Chapter 21
Isang mahinang bungisngis ang nagpagising kay Elena. Napakunot na lang ang kanyang noo ng bumungad sa kanya si Ellie na may nakapaskil na matamis na ngiti sa labi nito habang may hawak isang basket na bulaklak.
"Maligayang pagbabalik, ate! Namiss kita. "
Nanigas ang katawan ni Elena nang salubungin siya nito na mahigpit na yakap. Hindi nya maipaliwanag pero nakaramdam siya ng kaginhawaan sa tuwing nakikita nya ang batang ito kaya wala sa sarili n'ya itong niyakap pabalik.
"Elena?"
Kapwang silang kumalas sa pagkakayakap ng marinig nya ang seryosong boses ni Reyna Alena habang mariin nakatingin sa kanya.
"Ellie, anak. Makipaglaro ka muna sa mga kaibigan mo. May mahalaga lang kami pag-uusapan ng ate mo.. " Malambing na sambit nito habang marahan na hinahaplos ang buhok ni Ellie na napapalibutan ng bulaklak.
"Sige po, ina... " Nakangiting tumango ang batang sirena at malambing nilingon si Elena. "Ate, mamaya laro tayo ah... " Masiglang sambit nito bagong lumangoy papalayo habang masayang umaawit.
Napailing na lang si Reyna Alena at napakamot ng noo. "Ang kulit talaga ng batang iyon, may pinagmanahan.." Mahina nitong usal at makabuluhang tumingin kay Elena.
Muling tumikhim ulit si Reyna Alena bago magsalita.
"Saan kang nagsusuot ngayon?! Ilang beses ko ba kailangan sabihin sayo na bawal ka pumunta sa lupa dahil napakadelikado! Kahit hindi mo sabihin alam ko sa lupa ka lang pupunta! Ano ba kalokohan pinaggagawa mo roon?! Dahil ba kay Prinsipe Raquim! Utang na loob itigil mo na yang kahibangan mo! Hindi ka mahal ng sirenong iyon!" Mahabang sermon nito at pilit ipinapaintindi ang sitwasyon.
Walang emosyon lang sinalubong ni Elena ang masasamang tingin ng kanyang ina.
"Hindi siya ang ipinunta ko roon. May mga bagay lang akong kailangan ayusin... Na panigurado na magiging masaya ka rin dahil ron" Makabuluhang nitong sagot at lumangoy papalayo. Narinig pa nya ang pagtawag ng kanyang ina pero hindi nya iyong pinansin at ipinagpatuloy ang paglalakbay.Sa kaniyang paglalangoy, nakasalubong nya si Ellie na may hawak na isang buslo na samu't saring bulaklak.
"Ate... Saan ka pupunta? Sama ako! " Masigla nitong sambit at marahan lumapit kay Elena.
"Hindi.. Dito ka lang.. " Matigas nitong sagot at binilisan nyang lumangoy papalayo sa batang sirena.
Ngunit maliksing lumangoy ang batang sirena kaya nahabol nya si Elena.
Nakangusong hinabol ni Ellie si Elena.. "Sasama ako sa ayaw at sa gusto mo.. " Makulit nitong sambit at marahan sumakay sa likod ni Elena.
Marahas napabuntong-hininga na lang si Elena ng mahigpit na niyakap ni Ellie ang kanyang balikat na animo'y ayaw siyang pakawalan..
"Napakulit talaga ng batang ito! Mana sa ungas na yon! " Mariin na bulong ni Elena habang si Ellie ay ngiting-tagumpay dahil walang pagpipilian ang kanyang ate kundi isama siya sa pupuntahan nito.
Kapwang umahon ang dalawa sa tabi liblib na dalampasigan sa tabi ng batuhan. Marahan na sumandal si Elena rito at ipinakalma ang kanyang sarili dahil sa matinding stress na nararamdaman. Malakas na bumuntong-hininga ito at nagsambit ng malalim na mahika kaya may biglang lumitaw na kabibe sa kanyang palad.
"Wow! Ang ganda nyan! Ano yan, ate?" Masayang tanong ni Ellie habang masiglang pumapalakpak na tila naaaliw nakatingin sa kumikinang na kabibe.
"Magic shell.. " Tipid na sagot nito at marahan na ipinadausdos ito sa kanyang buntot.
