Chapter #29

6.3K 98 6
                                    


Senna's P.O.V

Kasalukuyan kong inilalagay sa basket ang mga tupperware na mayr'ong lamang pagkain. Dalawang basket ang dadalhin naming tatlo sa pupuntahan namin.

Pagkatapos kong mailagay ang lahat ng pagkaing dadalhin namin. Tumungo naman ako sa refrigerator para kunin ang cake na ginawa ko. Kumuha ako ng paglalagyan nito saka maingat na nilagay ang cake sa box.

Pagkatapos ay itinabi ko ito sa dalawang basket. Sunod na inihanda ko ay ang inumin namin.

"Senna," Rinig kong tawag sa akin.

"Hmm?" tugon ko ng hindi lumilingon kay Lyanez dahil abala ako sa ginagawa ko.

"Mr. Tuarez is here." Rinig ko muling saad niya na ikinatigil ko at mabilis na ikinalingon ko sa kaniya.

Medyo kumunot ang noo ko, pero na-realize kong narito siya dahil sa kaarawan ng kambal.

"Tapos na ba kayo sa paghahanda ng ibang dadalhin?" tanong ko kay Lyanez.

Sa halip na magkaroon kami ng big party ay mas gusto ng kambal na mag-picnic na lang kami. Pagdating kasi sa birthday celebration ay ang kambal ang lagi kong tinatanong. Nakadepende sa kanila kung paano namin i-ce-celebrate ang birthday namin.

Siyempre, nakikisawsaw na lang ako sa kanila. Hindi naman kasi talaga ako naghahanda sa birthday ko. Birthday lang ng kambal ang pinaghahandaan ko.

"Yup! All done with double check pa ng kambal." mabilis na sagot ni Lyanez.

Tumango at kinuha ang isang basket habang ang isa ay mabilis na dinampot ni Lyanez. Kinuha ko na rin ang cake habang si Lyanez ay iyong inumin namin.

Ako ang unang lumabas sa kusina. Pagkarating ko sa living room ay naroon nga si Zayaner. Agad siyang napatayo nang makita ako. Dumako ang tingin niya sa mga dala ko at sa iba pang dalahin namin na nakakalat sa sala.

"Where are you going?" nagtatakang tanong ni Zayaner.

Napadako ang tingin ko sa kambal. Sabay silang umiling na sinasabi nilang wala silang sinasabi sa kanilang ama. Muli akong tumingin kay Zayaner pero hindi ko siya sinagot.

"Mga anak, kunin ni'yo iyong kaya ni'yong dalhin at ilalagay na natin sa sasakyan nang makaalis na kaagad tayo." utos ko sa kambal na kaagad naman nilang sinunod.

"Can I help?" Rinig kong tanong muli ni Zayaner.

Tanging simpleng tango ang binigay ko sa kaniya saka ibinigay ang hawak kong basket maging iyong hawak ni Lyanez.

Pagkarating ko sa aming sasakyan ay tinutulungan ni Lyanez na mailagay ang mga gamit na dadalhin namin sa sasakyan. Pagkatapos ay pumasok na sa backseat ang kambal.

"Don't worry, ako ng bahala rito. Just enjoy your big day." mabilis na sambit ni Lyanez ng lumingon ako sa kaniya.

Napangiti naman ako at niyakap siya. Nang dumapo ang tingin ko kay Zayaner. Awkward na umatras siya at tipid na ngumiti sa akin.

"Enjoy," sambit niya pero naroon ang lungkot sa boses niya.

"Huwag kang mag-alala. Narito lang ako para batiin kayo ng Happy birthday at magbigay ng regalo." saad niya sabay abot sa akin ng isang square box na regalo.

Kinuha ko naman ang binibigay niya. Tiningnan ko ang hawak ko.

"Para sa inyong tatlo ang laman ng regalong iyan." paglilinaw niya.

"Sige, hindi na rin ako magtatagal. Aalis na rin ako. Mag-iingat kayo." dagdag niya pa.

Pagtingin ko sa kaniya ay tumalikod na siya at paalis na.

Taming The Mother of My Twins (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon