CHAPTER 1 (First Meet)

413 86 82
                                    

He's Pov

Tirik man ang araw pero patuloy pa rin ako naglalakad para maglako ng isda. Pasan-pasan ko ang isang malaking palanggana na naglalaman ng mga tilapya, galunggong, at dilis sa aking balikat. Mabigat man at tila ako'y nangangamoy isda na pero hindi ko iyon inalintana.

Patuloy lang ako sa paglalako hanggang sa may makasalubong ako ng isang gusgusing matanda na makabuluhang ngumisi sa akin.

"Ijo,nakikita ko ang kabutihang loob sa inyong mukha pero nakakalungkot lang hindi magiging masaya ang iyong buhay pag-ibig." Napa-kunot-noo nalang ako ng siyang kinahalakhak ng instraherong matanda. Hanggang sa may isang babae na halos kasing edad ko lang na inalalayan ang matanda palayo sa akin. "Pasensya ka na may sakit kasi sa pag-iisip ang aking lola. " Nakayukong humihingi ng tawad ang babae habang hinihila ang kanyang lola palayo sa akin..

Tumango ako at tumalikod papalayo sa kanila. Pero may isang katagan ang nagpanginig sa aking sistema.

"Magmamahal ka sa isang nilalang na laruan lang ang tingin sa'yo. "

-

Napailing na lang ako sa tuwing paulit-ulit sumasagi sa aking isipan ang mga katagang na sinasabi sa akin ng instraherong matanda. Kahit anong gawin ko para kalimutan iyon ay parang sirang plaka na nageecho sa aking isipan.

Napabuntong-hininga na lang ako habang hinahanda ang mga  palangwit para sa mga isda at inaayos ang sasakyan kong bangka. Kailangan ko naman uli mangisda para may pangtinda kami ni inay. Sa hirap ng buhay, kailangan talaga namin magbanat ng buto.

Wala na kong ama at tangi si inay nalang aking kasama sa buhay. Nang namatay ang aking ama ay hininto ko na rin ang aking pag-aaral para tulungan si inay sa mga gastusin. Sa edad na labing siyam ay natuto na kong mangisda at napagtanto ko na ang buhay ay hindi biro.

Kailangan magbanat ng buto para magkalaman lang ang kumakalam na sikmura. Kaya wala akong choice kundi mangisda kahit malakas ang alon ng dagat.

Kung wala ako nahuli, walang kita.

Kung walang kita, walang pagkain.

Napabuntong-hininga na lang ako at palihim nagdasal na sana maging ligtas ang aking pangingisda.

"Esmael, mangingisda ka rin?" Masayang tanong sa aking ni Mang balong na isa ring mangingisda.

"Opo.. Kailangan po kumayod eh nag-iipon kasi ako para sa susunod na pasukan, " Ani ko.

Napatango nalang si Mang balong. "Pagbutihin mo iho. Ako nga ginagawa ko lahat ng makakaya ko para mapag-aral ang labing walo kong anak kasi napakahalaga talaga ang edukasyon." Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon habang inaayos ang gulong ng aking bangka.

"Ijo, mukha matagal pa yan ah at saka palakas nang palakas na ang alon. Naku! Delikado pa naman lalo na may usap-usapan na may sirena daw na nagbabantay pag ganitong oras! " Napailing nalang ako at napatawa.

"Hindi naman po totoo ang sirena, " Natatawang sabi ko habang inaayos ko parin ang makina ng aking bangka.

"Sa maniwala ka o sa Hindi, totoo sila. May usap-usapan din na mahilig sila mang-akit ng mga gwapong binata kaya mag-ingat ka. May itsura ka pa naman. " Napangisi nalang ako at sumabay sa kwento niya.

"Maganda po ba yon sirena? Baka pwede ko maging kasintahan? Tutal NGSB ako eh, " Natatawang sabi ko.

Napakunot nalang si Mang balong. "Ijo, ano ibig sabihin ng NGSB? "

" Naghahabol, Gabi-gabi, Sa Bangus. "

Napailing na lang si Mang Balong sa kalokohan ko. "Ikaw talagang bata ka.. Halika na, sumabay ka na lang sa bangka ko para mangisda. Eh, mukhang matagal pa yan eh. Baka abutin ka pa ng Pasko dyan. "

Napabuntong-hininga nalang ako habang tinitingnan ang aking bangka na sinusubukan ko paandarin. Sa katunayan ay matagal na sa'kin itong bangka at pamana pa ito ng aking namayapang ama. Habang tinitingnan ko ito ay nakakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib.

Halos mapatalon ako sa gulat ng tapikin ako ni Mang Balong. "Ijo, umiiyak ka ba?"

Napahawak ako sa aking pisngi na may nasalat akong luha. Ngumiti ako nang mapait kay Mang Balong. "Hindi naman po, napuwing lang. "

Malungkot na tumingin sa aking si Mang Balong at inakbayan ako papunta sa kanyang bangka.

Nakakabinging-katahimikan ang namutawi sa amin habang naglalayag. Si Mang Balong ay tahimik lang nangingisda habang pasimpleng tumitingin sa akin.

Napabuntong-hininga nalang ako habang hinihintay na may kumagat na isda sa aking pamingwit. "Mang Balong mukhang matumal ngayon ah."

Tumango naman siya at nag-aala na tumingin sa dagat dahil panigurado toyo at asin na naman ang ulam  nilang mag-anak.

Napasigaw nalang sila ng umalog ang kanilang sinasakyang bangka dahil sa sobrang lakas ng alon.

"Lumarga na tayo palayo!" Sigaw ni Mang Balong sa aming mga kasamahan.

Ngunit bago pa kami makalayo ay tinangay na ng malakas na alon ang aming sinasakyan na bangka.

THE MERMAID'S DESIREWhere stories live. Discover now