4:50 nang umalis na ako sa library. Bumalik si Mateo sa kaniyang mga kaibigan habang ako naman ay tinatahak na ang daan papuntang dojo.
Hindi talaga ako nai-inform sa mga bagay na 'yon nang mas maaga dahil pinoprioritize nila ang mga varsity. Tho, i'm still one of their players. Nakakainis lamang iyong unfair treatment na ibinibigay nila.
Narating ko ang dojo. Bukas ang pinto non ngunit walang tao sa loob. Pumasok ako at umupo na lamang sa mga mats habang naghihintay.
Akala ko ay 5pm ang meeting. Wala pa sila? Ako palang mag-isa.
Well, 4:55 na at may limang minuto pa naman sila. Maari ding late lang sila dahil filipino time nga.
Nag-mumuni-muni ako nang bumukas ang pinto ng dojo. Pumasok si Mateo dala ang bag niya kanina galing sa library. Lumagpas ang aking tingin sa kaniyang likod upang hanapin sila Steven at Alfred ngunit wala sila doon.
"Nasaan sila Steven?" tanong ko kay Mateo.
Hindi siya nag-salita. Bagkus ay naglakad siya palapit sa aking kinauupuan. Umupo siya sa aking harap at nag-lebel ang aming mga tingin.
Ngayon ay mas natitigan ko na ang kaniyang mukha nang mas malapitan. Ang gwapo niya pa rin kahit naka-pang-bahay lang.
"Handa ka na ba bukas, Cha?" imbes ay tanong niya.
Ngayon ay kumunot ang aking noo. "Iba't ibang pangalan ang tawag mo sa akin," i stated.
"They are still your name tho," aniya.
Mas lalong lumalim ang gitla sa aking noo. "You have the guts to call me by my first name. Ikaw lamang ang tumatawag sa akin niyan... And i fvcking hate it."
I hate how smooth my name goes through his tongue every single time he pronounce it. I hate how my unconscious mind always respond to the name he calls me. And most especially, I hate how i'm loving that name coming out of his lips.
Tumaas ang isang kilay sa akin ni Mateo. "Bakit? I like that name," he cooly said.
Kinailangan ko pang tumikhim upang suwayin ang puso kong tumambol na naman sa kaniyang sinabi.
"Not everyone calls me that. Hindi ako sanay."
"Masanay ka na ngayon," sabi niya.
Naglumikot ang aking mga mata. "Nasaan iyong iba? Alas singko na, Mateo," ani ko.
Sumulyap siya sa kaniyang likod. Pagka-tapos ay bagot akong tiningnan ng kaniyang mga mata bago siya tumayo. Pinanood ko ang pag-punta niya sa loob ng storage room.
"Mateo! Nasaan iyong iba?" tanong ko ulit. Ang tuluyan niyang pag-ignora sa aking tanong ay nakakainit ng ulo.
Lumabas sa storage room si Mateo hawak ang dalawang set ng mga gears at dalawang head gear. Ibinaba niya iyon sa gitna ng mga mats. Dumiretso siya sa bar kung saan nakasabit ang mga maaasim ng mga armors.
Kumuha siya ng dalawa doon bago naglakad palapit sa akin. His eyes lazily look down at me. Tinitingala ko siya.
Ibinagsak ng kaniyang kamay ang isang armor.
"Tayo," senyas niya.
Naguguluhang sinunod ko ang kaniyang utos.
"Ano ba kasing ginagawa natin dito, Mateo? May meeting ba talaga—"
Pumunta siya sa aking likod habang ang dalawang kamay niya ay kinukulong ako sa pagitan ng kaniyang mga braso at sa armor na nasa aking harapan.
Nahigit ko ang aking hininga sa sobrang lapit niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang kaniyang matigas na dibdib na bumabangga sa aking likod.
BINABASA MO ANG
Game of Harmony
RomanceIf caught between a bewildering game, would you fight or flee?