Chapter 1

3 0 0
                                    

It took 2 days before Steven finally responded to my chats. May mga follow-up chat pa ako sa kaniya na minsan sini-seen niya lang. Medyo nainis nga ako dahil sa mga chat kong iyon ay isang beses lang siyang nag-reply. Halos wala man lang silbi 'yong pag-hingi ko ng facebook account niya.

I told Kim about my comeback to taekwondo at na-kwento niya na taekwondo player din pala ang isa niyang kaibigan na lalaki. At dahil walang mga reply sa akin si Steven ay kay Giddeon na lang ako nag-tanong. Ang bestfriend ni Kim mula pag-kabata na kaka-black belt lang last year.

Kabado ako at ilang araw ding pinag-isipan ulit ang aking desisyon. But these people around me kept saying what needs to be said to motivate me.

Sinunod ko lahat ng sinabi ni Giddeon. Nag-pasama ako kay Kim at pumunta kami sa gym ng mga players. Doon ay naka-usap ko ang senior black belt player na nag-papa-training ng mga bata. I wanted to be under his trainings ngunit ibinigay niya ako sa coach ng mga varsity ng taekwondo sa team ng uni which was Sir Angeles. And now, i belong to the university's varsity team. Except, i'm not yet a varsity. Napa-bilang lang talaga ako sa kanila. I also learned na varsity na rin pala si Steven at ang mga kaibigan niya. And they are all black belts!

Ibinigay sa akin ni Sir Angeles ang schedule ng training ng mga varsities. Pero ang sabi sa akin nila Steven ay pwede raw akong mag-training araw-araw since araw-araw naman silang nag-ttraining kahit sabihin ng coach nila na walang training.

"Tapos na ba 'yong program mo na activity natin sa Programming?" tanong sa akin ni Alex nang minsang mag-kakasama kami sa limang oras na vacant.

"Hindi pa, Alex. Pero ipapasa naman 'yong source code natin sa g-class hindi ba?" sagot ko naman.

Hindi ko pa pala tapos iyon. Mamayang hatinggabi na ang deadline ngunit hindi ko pa nasisimulan.

"Oo."

"Madali na lang 'yon tutal GWA calculator pa lang naman ang program natin ngayon," ani ni Kim.

GWA, BMI, Grades Calculator. Anong susunod kaya na calculator ang ipapagawa ni sir na program? I hope it's not the actual calculator. Nasa C language pa naman kami kaya siguradong malabo pang-ipagawa ng instructor namin sa amin 'yon. Isa pa, we are first years and we start with the basic programming language and make the most basic programs.

Madali na lang 'yan. Dahil first sem pa.

Gaya ng ibinigay na oras sa akin ni Sir Angeles ay pumunta na ako sa gym ng mga alas kwatro ng hapon. Sakto ay hanggang alas tres lamang ang schedule ng klase ko ngayong araw.

Wala pang tao sa gym nang pumunta ako doon. Except sa isang babae na mukhang friendly naman ang itsura.

"Hi! Ako nga pala si Amelia. Everyone here calls me Mia. Ikaw 'yong bagong player hindi ba?" pag-papakilala ni Mia sa akin noong araw na 'yon. Ang friendly ng kaniyang ngiti na animo'y alam mong mapag-kakatiwalaan mo siya.

Tumango ako habang ibinababa ang bag ko sa isa sa mga bench. Nasa harap kami ng gym at hindi pa kami pumapasok. Ewan ko kung pwede na bang pumasok gayong nakita ko naman siyang galing sa loob.

"Ako nga pala si Nari," pag-papakilala ko at inilahad ang aking kamay upang maki-pagkilala.

Tinanggap niya iyon na may medyo pag-ka-kunot ang noo.

"Akala ko Champagne ang pangalan mo? Iyon ang sinabi sa amin ni Steven last week," aniya.

Nauna pa palang ipakilala ni Steven ang buong pangalan ko sa lahat. Ano nga bang ine-expect. I'm the new face of their team.

"Ah... That's my name. Champagne Lunaria Amores. Pero hindi ko palaging ginagamit ang Champagne dahil ayoko sa tunog. Mas gusto kong tawagin akong Luna o kaya Nari," pag-papaliwanag ko. I never like my first name.

Game of HarmonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon