Shea's POV
"Woah!" Nagulantang ako ng biglang may nanggaling sa ilalim ng tubig at hilahin bago umahon sa tubig.
"Hey babe." Sambit nito habang sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
"Ginulat mo ako ah." Sabi ko sa kaniya.
"Sorry about that." Hingi niya ng tawad habang nakangiti.
"What if tara akyatin ang bundok na iyon." Sabi ko at itinuro kung saan nanggaling ang tubig sa ilog ng luha.
"Bakit mo gustong akyatin iyon?" Tanong niya sa akin.
"Nature calls." Sagot ko habang nakatingin sa bundok.
"Alam mo ba na kapag daw inakyat ng dalawang magkasintahan ang bundok na iyon ay kahit anong pagsubok ang darating ay sila at sila pa rin ang magkakatuluyan hanggang sa dulo." Sabi ni Khian.
"Huh?" Curious kong tanong.
"May kwento kasi iyung bundok babe." Sabi ni Khian at hinigit ako palapit sa kaniya. Yakap niya ako mula sa likod at nakatingin kami sa bundok.
"Anong kwento?" Tanong ko.
"May isang babae kasi na umibig sa isang lalaki na anak ng mayaman tapos sa bundok na iyon ang kanilang tagpuan. Isang araw ay nalaman ng babae na ikakasal sa ibang babae ang kaniyang iniibig na lalaki. Sinabi ng babae na hihintayin niya ang lalaki sa tagpuan nila ngunit hindi nakarating ang lalaki, lumakas ang ulan at nandoon pa rin ang babae na naghihintay hanggang sa bumagyo. Hindi na nahanap ang katawan ng babae hanggang sa dumaan ang taon at may pigura ng mukha ng babae ang naukit." Kwento niya.
"Trahedya naman ang kwento kaya anong koneksiyon ng pagmamahalan hanggang dulo?" Tanong ko sa kaniya.
"Alam mo ba kung ano ang sinambit ng babae habang naghihintay?" Tanong niya.
"Hanggang sa aking huling hininga ay ikaw pa rin ang aking iniibig. Saksi ang lugar na ito sa mga memorya at samahan nating dalawa. Kung sino man ang makarating sa lugar na ito ay sana basbasan sila ng walang hangganang pag-iibigan."
"What a promising words." Sabi ko. Grabe naman ang pag-ibig sa puso niya.
"Lualhati ang pangalan ng babae, doon nakuha ang pangalan ng ilog na Luha." Sabi ni Khian.
"I wanna climb that mountain." Sabi ko.
"Ikaw ah. Ayaw mo lang mahiwalay sa akin eh." Asar ni Khian.
"Saan mo naman nakuha iyan." Sabi ko at inirapan siya.
"Ramdam ko." Sabi niya at ngumiti.
"Khian! Umahon na kayo diyan at kakain na mamaya." Tawag sa amin ni ate Mayumi.
"Here." Offer ni Khian sa hawak niyang tuwalya.
"Thanks." Sabi ko at pinunasan ang aking mukha.
Bumalik na kami sa may bahay at naghintay para sa hapunan.
"Shea." Napatingin ako kay Mariamie na tumabi sa akin.
"Hello." Bati ko sa kaniya.
"May itatanong sana ako sa iyo." Sabi niya sa akin.
"Ano iyon?" Tanong ko.
"Kayo ba ni Khian? Sa tingin ko ay hindi mo naman siya gusto base sa iyong mga akto. Kung hindi mo mamasamain ay narinig ko ang usapan nila Kuya Art at Khian na peke lang ang relasyon ninyo." Diretsong tanong at sabi niya sa akin kaya natahimik ako. Bakit masakit pakinggan iyon.
"Matagal ko na kasing nagugustuhan si Khian." Sabi niya sa akin. "Balak ko sanang umamin sa kaniya."
"Mariamie, ano kasi eh- Shea, ngayon na ang pagkakataon para masabi ko sa kaniya ang tunay kong nararamdaman." Putol niya sa akin. Akala ko tapos na ang emotional roller coaster ko meron pa pala.
BINABASA MO ANG
Operation Series 2: The Heart's Inquiry (HIATUS)
ActionVeina Shea Gonzales is an orphan who lost her parents and her younger sister due to a planned accident when she was in high school. When the ambulance brought her parents' in the hospital, they noticed that her sister is missing. She joined an orga...