Napaawang ang bibig ni Ellie na bigla nawala ang buntot ni Elena bigla ito naging paa. Kung ano kinaganda ng buntot nito at siya rin kinaganda ng mga hubog na katawan nito. Mula sa malulusog nitong dibdib at sa malaporselana ang balat nito na tinalo pa ang mga artista.
"Ang ganda nyo, ate!" Puno ng pagkamangha na sambit ni Ellie habang pinapasadahan ng tingin ang hubad na katawang-tao ni Elena.
Napairap na lang si Elena sa tinuran nito at mariin na hinawakan ang baba nito.
"Bukas na bukas iiuwi kita sa kaharian! Pasalamat ka may kailangan akong gawin ngayon kundi malilintikan ka sakin! Bakit ba kasi nakuha mo ang nakakainis na ugali ng nilalang na yon.. "Napakunot na lang ang noo ni Ellie sa tinuran nito at lubos na kalituhan ang kanyang nararamdaman dahil hindi n'ya masyadong narinig ang kasunod na sinabi nito.
Kapwa napatigil ang dalawa na may malakas na sumigaw..
"May sirena!!! "
"Miss beautiful, ginagambala ka ba ng salot na sirena na to?" Nakangising sambit Mang Balon at naglalaway na pinasadahan ang hubad na katawan ni Elena.
"A-ate... " Natatakot na ani ni Ellie ng palibutan sila ng mga grupo ng kalalakihan nasa tingin niya ay isa tong mga mangingisda dahil sa malalansang nitong amoy.
"Lumayo kayo samin kung ayaw nyo gawin kong kulay dugo ang kinalulugaran nyo! " Puno ng pagbabantang sambit ni Elena at marahan na hinarang ang kanyang katawan kay Ellie.
"Bakit mo pinoprotektahan ang salot na yan?! Gusto mo ba suluhin ang kita!? Wag ganon! Wag madamot! Share your blessing, miss beautiful! " Malademonyong sambit ni Mang balong.
"Pare, bakit hindi natin muna tikman si Miss beautiful. Mukhang sariwa pa! At saka mukha wala yan sa tamang pag-iisip. Sino ba namang matinong babae ang magliliwaliw na wala naman kahit anong saplot. " Nakangising suhesyon ng isang lalaki na kabilang sa grupo.
"Magandang ideya yan!" Sang-ayon naman ng umaasta nilang pinuno na si Mang Balon.
Nanginginig sa takot si Ellie ng marahan na lumapit sa kanila ang mga tao. Sa tuwing napapatingin siya sa mga nanlilisik nitong mga mata na nababakasan ng pagkaganid at pagkahalang ng kaluluwa kaya nanginginig ang kanyang kamay napakapit sa hita ng kanyang ate.
Napakuyom na lang ng kamao si Elena habang nanlilisik ang mga mata napatingin sa mga walang kwentang mortal. Mas lalo siyang nagpupuyos sa galit na marinig ang mahinang hikbi ni Ellie na nakakapagbigay ng trauma sa batang sirena.
Napaatras ang grupo ni Mang balon ng bigla naging kulay dugo ang buwan na sumasalamin sa karagatan. Halos manindig ang mga balahibo nila sa malakas na hampas ng alon at dagdag pa ang nakakagulat na tunog ng malakas na kidlat na nagpapadagdag ng takot sa kanilang sistema.
"A-ate... " Nauutal na sambit ni Ellie at mababakas sa mga inosente nitong mga mata ang matinding takot.
"Wag kang mag-alala, Ellie. Kahit maparusahan ako ni ina sa gagawin ko sa mga walang kuwentang mortal, ang tanging mahalaga para sakin ay maligtas kita.. " Mariin na sambit ni Elena at marahan hinawakan ang pisngi ni Ellie na namumula dahil sa kakaiyak.
Marahan na inangat ni Elena ang kanyang kamay at nagsambit na makapangyarihang engkantasyon nang siyang dahilan ng tangayin ng malakas na alon ang grupo ni Mang Balong.
"Walang sinumang mortal ang maaaring manakit sa aking tagapagmana! "
YOU ARE READING
THE MERMAID'S DESIRE
Fantasy"Noong sinabi ko sa'yo na hindi kita kailanman na mamahalin ay natawa na lang ako sa sarili ko kasi mula't sapol ikaw lang ang tanging nilalang na may kontrol sa aking pagkatao.." - Princess Elena