Chapter #3

9.2K 162 26
                                    

Emery's P.O.V

Marahang pinark ni Zannix ang kotse pagkatapos ay lumabas siya saka pinagbuksan niya ako ng pinto. Pagkalabas ko ay siya ring paglabas ni Dulcie sa kotse niya at ang pagdating naman ni Zayaner.

Lumapit sa akin si Dulcie. Nag-beso kami sa isa't-isa saka hinintay namin si Zayaner na hindi naman nagtagal ay lumabas na sa kaniyang kotse.

"Let's go," aya ni Zannix sa akin, tumango naman ako saka ipinulupot ko ang kamay ko sa kaniyang braso.

Pinauna namin ang dalawa. Habang papasok kami sa loob kung saan ginaganap ang alumni ay bigla akong kinabahan.

"You okay?" bulong sa akin ni Zannix.

Napakapit ako sa kaniya saka bumulong. "I'm nervous for something."

Kanina pa ako kinakabahan. Hindi namin matanggihan si Hanny na class president namin, at saka mga class officers din kami kaya hindi puwede kaming mawala.

At saka ang inaalala ko at iniisip ko ay si Senna. Eight years ng hindi kami nagkikita. Nawala ang connection namin sa kaniya mula ng pumunta kami ng America para samahan sa pagpapagamot si Dulcie.

Back then, naging mabilis ang lahat ng pangyayari. Nang araw na iyon alam namin na makikipaghiwalay si Zayaner kay Senna. Iyon ang dahilan kung bakit siya hinihintay ni Zayaner sa office nito.

Hindi ko siya matingnan noon dahil nasasaktan ako. Ayaw ko siyang makitang masaktan. Senna is a good girl. Napakabait niya. She is a selfless person. Alam na alam ko kung paano siya naghintay at nanahimik sa nararamdaman niya.

Mahal ko silang dalawa. Hindi ko alam kung sino ang lalapitan ko sa kanila noon, kung si Senna ba, or si Dulcie, pero sa huli, si Dulcie ang pinili kong damayan.

Kung pumunta man siya ngayong gabi, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Kung paano ako mag-o-open ng topic sa kaniya. Marami akong gustong i-sha-share na kuwento sa kaniya.

Miss na miss ko na rin siya. Nami-miss ko ang malambing niyang boses at ang mga ngiti niyang tilang wala siyang dinadalang sakit. I feel guilty.

Natauhan ako sa pag-iisip ng inabot sa akin ni Zannix ang isang pen touch. Noong una ay nagtaka ako pero sinabi niyang mag-sign daw ako sa may picture ko na ginawa ko naman kaagad.

Pagtingin ko sa tabi ng picture ko ay nakita ko ang picture ni Senna.

"Senna," naibulong ko sa aking sarili.

Wala pang nakalagay na signature kaya ibig sabihin ay wala pa siya.

Mabilis na dumako ang tingin ko kay Zayaner.

"Sino kaya sa kanilang dalawa ang naka-move on na? Kaibigan pa kaya ang turing sa atin ni Senna. You know I feel guilty when we left her eight years ago. Iniwan natin siya sa hindi magandang kalagayan." mahinang sambit ni Zannix sa tabi ko.

Tipid na ngiti na lamang ang nagawa ko dahil kahit ako at ganoon din ang iniisip ko. Walang naiwan sa amin para damayan siya.

Pagpasok namin sa entrance ay nakita ko kaagad si Hanny. Nakangiting sinalubong niya kami. Binigyan niya kami ng beso kiss maliban kay Zayaner na lumayo nang marahan saka umiling.

"I'm sorry, Hanny. Hindi ka namin natulungan sa pag-prepare." hinging paumanhin ko.

"No worries, ang makita kayo tonight ay isang malaking help na iyon." tugon naman ni Hanny.

"Anyway, nasa part na iyon ang ating table. Naroon na rin ang iba nating classmates." dagdag ni Hanny.

Tumango kami at tumungo sa sinasabi ni Hanny na table namin. Ang lahat ng mga classmates namin ay napalingon sa amin. Masaya namin silang sinalubong. Nagkamustahan din kami.

Taming The Mother of My Twins (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon