Chapter #34

6.4K 101 15
                                    


Emery's P.O.V

"Mommy!" Mabilis na napalingon ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ni Emeria. Napangiti naman kaagad ako dahil kita ko ang malapad niyang ngiti habang palapit sa akin.

Sinalubong niya ako ng isang matamis na yakap na sinuklian ko naman.

"Where's Daddy?" tanong ko saka tumingin sa pinto dahil siya lang kasi ang pumasok kaya nagtaka ako.

Bumitiw sa pagkakayakap sa akin si Emeria sabay iling niya.

"Hindi po si Daddy ang nagsundo sa akin." magalang niyang sabi.

Kumunot ang aking noo at bigla akong kinabahan dahil baka sumama sa isang stranger ang anak ko na kabilin-bilinan kong huwag niyang gagawin.

"Kung gan'on, sino ang nagsundo sa'yo?" tanong ko ulit.

"Me," Umangat ang aking tingin sa sumagot.

Awtomatikong nawala ang kabang nararamdaman ko nang makita ko si Dulcie. Siya naman pala ang nagsundo. Akala ko kung sino.

May malapad na ngiting umupo sa kaharap kong couch si Dulcie.

"Anak, may inihanda akong pagkain sa table. Para sa iyo 'yon. Go! Kumain ka na muna." marahang utos ko kay Emeria na agad naman niyang sinunod.

"Kailan ka pa bumalik? Bakit hindi mo ako tinawagan? Nasundo sana kita sa airport." saad ko,

"Ngayon lang ako nakarating. Hindi ko na sa'yo sinabi dahil gusto ko kayong i-surprise lalo na si Zayaner." tugon niya, naroon pa rin ang saya sa mukha niya na ikinataka ko lalo.

"Then, naisipan kong bisitahin ang inaanak ko sa kaniyang school. At since, rito na rin ang punta ko, sinama ko na siya pauwi." nakangiting dagdag niya pa.

Lihim na kumunot ang aking noo. Kinakabahan ako sa klase ng kaniyang mga ngiti. Knowing Dulcie, hindi siya ngingiti ng wala siyang ginagawa.

Biglang sumagi sa isip ko ang mga anak ni Senna.

Hindi kaya?

Nasa iisang school lang nag-aaral ang mga anak namin.

"Dulcie, wala ka naman sigurong ginawa, 'di ba?" tanong ko.

Bumaling siya ng tingin sa akin.

"What? Wala akong ginawa." natatawang tugon niya.

Sana nagsasabi siya ng totoo.

"Miss! Sandali! Miss! Teka!" Napalingon ako muli sa pinto ng marinig ko ang boses ni Lara na parang mayr'on siyang pinipigilang pumasok.

Tuluyan ng nanlaki ang mga mata ko ng bumungad mula sa pintuan ang galit na galit na Senna. Napatayo kaagad ako.

"Senna," ani ko,

"Oh! Senna, naparito ka? Bakit? May kailangan ka ba? Mayr'on ba akong maitutulong sa'yo?" saad ni Dulcie na ikinabaling ko ng tingin sa kaniya.

Napalunok ako ng laway. Hindi ito maganda. Hindi maganda ang nararamdaman ko.

Nang tumingin ako kay Senna ay nakaramdam ako ng kilabot. Nakakatakot ang aura niya. Malamig at blangko siyang nakatingin kay Dulcie.

Nagsimula na siyang humakbang patungo kay Dulcie at isang malakas at malutong na sampal ang binigay niya kay Dulcie na nagpanganga sa akin.

"Senna!" biglang bulalas ko.

Sa lakas ng sampal ni Senna ay napahiga sa couch si Dulcie. Agad na humawak sa pisngi si Dulcie at tumingin kay Senna na hindi makapaniwala.

"What is your fucking problem, bitch?" malakas na wika ni Dulcie.

Taming The Mother of My Twins (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon