LAST CHAPTER

7.3K 90 15
                                    


Senna's P.O.V

Marahan akong tumigil sa tapat ng isang malaking gate na kulay itim. Pagkatigil ko ay mayr'ong kumatok sa bintana ng kotse. Ibinaba ko sa kalagitnaan ang salamin ng bintana saka walang lingon na inibot ko ang isang black card.

Nang ibinalik niya sa akin ang card ay agad kong sinara ang bintana. Nakita kong binubuksan na nila ang gate. Pagkabukas ay agad akong pumasok hanggang sa marating ko ang isang malaking mansion na kung saan tinuturing ng karamihan na haunted mansion.

Kulay itim ang kulay ng mansion, labas at loob. Kapag pumasok ka sa loob ay mala-dark ang aura nito.

Itinigil ko ang kotse sa tapat ng mansion. Binuksan ko kaagad ang pinto ng kotse at lumabas. Pagkalabas ko ay siya ring pagbukas ng pinto ng mansion. Mula sa loob ay lumabas si Marius.

"Yo!" nakangiting bati niya sa akin.

Tinanguan ko lang siya saka tumungo papasok sa loob ng mansion.

"Nagkaayos na ba kayo ni Zayaner? Nag-usap kayo, 'di ba? Sinabi mo na sa kaniya na alam mo lahat?" sunod-sunod na tanong niya.

"Masiyado ka talagang tsismoso, noh!" tugon ko,

Umakyat kami ng hagdan at pagkarating namin sa pangalawang palapag. Mayr'on kaming pinuntahan na silid.

"Of course! Kaibigan ko si Zayaner at magpinsan tayo kaya curious ako sa lovelife ni'yo, noh. At saka alam ko kung paano naging malungkot ang buhay niya ng hiwalayan ka niya." Tinulak niya ang isang cabinet at mayr'ong nabuong isang pinto. Kaagad akong pumasok sa loob.

"Alam mo naman ang lahat pero kung pahirapan mo siya ay wagas." dagdag niya pagkahabol niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. Sumara kaagad ang pinto at gumalaw ang kinatatayuan namin paibaba.

"Hindi mo na ba talaga siya mahal? Mahal na mahal ka ng tao, e." patuloy niya.

"Alam mo kung hindi lang talaga tayo magpinsan kanina pa kita pinatahimik." pananakot ko sa kaniya.

Yes, magpinsan kami ni Marius sa father side. Walang nakaaalam sa blood relationship namin including Zayaner. Kapag nasa labas kami ay para kaming hindi magkakilala.

Tinulungan ko siya sa pagkakalap ng information tungkol kina Dulcie at sa Grandfather ni Zayaner. Hindi nakatatago ng lihim si Marius sa akin kaya sinasabi niya ang lahat sa tuwing mayr'on siyang nalalaman. Katulong din namin si Zayan. Sa edad ni Zayan ay kaya niya na niyang manipulahin at gamay na niya ang computer. He is an expert hacker.

Hindi madali sa side ko ang kumilos ng palihim dahil sa mga matang nakabantay sa paligid ko.

"Ito naman, hindi marunong mag-share. Curious lang, e." wika niya,

"Hindi eepekto sa akin ang paawa effect mo, dude!" sambit ko,

Nang bumukas ang secret elevator ay agad akong lumabas.

"How is she?" tanong ko ng matigil na siya sa pangungulit.

Bumaba kami ng hagdan.

"She's still alive. Waiting for you." mabilis niyang sagot.

"Where is she?" I asked again.

Nakita ko ang kaniyang pagngisi.

"Follow me," tugon niya saka naunang lumakad sa akin.

Sinundan ko siya. Sa tuwing mayr'on kaming nakakasalubong ay yumuyuko sila at bumabati.

"Here we are." sambit ni Marius saka binuksan niya ang isang pinto.

Taming The Mother of My Twins (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon