Prologue

2 0 0
                                    

Love or freedom. Palagi kong tanong sa aking sarili at palagi ring walang sagot na may kasiguraduhan. Ang maging panganay sa aking tatlong mga kapatid ay isa ng malaking pag-subok sa akin. Lalo na kung mula't pagkabata ay ako ang nag-bibigay karangalan sa aming pamilya. Ngunit kahit ganoon ay parang hindi pa rin ako mabigyan ng tiwala ng aking buong pamilya.

I wanted to study far from my home town. To be freed from some responsibilities at home na talagang hindi ko na kayang pag-tiisan. Gladly, my mother let me choose the university i wanted to attend.

Iyon ang aking nasa isip noong mga araw na pumipili ako ng unibersidad. Sinadya kong malayo upang makalayo sa bahay na puro away ang ganapan at hindi maiwas-iwasang sumbatan.

Napadpad ako sa La Union sa dinami dami ng probinsiya sa Luzon. Anim na oras ang layo nito sa home town ko, sakto lamang para sa ikatatahimik ng aking isipan. It was far better for my peace of mind but not better than my hometown.

"Anong year mo na? Bago ka lang din ba?" tanong sa akin ng ka-room ko nang unang gabi ko sa dorm habang sabay kaming kumakain.

Sa ladies dorm ng unibersidad ako ngayon naninirahan. Ang mga taong narito ang aking magiging ka-pamilya sa mga susunod na buwan.

"First year BS com-sci. Ikaw?" balik ko sa tanong kahit hindi naman ako masiyadong interesado.

Sumagot siya habang sumusubo. "First year din, BTLED nga lang kinuha ko."

Kumunot ang aking noo. Ang paraan ng kaniyang pagkakasabi sa kaniyang kurso ay hindi ko naintindihan. O sadyang hindi ko pa narinig ang kursong iyon.

"BTLED?"

"Oo, TLE. Technology Livelihood Education," sagot niya.

Napatango na lamang ako nang sa wakas ay naintindihan ko na. Iyon pala 'yon.

Ang tito ko ay isang instructor sa college of education na kailan man ay hindi ko magiging teacher sa kahit anong subject dahil social studies ang kaniyang itinuturo. At sa palagay ko ay hindi naman magkakaroon ng social studies na subject ang comsci. Sa kanila ako nakikitira noong mga panahon kailangan ko pang mag-take ng CAT at nong mga panahong kuhanan na ng CAT results, pati na rin dental and medical submission at pati na rin noong enrollment. Sa kanila rin ako makikitira tuwing weekend lalong-lalo na kapag walang tao sa dorm.

Alas otso ng unang gabi ko sa dorm ay nagka-roon kami ng orientation para sa rules and regulations ng dormitory. Madaming bawal na sigurado naman akong kayang-kaya kong sundin. Nag-elect na rin kami ng mga bagong officer dahil iyong mga officer last year ng dorm ay fourth year na ngayon.

Unang araw ko pa lamang ay pahirapan na sa paghahanap ng room. Sa computer lab ang pinaka-unang subject ko noong first day of class at wala akong ibang nagawa kung hindi ang mag-overthink at mapa-nganga sa mga taong nakikita kong pumapasok sa room namin. Ang aayos nila tingnan at sa tingin ko'y mga matatalino pa.

Dumating ang instructor namin sa computer prog at agad siyang nag-orient sa amin. 15 minutes na siyang nag-sasalita ay biglang may pumasok na maputi at matangkad na lalaki sa com lab. My eyes widen when i saw the familiar guy who just walked in. Ang lalaking kung saan-saan natatagpuan ng aking landas saan man ako mag-punta noong enrollment at medical requirements submission. Mag-hapon kong nakakabanggaan ang lalaking iyon noon. Siya lamang sa dinami-dami ng aking mga naging blockmate at hindi ko inaasahang nasa iisang section din kami.

Inabangan ko sa introduce yourself ang lalaking iyon. I wanted to know his name...only. Ngunit hindi ko alam na mas may magiging interesante pa pala sa kaniya.

"Good morning everyone, I am Almiro Justin Meneses. 17 years old and I'm from Manaoag Pangasinan. And the only thing that is interesting about me is I play chess," aniya.

Game of HarmonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon