Chapter #5

9.1K 135 7
                                    


Senna's P.O.V

Marahan kong binuksan ang pinto, pagkatapos ay dahan-dahan din akong pumasok sa loob ng bahay.

Pagkasara ko ulit ng pinto ay tinanggal ko ang suot kong heels saka dumeritso na sa loob hanggang sa marating ko ang living room.

"Lyanez? You are still awake?" pagtataka kong tanong sa kaniya.

Narito pa kasi siya sa living room, at dito na lang din bukas ang ilaw. Dumako ang tingin ko sa taas, then balik sa nakaupong Lyanez.

Bumaling siya ng tingin sa akin. "You're here?" Tumingin siya sa wall clock. "Too early," nagtatakang dagdag niya.

Lumapit na rin ako sa kinaroroonan niya. Umupo ako saka inilapag ang hinubad kong heels.

"How is it? Enjoy ba? Or boring? Umuwi ka kasi nang maaga. Hurry, kuwento ka na dali!" excited niyang sambit pagkaupo ko pa lang.

"How's the twin?" tanong ko bago sagutin ang kuryusidad niya.

"No need to worry, mahimbing na silang natutulog. Natulog sila sa tamang oras at pinainom ko sila ng gatas bago ko sila pinatulog. Ginawa ko ang dapat gawin kaya huwag mo silang isipin. Dali na, kuwento ka na!" mabilis niyang sambit habang naroon pa rin sa mukha niya ang excitement na makasagap ng tsismis.

Naiiling na sumandal ako sa sandalan ng couch pero napanatag naman ako dahil sa kaniyang sinabi.

"But before we start, let me change this kind of gown. I can't breathe properly because of it." reklamo kong wika sabay tayo.

Nararamdaman kong magiging matagal ang pag-iintriga sa akin ni Lyanez.

"Can you please make me a cup of coffee." dagdag ko saka tumungo sa hagdan.

Agad ko namang narating ang kuwarto ko. Marahan kong binuksan ang pinto. Napangiti ako nang bumungad sa akin ang kambal kong mahimbing na natutulog.

Dahan-dahan ko ring isinara ang pinto at walang ingay na lumapit sa kanila.

Ang himbing ng tulog nila. Tinotoo talaga nila na huwag akong mag-alala sa kanila. Hindi sanay na matulog ng hindi sila nakatitiyak na kasama at katabi nila. Gusto rin nilang nahahawakan nila ako bago nila ipikit ang kanilang mga mata. Bata pa lang ay ganiyan na sila kaya hindi ako nagpapagabi or never akong nagkuha ng overtime na oras kahit pa iyan double or triple pay, dahil mas mahalaga sa akin ang mga anak ko.

Gusto ko na bago nila ipikit ang kanilang mga mata ay nakatitiyak akong komportable sila para walang maging sagabal sa pagtulog nila.

Magkakasama rin kami sa iisang kuwarto. Mas gusto kasi naming magkakatabi kaming matulog. Mas panatag kasi ang loob ko kapag alam kong nasa tabi sila. Sinusulit ko na rin habang maliliit pa sila. Kapag malaki na sila, impossible ng mangyari na nasa iisang kuwarto pa rin kami. Alam kong darating ang araw na magkakaroon sila ng kani-kanilang kuwarto.

Marahan na nilapatan ko ng halik ang kanilang mga noo, pagkatapos ay inayos ko ang pagkakakumot sa kanila ng kumot.

Walang ingay ulit akong kumilos. Kumuha ako ng damit pantulog saka nagbihis. Mabilis naman akong natapos. Mabilis na ligo na ang ginawa ko para fresh ang pakiramdam ko para ba rin kaagad na matanggal ang make-up na nilagay sa mukha ko.

Tinapos ko na agad ang pag-aayos ko dahil nakatitiyak akong hindi na mapakali si Lyanez habang naghihintay.

Nang matapos ako ay lumabas na ulit ako ng kuwarto at kaagad na bumalik sa sala.

"Finally! Akala ko tinakasan mo na ako. Susundiin na sana kita." Lumapit siya sa akin at tinangay na ako saka sabay kaming umupo sa couch.

"Ano na? Bilisan mo na! Sobra ka namang pabitin, e." hindi makapaghintay niyang sambit sa akin.

Taming The Mother of My Twins (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon