Chapter 5

3 0 0
                                    

"One week ang training natin ngayon para sa preparation ng incoming university sports olympics," sabi ni Ate Mia sa akin nang minsang mag-tanong ako.

Hindi ako updated dahil obvious naman na may ibang mga chat group ang mga varsity na naka-bukod sa aming mga regular players. Madami silang alam na updates na hindi namin alam kaya minsan ay kailangan pa naming mag-tanong.

"May memorandum na ba 'yon?" tanong ko kay Ate Mia na naninigurado.

"Meron na, hindi ba ni-forward ni Sir Angeles sayo 'yon?" tanong niya.

Umiling agad ako. Mukha naman kasing hindi pinapahalagahan ni Sir Angeles ang mga regular players niya.

"Wait lang, ise-send ko sayo. Bakit naman kasi hindi ni-forward sa sayo 'yon e nakasulat naman 'yong pangalan mo sa listahan ng players," napailing na lamang si Mia dahil doon.

Inilabas niya ang kaniyang selpon. May kinalikot siya doon at sakto namang tumunog ang akin. Inilabas ko iyon mula sa aking bulsa at nakitang dalawang mensahe ang lumabas.

Ang chat group namin na kaka-forward lang ni Sir Angeles ng memorandum at ang mensahe sa akin ni Mia.

"Hays, si Sir Angeles talaga," natatawang ani ni Ate Mia.

She's so nice. Siya palang ang pinaka-close ko sa team na ito. Kung hindi ako nakakapag-training ay sya ang nagpapa-ulan ng mga mensahe sa akin upang mag-training na ako.

Naka-upo kami ngayon sa mga mats sa loob ng dojo. Hinihintay ang iba naming mga kasama dahil sa isang linggong preparasyon para sa university meet kaya mag-hapon din ang aming mga training sa linggong iyon.

"Akala ko ba ay alas otso ang oras ng time in natin ngayon? Bakit wala pa sila?"

Hindi ko alam kung ako ba ang tinatanong ni Mia o ang kaniyang sarili. Wala naman kase akong ibang masabi dahil nag-lalakbay pa ang aking isipan sa kung saan-saan.

"Mag-c-cr lang muna ako ha," sabi ni Mia sa akin.

Tumango na lamang ako at naiwang mag-isa sa loob ng dojo. Na-forward ko na sa lahat ng mga instructor ko ang memorandum at ang list of players kung saan ako kabilang upang mabigyan naman ako ng chance makapag-cope up sa mga lackings ko nang hindi namamarkahan ng INC.

Sa sobrang pag-kabagot ay nahiga na lamang ako sa mga mats sa may gilid. At dahil walang magawa ay hindi ko namalayang naidlip na pala ako. Nagising na lamang ako sa ingay ng punching bag na sinisipa.

Bumangon ako at nilingon ang hangal na sumira ng aking tulog.

"Sana naman ginising mo muna ako—"

My words were cut off mid air when i saw who it was. Mateo...

Pawis na pawis na siya samantalang ang pag-sipa pa lang yata sa punching bag ang kaniyang ginagawa. And damn his body. Bakat na bakat na naman iyon sa kaniyang basang t-shirt dahil sa pawis. His abs and biceps were so evident!

Tumigil si Mateo sa pag-sipa nang mapansing gising na ako. Hinawakan niya ang punching bag upang huminto iyon sa paggalaw habang nakatingin sa akin.

"Gising ka na pala," aniya na parang wala lang.

Tumikhim ako bago tumayo.

"Kanina ka pa ba dito?" tanong ko nang tuluyang maharap siya.

"Half an hour ago?" aniya.

Nanlaki ang aking mata. He's been here for quite a while now ngunit hindi man lang ako nagising sa ingay niya!?

"Bakit hindi mo ako ginising kung ganon?" tanong ko. Nag-lakad ako papunta sa upuan kung nasaan ang aking mga gamit. Ngayon ko lang napansin na naka-tapat na pala ako sa kaniya.

Game of HarmonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon