Napakuyom na lang ng kamao si Elena habang naglalakad papalayo sa binata.
Napakapit na lang s'ya sa kanyang dibdib nang makaramdam ng panghihina at bigat. Dumagdag pa ang matinding pagkirot ng kanyang sinapupunan.
Napaluhod na lang siya sa buhanginan sa sobrang sakit. Huminga siya nang malalim para magsambit ng isang mahika para subukan pagalingin ang sarili ngunit mas lalo lang sumakit.
Napahiga na lang si Elena sa buhanginan habang iniinda ang matinding pamamanhid ng kanyang katawan.
Ang sakit na nadarama ng sirena matapos niyang pumatay ng taong tunay na nagmamahal sa kanya ay tulad ng isang kidlat na sumasalakay sa kanyang buong katawan, pati na rin ang kanyang sinapupunan. Ang kanyang katawan ay parang isang palaisdaan na nababalot ng mga tinik ng pighati at pagsisisi. Ang kanyang pusong sugatan ay parang isang bangkang naglalayag sa karagatan ng kalungkutan, na walang tigil na humaharap sa mga alon ng pangungulila. Ang kanyang kaluluwa ay parang isang sapa na umaapaw ng kalungkutan, nagdudulot ng pagkabihag sa kanyang sariling kapighatian.
Dahil sa tindi ng sakit ay nawala ng malay si Elena.
Sa kabilang banda, nag-alala tumingin si Reyna Alena sa kanyang dalawang anak. Puno ng sakit at pighati habang pinagmamasdan ang walang buhay na katawan ni Elisha.
Ang sakit na nadarama ng isang ina matapos mamatay ang kanyang anak ay tulad ng isang puso na pinagputol ang mga pakpak nito. Ang kanyang kaluluwa ay parang isang rosas na naglaho ang mga bulaklak, iniwan na lamang ang mga tinik ng kalungkutan. Ang kanyang mga luha ay parang mga patak ng ulan na nagpapatak sa lupa, nagpapalubog sa kanyang puso sa malalim na lungkot. Ang kanyang pagdadalamhati ay parang isang himala ng kadiliman, na nagdudulot ng pagkabihag sa kanyang puso at pag-asa.
Napabuntong-hininga na lang ito at napatingin sa walang malay niyang anak na si Elena. Siyam na buwan na itong walang malay at malapit na ang kabuwanan nito kaya labis siyang nag-aalala.
Dumating bigla ang babaylan at nagsambit ng isang mahika para maipanganak ni Elena ang kanyang anak kahit wala pa itong malay.
Marahang hinaplos ni Alena ang pisngi ng kanyang anak at maluha-luhang napatingin sa malaking shell kung saan nasa loob ang kanyang apo.
Ang kabibe na pinagtataguan ng sanggol na sirena ay tulad ng isang bahay na naglalaman ng kahanga-hangang lihim. Ang kanyang balat ay parang mga perlas na nagliliwanag sa ilalim ng karagatan, nagbibigay ng kagandahan at proteksyon. Ang kanyang hugis ay parang isang himala ng kalikasan, na nagpapahiwatig ng pag-usbong ng buhay sa loob ng kanyang pinanggalingan. Ang kabibe na iyon ay isang tahanan ng pangarap at pag-asang naghihintay na mabuksan, na nagbibigay ng liwanag at pag-asa sa sanggol na sirena sa kanyang paglaki.
Marahan iyong hinawakan ni Reyna Alena at ngumiti ng mapait na unting-unti ito bumuka. Isang liwanag ang sumakop dito at bumungad sa kanya ang magandang sirena. Ang kagandahan ng sanggol na sirena ay tulad ng isang pagsikat ng araw sa kalangitan, naglalagay ng kasiyahan at liwanag sa buong mundo. Ang kanyang mga mata ay parang mga bituin na nagliliyab sa kadiliman, nagdadala ng kahanga-hangang misteryo at kahulugan. Ang kanyang kutis ay parang mga perlas na naglalaho sa ilalim ng karagatan, nagbibigay ng kahanga-hangang ningning at linis. Ang kanyang mga palikpik at buntot ay parang mga pahiwatig ng kanyang kapangyarihan at grasya, na nagpapakita ng kanyang natatanging pagkatao bilang isang sirena. Ang kagandahan ng sanggol na sirena ay isang himala ng kalikasan, na nagpapahiwatig ng kahalagahan at kahalina ng buhay sa ilalim ng dagat.
Marahan hinawakan ng Reyna ang pisngi ng kanyang apo habang nakangiting tinititigan ito na tila kinakabisado ang bawat anggulo ng mukha ng kanyang apo.
Kamukhang-kamukha ito ni Elena.
Pero ang kulay ng mata nito ay kulay tsokolate na paniguradong nakuha sa ama nito.
Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ni Reyna Alena habang pinagmamasdan ang inosenteng mukha ng kanyang apo. Napabuntong-hininga na lang s'ya at bumaling ng tingin sa babaylan. "Pwede ba ko humiling ng isang pabor?" Tumango na lang ang babaylan na may puno ng respeto. "Gawin mo ang lahat para makalimutan ng lahat ng nilalang maging tao man o sirena, " malungkot na bumaling ng tingin si Reyna Alena sa kanyang anak. "Maging si Elena, sana makalimutan nya ang lahat ng pinagsaluhan nila ng taong-lupa. Pati na rin ang lahat ng bagay na kumukonekta sa kanila."
Napabuntong-hininga na lang ang babaylan. "Sigurado po ba kayo sa desisyon nyo, mahal na Reyna? Paano ang iyong apo? " Mapait na lang napangiti ang Reyna habang karga-karga ang bata.
"Ako muna ang magiging pansamantala nyang ina. " Marahang hinaplos ng Reyna ang pisngi ng apo. "Lahat ng bagay ay may tamang panahon, " Napakagat-labi na lang ito para pigilan lumuha. "Ang lahat ng ito ay para kay Elena, para sa kinabukasan ng aking anak at apo. "
-
Makalipas ng dalawang taon, nagkamalay na si Elena. Pero maraming nagbago sa kanya. Palagi itong tahimik at hindi palasalita kaya labis nag-aalala si Reyna Alena.
Hindi nya rin tiyak kung talaga ba nakalimutan ni Elena ang nakaraan nito kasi wala itong kibo simula nagkamalay. Napapansin n'ya rin na palagi nagkukulong si Elena sa munting silid nito para mag-aral tungkol sa mahika.
Samantala, ang kanyang apo ay pinangalanan ni Reyna Alena na Elisha na dating pangalan ng kanyang namatay na anak.
"Lola, look oh. " Marahang umiikot-ikot si Elisha para ipakita ang magandang ayos ng buhok.
Nakangiting napatingin si Reyna Alena sa kulay luntian na buhok ng kanyang apo na may mga bulaklak ay tulad ng isang kahanga-hangang taliwas na pagsasama ng dalawang mundo. Ang kaniyang buhok ay parang mga kumikislap na alon na bumabalot sa kanilang mga balikat, na nagbibigay ng kahalumigmigan at liwanag. Ang mga bulaklak na nakasabit sa kaniyang mga buhok ay parang mga bituin na nagliliyab sa ilalim ng karagatan, nagdudulot ng kahanga-hangang kagandahan at pagsasama ng kalikasan. Ang kaniyang mga hairstyle ay isang himala ng pagkakasundo ng ganda at kalikasan, na nagpapakita ng kaniyang natatanging pagkatao bilang isang sirena.
"Ako po ay may gawa yan! " Bibong sambit ni Elisha.
Maluha-luhang nyang niyakap ang kaniyang apo dahil lumaki ito na masayahin sa kabila ng pagkukulang ng mga magulang nito.
Simula kasi nagkamalay si Elena ay hindi na siya nagkataong kausapin ito at palagi itong umiiwas sa kanya dahil sa hindi malamang dahilan. Maging si Elisha na siyang kanyang anak ay iniiwasan nya rin.
Napabuntong-hininga na lang ang mahal na Reyna habang nakatanaw sa papalayong postura ni Elena.
Sa kabilang banda, nakangising pinagmamasdan ng babaylan si Elena sa kanyang mahika. Napapansin nya sa mga mata nito ang pinaghalong galit at pagsisisi.
Umangat ang sulok ng labi nito habang pinagmamasdan ang marahang paghalo sa ginagawa nitong ritwal. "Dahil sa ginawa mong pagpatay sa taong nagmamahal sa'yo, ikaw ay mabubuhay na may puot at galit na dadalhin mo sa hinaharap. "
Dahil sa matalinghagang salita na binanggit ng babaylan, ang mga kulay ng langit ay unti-unting naglalaho, nagpapakita ng mga abo at lilim na naglalagay ng kakaibang atmospera. Ang mga ulap ay nagkakaroon ng mga tanging hugis at kulay, na nagdadagdag ng misteryo at pangamba sa paligid. Ang mga silahis ng liwanag ay naglalaho, at ang mga bituin ay unti-unting nagliliwanag, nagpapakita ng kanilang kahalagahan sa kadiliman.
Biglang ngumiti ang babaylan sa kanyang nakita gamit ang kanyang mahika.
Nakita nya ang hinaharap...
"Kayo'y muling magtatagpo... Magsisimula lahat sa umpisa. Ikaw pa rin ang tangi nyang tinatangi sa kabila ng pagpatay mo sa kanya. " Napailing na lang ito. "Kaawa-awang taong-lupa, nagmahal ng nilalang na laruan lang ang tingin sa kanya."
Bumuntong-hininga ito at ang mga mata nito ay namumula na tilang nagbabagang-apoy. "Pero hiling ko lang na sana hindi na maulit ang nangyari sa nakaraan para wala ng inosenteng buhay ang masakripisyo."
YOU ARE READING
THE MERMAID'S DESIRE
Fantasy"Noong sinabi ko sa'yo na hindi kita kailanman na mamahalin ay natawa na lang ako sa sarili ko kasi mula't sapol ikaw lang ang tanging nilalang na may kontrol sa aking pagkatao.." - Princess Elena