Chapter #7

8.6K 124 8
                                    

Senna's P.O.V

"Oh, by the way! Tour him around." Pahabol na bilin ni Ma'am Jacky, pagkatapos ay tuluyan na siyang nawala sa paningin namin.

"Okay," mahinang tugon ko kahit nakaalis na si Ma'am Jacky. Tumingin ako kay Zayaner na nakatingin din pala sa akin.

"My pleasure," I softly added.

Nakangiti siyang nakatingin sa akin bagay na ikinatataka ko. What's wrong with him? Iyong mga ngiti niya ay nakakikilabot.

Nilagpasan ko siya at muli akong tumungo sa office ko.

"Wait! I thought you were going to tour me around the company." Rinig kong wika niya sinusundan niya ako.

Binuksan ko ang pinto ng aking office saka dumeritso sa table ko at agad na binuksan ang isang naka-locked na drawer. Mayr'on akong hinahanap hanggang sa nakita ko ito sa gitnang parte ng mga nakapatong na folders.

Kinuha ko ang isang brown folder. Muli kong ibinalik sa dati ang drawer saka lumapit ako kay Zayaner. Inabot ko sa kaniya ang brown folder na hawak ko. Nagtataka namang kinuha niya ito.

Lumapit ako sa harapan ng aking table saka marahang sumandal dito. Pagtingin ko sa kaniya ay tinitingnan na niya ang laman ng binigay ko.

"A floor plan?" pagtataka niyang wika sabay tingin sa akin.

"Hindi ko na kailangan pang ilibot kita sa buong kompanya, dahil alam kong tapos mo na iyong gawin." saad ko,

"When did I do that?" pagpapanggap niya.

"Kanina," mabilis na sagot ko.

"Hindi ka pupunta rito ng masiyadong maaga para sa wala." dagdag ko.

Sa pagkakatanda ko ay napakahalaga sa kaniya ang oras. Pagdating sa trabaho ay napaka-strict niya. Gusto niya perfect lahat. Isang mali mo lang ay tanggal ka kaagad without giving you a second chance. Late ka lang ng one minute sa pagpasok ay paliligpitin ka na niya ng gamit. Kahit isang maliit na mali ay nakikita niya. He wants everything to be perfect. Dapat maipasa mo rin ang kaniyang hinihingi sa oras na kaniyang ibinigay.

How do I know all about it? Naging secretary na niya ako noon. Pagka-graduated niya ay pinasa sa kaniya kaagad ang kompanya ng kanilang pamilya. Siya na ang humawak nito. At ako bilang bulag sa pag-ibig, para lagi ko siyang nakikita I offer myself to be his secretary. No choice naman siya kun'di ang tanggapin ako.

"Instead of touring me around, you want me to study this floor plan so I can become familiar with this place?" he said, covering what I say.

"You are not stupid, Mr. Tuarez. Hindi mo bibilhin ang kompanya ng hindi mo nalalaman ang lahat ng tungkol dito. Hindi ka bibitiw ng pera sa bagay na hindi ka nakatitiyak." mabilis kong sambit.

Nakita ko na mas lumawak ang kaniyang ngiti, pero kalaunan ay napangisi siya na para bang natutuwa siya sa kaniyang naririnig at nakikita.

"You still know me." natutuwa niyang wika. Nakita ko ang pagkakaroon ng pag-asa sa kaniyang mga mata. It seems like he feels relieved for something.

Lihim na tumaas ang dulo ng aking kilay.

"I can forget the memories, but I can't forget what I experienced" seryoso at makahulugang tugon ko.

Unti-unting nawala ang kaniyang mga ngiti sa labi.

He cleared his throat, "So, you won't tour me around?" he asked, making it sure.

"Yes," I quickly replied.

"Why? Because you feel uncomfortable with me? You don't want to see me? Or hear my voice?" he stated as if he wants to confirm from me.

Taming The Mother of My Twins (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon