Chapter 8

2 0 0
                                    

"Computer science week next next week," sabi ni Kim nang magkakasama kaming tatlo nila Alex.

Nasa dorm kami ni Alex ngayon nakatambay tatlong oras ang vacant namin ngayong araw. Mamayang 3-5 pa kasi ang klase namin.

"Kasama na ba doon ang sports day tsaka acquiantance party natin?" tanong ni Alex na abala sa kaniyang tablet dahil nag-ta-trabaho.

"Oo. Retro daw ang theme natin sa acquiantance. May retro ba kayong damit?" tanong ni Kim na nagpalipat-lpat ang tingin sa aming dalawa ni Alex.

Nag-kibit balikat ako. "Wala akong retro na damit."

Iilan lang kasi ang gamit kong nandoon sa dorm. Hindi ako mahilig sa dress pero may mga dress naman ako. Kaso nga lang ay hindi naangkop sa theme na sinabi ni Kim. Po-problemahin ko pa tuloy ang susuotin ko.

"Ikaw, Alex?"

Pareho naming tiningnan si Alex. Nag-angat siya ng tingin sa aming dalawa. "Meron na yata. Kung wala mag-o-order na lang ako online," aniya.

Napa-face palm na lang ako.

Nakita ko na ang wardrobe niya at marami nga siyang mga iba't ibang damit. Wala ka nga lang makikitang mga jeans sa closet niya dahil puro skirt, tops at dress lamang ang nandoon. Ang kikay niya kasi mag-damit. She's the girly—girly type of person.

Nag-browse na lang ako online ng pwede kong gamitin. Iyong mura pa ang hinanap ko dahil nag-ti-tipid ako ngunit wala talaga akong mahanap. Naisip ko na lang na humiram sa mga taong kakilala. Magbabaka sakali na lamang ako kung meron sila.

Gumagawa ako ng assignment kinagabihan nang mag-message sa akin si Ate Mia sa isa kong soc med account. Sa messenger. We've been communicating through this platform ever since i started my trainings with their team.

Amelia Gaviote:

Hello, Nari. Mag-t-training ka ba bukas ng hapon?

Napatitig ako sa mensahe ni Ate Mia. It's been a while. At sa tuwing sinusubukan ko na ulit mag-flexibility ay matigas na ulit ang aking katawan. Masakit na naman sa buto-buto. Lalong lalo na iyong harmstring ko.

Lunaria Amores:

Ewan ko, 'te. Pinag-iisipan ko pa.

Amelia Gaviote:

Mag-training ka na. Hinahanap ka na sakin ni Mateo. Yieeh.

Napaismid ako doon. For all i know joke lang iyon ni Ate Mia. I still haven't forgotten about our heated confrontation. Bakit ako hahanapin ni Mateo kung pati siya ay mukhang nairita na sa akin? So freaking impossible.

Lunaria Amores:

Subukan kong mag-training ngayon, 'te.

Amelia Gaviote:

Huwag mong subukan. Pumunta ka.

Napatitig ako sa sinabi ni Mia. Anong gagawin ko kapag bumalik ako ulit sa training. I don't want to feel any awkwardness within my team.

Lunaria Amores:

Sige, 'te. Anong oras ba?

Amelia Gaviote:

Yes! Napapayag din kita sa wakas. The usual time lang naman. Five pm.

Nag-react na lamang ako sa mensahe ni Ate Mia bago pinatay ang aking selpon. Tinaggal ko muna ang aking isipan sa kaniyang sinabi at mabilis na tinapos ang aking assignment.

Hindi ko pinagsisihan ang paglabas ko ng aking sama ng loob kay Mateo. I know he's not the type of person na mag-sasabi sa iba. Tho, iniisip ko kung ano ng magiging tingin niya sa akin ngayon. Would he think that i'm too sensitive? Dahil sa maliit na bagay na iyon ay binig deal ko? But i was hurt emotionally and physically!

Game of HarmonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon