Esmael's POV
"Paalam, Papa Esmael. Mamimiss kita.. " Nakanguso na sambit ni Ellie sa'kin at mahigpit akong niyakap. Marahan ko naman itong niyakap pabalik at hindi ko mawari kung bakit nakaramdam ako ng bigat.
"Ellie, tama na yan.. Kailangan na nating umalis. Hinahanap na tayo.. " Malamig na sita ni Elena nang siyang kinasimangot ko.
"Ate.. Si Papa Esmael wala bang gabay kiss... " Nakangising sambit ni Ellie ng siyang kinakunot ng noo ni Elena.
Napahagikhik na lang ako dahil sa maling pronounciation nya. Bakas sa inosente nitong mukha ang pagtataka at biglang napanguso sa aking pagtawa.
Kahit may kakulitan ang batang to ay mamimiss ko to kasi dahil sa kanya nagkaroon ako ng anak-anakan at syempre mamimiss ko rin ang walang puso kong sirena.
"Ang road nyo naman, papa Esmael. Pinagtatawanan nyo ko.. " Nakasimangot na sambit ni Ellie na animo'y inagawan ng lollipop.
Napangiwi na lang ako at napakagat na lang labi para pigilan ang humagikhik.
"Ellie, ang tama pronounciation ng road ay rude. Tapos ang tamang pronounciation ng gabay kiss ay goodbye kiss.. " Pagtatama ko rito at napangiwi na lang ako sa reaksyon nito. Nakanganga lang kasi na animo'y hindi ako naiintindihan.
"Ellie, pikit mo muna mata mo.. " Malamig na sambit ni Elena habang mariin nakatingin sakin kaya kinakabahan napalunok ako.
"Ano na naman yan, ate? Isusubo mo naman ba yon anaconda ni Papa Esmael? Eh wala naman siyang sakit... " Inosente naman na sambit ni Ellie ng siyang kinangiwi ko.
"Ellie.. " Napairap na lang ito ng marinig ang nagbabantang boses ni Elena. Marahan na tinakpan nito ang mga mata ni Ellie at marahan hinila ang aking batok papalapit sa kanya kaya ramdam na ramdam ko ang mainit nyang hininga sa aking mukha.
Napakabango ng amoy nito na maihalintulad sa bagong timpla na tsokolate. Hindi nakakasawa ang nito at tila naaadik pa ko.
"Elena... " Mahinang bulong ko.
Napaigtad ako ng mariin nitong hinalikan ang gilid ng labi ko at dinilaan. "Babalikan kita at pangako magugustuhan mo ang surpresa na ibibigay ko sayo.. "
Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa tinuran nito. Samu't saring emosyon ang pumalibot sakin. Pananabik at pangungulila.
Pananabik dahil babalikan nya ko at pangungulila dahil maghihintay ako ng matagal.
Mariin ako napapikit na maramdaman ang madiin niyang pagkagat sa leeg ko na animo'y minamarkahan ako. Napakuyom na lang ako ng kamao dahil sa mainit na temperatura na bumalaytay sa aking sistema.
"Kalma ka lang, Esmael. May inosente sirena tayong kasama. Hindi pa pwede... " Pakiusap ko sa sarili.
"Ate? Ang tagal naman. Ano ba yang ginagawa nyo? Patingin nga... " Makulit na sambit ni Ellie habang pilit inaalis ang kamay ni Elena na nakatakip sa kanyang mga mata.
Bigla nalang itong napanguso ng pingutin ni Elena ang tenga nya. "Ate naman eh! " Nakasimangot nitong ani habang nagmamaktol.
Lihim ako napangiti habang pinagmamasdan ko sila. Pakiramdam ko na ako ang kanilang Padre de pamilya na naaaliw panoodin na magbonding ang aking mag-ina.
Sa saglit na panahon na makilala ko si Ellie ay nabigyan niya ng kulay ang aking mundo. Pakiramdam ko mas lalo ako naging buo dahil kasama ko ang dalawang sirena na pinakamahalaga sa buhay ko.
Napakapit ako sa aking dibdib na makaramdam ng kirot kasi babalik na sila sa kanilang kaharian. Mawawalay na silang dalawa sa akin lalo na ang makulit na si Ellie. Pati na rin ang pinakaminamahal ko na si Elena. Kahit minsan may pagka-moody siya ay alam ko kahit papaano ay unting-unti ko na nababasag ang malaking pader sa pagitan namin.
Sana nga...
"Papa Esmael, bakit ka umiiyak? Sino umaaway sayo? Kukulamin ko.. "
Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako kaya marahan kong pinunasan ang pisngi ko at mapait na ngumiti na hinarap si Ellie. "Pwede ko ba kayo mayakap na dalawa?" Puno ng emosyon na sambit ko.
"Oo naman po," magiliw na sambit ni Ellie kaya napangiti ako.
