It has been a while since i became a part of the university's taekwondo team. Umaayon naman sa akin ang mga training drills at hindi na masyadong sumasakit sa katawan ko. Except, i am too eager to get my flexibility back. Dahil alam kong sa oras na makukuha kong muli ang flexibility na inaasam-asam ko ay marahil pwede na ako sa mga poomsae competitions.
I don't care about the team's made-up rules. I already did my research at pwedeng pwede pa rin ang colored belts hanggang ngayon sa mga regional poomsae competitions.
Nasa labas kami ng dojo noon kasama si Reika nang mag-kwento siya. Ate Mia told me about her before. Siya ang ex ni Mateo noong mga bata pa sila. They were already black belters that time.
"Ikaw wala ka bang nagugustuhan sa team natin, Nari?" tanong ni Reika noon sa akin.
Kakatapos niya lang i-kwento ang tungkol sa kwento nila ng kaniyang nobyo ngayon at ngayon ay ako naman ang kaniyang pinag-kainteresan.
Umiling ako ngunit ang mga mata'y minsan naglalakbay sa pwesto ni Mateo na nakaupo sa loob ng dojo.
"Lahat naman ng lalaki dito sa gym except kay Leon at Steven ay walang jowa. Si Mateo ayaw mo ba?"
Bigla ay sumikdo ang aking puso sa biglang pag-banggit niya sa pangalan ni Mateo. Hindi ko alam kung bakit ganon na lamang ang nagiging reaksyon ng puso ko tuwing nababanggit ng iba ang pangalan niya.
Ngumiti ako ngunit hindi nag-salita. Nananahimik din si Ate Mia sa aking tabi.
"Pero alam mo si Mateo? Ex ko 'yon. Isang buwan lang kami pero matagal na kasi 'yon. Around 2016 yata? Mga bata pa kami non pero sinabi nila sakin umiyak daw siya noong nag-hiwalay kami," kwento ni Reika.
Wala akong magawa kung hindi ang ngumiti. Hindi ko alam kung paano mag-react. Pilit kong kinakalkal sa puso ang selos ngunit hindi ko naman iyon maramdaman.
Ngunit inaamin ko naman sa aking sarili ang pag-kakaroon ng pag-hanga kay Mateo. No one knows it yet in our team and I hope it stays that way. Ayokong malaman nila. Lalong-lalo na siya.
"Ilang set, Sir?" tanong ni Alfred kay Sir Angeles noong kicking drills na namin.
Rotation na naman at si Mateo ulit ang partner ko ngayon.
"3 sets! 50 slide back then front leg 45 kick," sabi ni Sir.
Nag-simula na kami. Sa part nila Mateo ngayon ang naka-hawak ng kick pad. Nasa chest level niya ang kickpad kaya ay kailangan ko pang abotin iyon.
Ngumiwi ako nang maramdaman ang pagka-punit ng aking harmstring. Shit. Akala ko ay okay na.
Kunot noo ako habang ipinagpapa-tuloy ang pag-sipa. Hindi ko ininda ang sakit na nararamdaman sa paa.
"Ayos ka lang ba?" ibinaba ni Mateo ang kickpad na hawak niya.
Nag-tagpo ang aming mga mata at sinubukan kong hindi ngumiwi sa sakit sa aking hita.
"Ayos lang ako."
Mukhang hindi siya kumbinsido sa aking sagot.
"Masakit pa rin ba ang kanang paa mo kapag sumisipa?" tanong niya. Nahimigan ko ang kaonting pag-aalala sa kaniyang boses.
Tumango na lamang ako dahil alam ko namang hindi ko pwedeng pilitin. Baka ay siya pang mag-dulot ng injury ko.
"Kung masakit pa rin, lipat ka na sa isang paa tutal 'yon naman ang sanay mo pa sa ngayon. Huwag mong pilitin 'yang kanan," he suggested.
I feel like a submissive trainee to her coach dahil sunod sunuran lang ako sa mga sinasabi ni Mateo. Hindi ako makapag-reklamo at kusa na lamang sumusunod sa mga sinasabi niya. Tho, sa ikabubuti ko rin naman ang mga ipinapagawa niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Game of Harmony
RomantikIf caught between a bewildering game, would you fight or flee?