Chapter #4

7.8K 123 13
                                    


Senna's P.O.V

"You are still running away from the crowds." Rinig kong mula sa aking likuran.

Lumabas ako para tawagan si Lyanez para kumustahin ang kambal ko. Baka kasi hindi pa sila tulog hanggang ngayon pero nakampante naman ako dahil mahimbing na silang natutulog.

"Obviously, I hate crowds." tugon ko, saka lumingon sa tabi ko.

Nasa terrace kami ngayon, malayo kasi rito sa mga tao. Nalibot ko na yata ang buong hall dahil sa dami ng tumatawag sa akin at kinakamusta ang anak ko.

"How are you?" Rinig kong tanong niya.

Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa railings.

"I'm great," tipid na sagot ko.

"Are you happy?" tanong ulit ni Zayaner.

"Very happy. Hindi ko alam na mas sasaya at magiging tahimik ang buhay ko ng wala ka. I am very blessed and content." nakangiting sambit ko.

Lumingon ako sa kaniya. Nakasandal siya sa railings at nakatingin sa mga tao.

"How about you? How are you? How's you and Dulcie?" sunod-sunod kong tanong.

"I bet both of you are married now." may halong birong dagdag ko.

Hindi na ako magugulat kung kasal na sila at mayr'on ng pamilya. Magiging masaya ako kung ganoon nga. Walong taon na rin ang lumipas kaya sure akong kasal na sila.

Lumingon ulit ako sa kaniya kasi hindi siya umiimik. Lihim na nagkibit-balikat na lang ako. Tumahimik na lang ako at hindi nagsalita pa.

Binuksan ko ang phone screen ko at tiningnan ang oras. I think it's time for me to go home. Gusto ko ng makasama at makatabi ang mga anak ko.

"I guess you want to be alone. Maiwan na kita." paalam ko sa kaniya.

"I heard you have a child, but you are not married. How has it happened?" Nahinto ako at muling napalingon sa kaniya. This time, nakikita ko na ng mukha niya.

Ngumiti ako at sinagot ang curiosity niya. "Yes, I am not married, but I am a single mother. Why? Can't I be a mother without getting married? Babaeng ikinasal lang ba ang puwedeng maging ina?" I stated directly into his eyes.

Binigyan ko siya ng tipid na ngiti at pagkatapos ay tinalikuran ko na siya at tuluyan ko na siyang iniwan.

Hindi ako natatakot na malaman niya ang tungkol sa kambal ko. After all, maraming nakaaalam na single mother ako. Hindi na ako nagulat din na marinig niyang may anak ako. Sa dami ba naman ng inaanak ng kambal at maraming mga matatabil ang dila sa paligid namin.

Hindi lang ako nakatitiyak na agad niyang iisipin na siya ang ama ng mga anak ko. Kung  ako lang ang masusunod, wala siyang karapatan sa mga anak ko, pero kahit anong gawin ko, siya pa rin ang ama ng kambal. Bagay na hindi ko maitatanggi at maitatago habang buhay.

Bago ako tuluyang bumalik sa table namin. Nakaramdam ako ng tawag ng cr kaya pumunta muna ako ng restroom. Pagkarating ko ay agad kong ginawa ang dapat kung gawin at pagkatapos ay binuksan ko ang faucet at naghugas ng kamay.

Habang naghuhugas ako ay narinig ko ang pagbukas ng isang cubicle. At ang taong lumabas ay humarap sa salamin. Lihim na tumingin ako sa purse niya. Nakita kong kumuha siya ng lipstick.

"Long time no see, my friend. Oops! Sorry, I forgot! you are a boyfriend stealer. Are they aware of how dangerous you are? They were so clingy to you, as if you were a good person." maarteng parinig ni Dulcie.

Pagkatapos kong makapaghugas. Kumuha ako ng tissue saka marahang pinunasan ang kamay ko.

"It's been eight or more years since our last meeting, yet you haven't changed at all. You are still a pretentious person, I know." mahinahong kong tugon without looking at her.

Taming The Mother of My Twins (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon