lola para maka-kain na kami.
Sinimulan na namin ang pag-akyat sa bundok at masasabi ko na nakakapagod siya.
"Kamay mo." Sabi ni Khian at inabot ako para sabay kaming maglakad.
"Sabihin mo kapag pagod ka na ah para magpahinga tayo." Sabi niya sa akin kaya tumango ako.
Naglakad-lakad kami hanggang sa makarating kami sa tuktok ng bundok. I was amazed at the view when I was on the top of the mountain.
"Ang ganda." Sabi ko habang nakatingin sa tanawin. Ang bayan, mga bundok at iba pa.
"Khian! Sulat niyo pangalan niyo dito." Aya ni Kuya Tyler habang nakatayo sila ni ate Mayumi sa harap ng isang malaking bato.
"Tara." Nakangiting sabi ni Khian at lumapit kami sa bato.
"Oh." Sabi ni Kuya Tyler at binigay kay Khian ang permanent marker. Isang malaking bato ito at may mga pangalan na rin na naisulat.
"Sulat mo pangalan mo dito." Sabi ni Khian at kaya sinulat ko ang name ko sa ibaba ng name niya. Pagkatapos ay gumuhit siya ng puso kung saan nakapaloob ang name namin. Nakangiti siyang tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Operation Series 2: The Heart's Inquiry (HIATUS)
ActionVeina Shea Gonzales is an orphan who lost her parents and her younger sister due to a planned accident when she was in high school. When the ambulance brought her parents' in the hospital, they noticed that her sister is missing. She joined an orga...