"Tama na yang drama dahil aalis na tayo, Ellie.." Malamig na sambit ni Elena ng siyang kinabura ng ngiti ko.
Siguro ayaw nya ko yakapin kaya nagmamadali siya. Dapat masanay na ko sa malamig nyang pakikitungo sakin pero bakit hindi ko maiwasan na masaktan. Para akong paulit-ulit na sinaksak sa aking puso sa tuwing ipinapakita nya sa akin na wala akong halaga sa kanya. Napakapit na lang ako sa dibdib ko. Ang puso ko ay ganon pa din. Malakas pa rin sa pagtibok sa tuwing nasa tabi ko siya.
Napatingin na lang ako sa peklat sa aking dibdib. Sabi ni inay, pinanganak na daw ako na may ganito pero alam ko kung bakit saan itong nagmula. Dito kasi ako sinaksak ni Elena sa unang buhay ko. Ito na ang nagsilbing marka sa panibagong buhay ko.
Marka ng walang kapantay kong pagmamahal kay Elena.
"Papa Esmael, wag ka na iyak. Sige po yayakapin ka po namin para maging masaya ka.." Magiliw na sambit ni Ellie at mainit akong niyakap.
Nakaramdam ako ng gaan sa pakiramdam na maramdaman ko siya sa bisig ko. Napangiti na lang ako at marahan na hinaplos ang buhok niya.
Bigla na lang akong napalingon kay Elena ng maramdaman ang malalamig nitong tingin sakin. Marahan kong hinila ang kamay nito nang siyang kinaigtad niya at mainit siyang sinalubong ng bisig ko. Napansin ko na natigilan siya kaya napangiti ako.
Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko ngayon habang nasa bisig ko ang dalawang sirena na mahalaga sa akin. Basta ang alam ko ay masaya ako na animoy nanalo sa lotto. Nakakarelaks sa pakiramdam pag kasama ko sila. Napakasarap na maihahalintulad sa sariwang hangin na dulot ng malamig na atmospera ng dagat.
Marahan ko hinawakan ang likod ng buhok ni Elena sa kanang kong bisig. Napangisi na lang ako ng may naisip akong kalokohan kaya pasimple kong tinakpan ang mata ni Ellie.
Marahan kong hinawakan ang pisngi ni Elena at marahas na inangking ang mapupula nitong labi. Napansin ko ang panglalaki ng kulay dagat nitong mga mata dahil sa gulat kaya lihim ako napangisi. Mariin kong kinagat ang ibaba nitong labi na kinahalinghing nito. Napangisi na lang ako ng mariin na pumalibot ang mga kamay nito sa aking batok kaya mas lalong napalalim ang pageespadahan ng aming mga dila.
Habol-hininga akong kumalas sa kanyang mapangangking mga labi at puno ng emosyon kong tiningnan ang kanyang malamig ng mga tingin.
Mariin akong napatingin sa kanyang makinis na leeg at mariin itong sinisip. Lihim akong napangisi ng maramdaman ang panginginig nya kaya patuloy ko pa rin sinipsip ang leeg nito. Bigla akong napaigtad ng marahan nyang tinulak ang ulo ko papalayo.
Napangisi na lang ako habang napatingin sa magandang marka na ginawa ko sa leeg niya. Kung ganon ay pantay na kami. May palantandaan na pag-aari namin ang isa't-isa.
Napanguso na lang ako ng mariin nyang pisilin ang pisngi ko at mahinang bumulong sa tenga ko kaya ramdam ko ang mainit nitong hininga. "Madali kang matuto sa mga makamundong bagay, tao. Pinabilib mo ko.."
Napaigtad ako ng bigla nitong kagatin ang tenga ko. "Sa totoo lang ay kanina pa kitang gustong angkinin. Ang hirap magpigil. Nakakainis lang na bawal pa dahil nandito ang anak natin. Pero sa susunod nating pagkikita ay wala tayong tigilan para makamtam ang empyerno ng isa't-isa... Esto me servirá como despedida antes de partir del mundo, amor mío."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa malamig nitong boses na animoy hinihele ako. May mga lenggwahe na hindi ko masyadong naiintindihan pero hindi ko itong ipinagtuonan ng pansin. Basta sa isa lang ako sigurado, hinding-hindi ko papakawalan ang sirena na to.
Marahan kong hinawakan ang kamay nito at mahinang pinatatakan ng halik ang likod ng palad nito.
"Mahal na mahal kita, Elena.. Kayong dalawa ng anak natin.."
YOU ARE READING
THE MERMAID'S DESIRE
Fantasy"Noong sinabi ko sa'yo na hindi kita kailanman na mamahalin ay natawa na lang ako sa sarili ko kasi mula't sapol ikaw lang ang tanging nilalang na may kontrol sa aking pagkatao.." - Princess Elena