CHAPTER 22: MAMA AT PAPA

34 14 25
                                    

Esmael's POV

"Anak! "

Naalimpungatan ako dahil sa malakas na sigaw ni inay. Napakusot na lang ako ng aking mga mata at pikit-mata na bumangon.

"Esmael! " Napagtad na lang ako ng muling sumigaw si ina kaya kahit medyong inaantok pa ay tuluyan na nga akong bumangon at inayos ang aking pinagkahigaan. Lihim akong napabuntong-hininga sa maingay na boses ni inay. Mukhang nagsisimula na naman ang matinding radar niya.

Napakunot na lang ang aking noo napatingin sa bintana at naaninag ko ang kulay dugong buwan na nagrerepleka sa paligid.

Marahas akong napabuntong-hininga at mariin napakapit sa aking dibdib dahil sa kaba nararamdaman. Hindi ko matukoy kung bakit bigla pumasok sa aking isipan si Elena kaya wala sa sarili akong lumabas ng bahay.

"Esmael?? San ka na naman pupunta?! " Rinig kong malakas na sigaw ni inay.

Hindi ko iyon ipinagtuonan ng pansin at ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa dalampasigan. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso habang tinatahak ang daan kasabay pa ang malamig na hangin na dumadampi sa aking balat na nagpapadagdag ng aking matinding kaba.

Pagkarating sa dalampasigang ay bumungad sakin ang mga nakahandusay niyang kasamahan na mangingisda na nag-aagaw buhay. Napaatras ako at napatingin sa kulay dugong buwan na nakakapagbigay ng kilabot sa aking sistema.

"A-ate... Natatakot ako.. A-ang sama nila! Ang sama ng mga tao!"

Napalingon ako sa maliit na boses na iyon. Marahan akong naglakad para matukoy kung saan nagmula ang tinig na yon.

Nanlaki ang aking mga mata ng makakita ng hubad na babae na tumatakbo habang may kargang sirena.

"Elena? Ikaw ba yan? "

Napaawang ang aking bibig ng walang emosyon itong lumingon sakin habang may kargang sirena sa bisig nito. Napakurap-kurap ako habang napatingin sa sirena na karga niya. Kamukhang-kamukha niya kasi ito pero ang tanging ipinagkaiba lang nila ay ang malatsokolate nitong mga mata at ang masayahin nitong awra.

"Ate! Ang pogi naman ng taong to sarap jowain! "

Napaigting na lang ang aking panga na napansin na wala mang kahit anong saplot si Elena. Lihim akong napakuyom na aking kamao sa tuwing naiisip na maraming kalalakihan ang nakakita sa maladiyosa niyang hubad na katawan.

Ako lang dapat ang makakita dyan! Ako lang may karapatan na umangkin dyan!

Walang sinumang lalaki ang pwedeng umaangkin sa walang puso na sirenang to. Tanging ako lang! Ako lang dapat! Noon, ngayon at magpakailanman. Dahil ito ang aking sumpa na hindi ko kailanman mababali. Sumpaan ko para sa kanya mula sa umpisa na hindi ko siya papakawalan kahit anumang mangyari.

Walang imik ko tinanggal ang suot kong jacket at marahan kong tinakot sa kanyang hubad na katawan. Masyado ito malaki para sa kanya kaya nagmumukha itong kumot sa kanya kaya tamang-tama lang para matakpan ang mga malulusog nitong dibdib at kaakit-akit nitong perlas.

"Uy, si kuya napakapossessive kay Ate. Samantala ako hindi niya naman nyang pinapansin.. " Nakangusong sambit ng sirena at mataray na umiirap.

Lihim akong napatawa sa ka-cutetan ng sirena at bigla ko naalala ang ugali ni Elisha sa kanya.

Ang pagiging matampuhin nito.

Napangiti na lang ako sa tinuran ng sirena. "Hi, ano ang pangalan mo? Ako si Kuya Esmael mo. Ang cute mo naman! " Masiglang kong sambit at masayang pinanggigilan ang matatambok nitong pisngi.

"Wag mo siyang hawakan! " Malamig na sambit ni Elena at marahas akong tinulak kaya napaatras ako.

"Wag ka naman harsh, ate. Mukha naman siyang harmless.. " Masigla nitong ani sabay kindat sa'kin.

Napakunot na lang ang noo ni Elena sa sinabi ng sirena. "Saan mo natutunan ang ganyan klaseng pananalita? "

"Tinuro sa'kin ng mga kaibigan ko mga pagong. Ganyan daw magsalita ang mga tao. Ang cool! " Bibo nitong sambit habang masiglang pumapalakpak.

"Kapag nakita ko ang pagong na yon, gagawin ko silang pansahog sa mga mahika ko.. " Mariin na sambit ni Elena ng kinanguso ng sirena.

"Wag naman ganon, ate... "

Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kagalakan sa tuwing masaya sila nag-uusap. Nang hawakan ko ang sirena ay nakaramdam ako ng kakaibang koneksyon na hindi ko alam kung saan nagmula.

"Bakit mo ko tinititigan, kuya? Ganda ko ba?" Nakangisi nitong sambit sabay kindat.

"Ellie.. Tama na yan! " Mariin na sita ni Elena ng siyang kinasimangot nito.

Ellie pala pangalan nya. Ang gandang pangalan kasing ganda nya.

"Sus.. Masyado ka naman selosa, ate. Hindi naman kitang aagawan.. "

Napairap na lang si Elena sa tinuran ni Ellie. Lihim ako napatawa kasi ba naman ang cute nilang tingnan. Sa unang tingin, akala ko mag-ina sila pero magkapatid pala.

Ayos  na rin iyon atlis wala pa siyang anak kasi dapat sa akin lang siyang magkaanak. 
Pero baka maaga akong masiraan ng bait lalo na kung kagaya rin n'ya ang magiging anak namin. Baka hindi ko na kayanin kung dalawang baliw na sirena ang bubungad sakin sa tuwing gigising ako.

Panigurado papatigasin nila ang ulo ko..

Naputol ang aking mahabang pag-iisip na napagtanto na wala na sila sa harap ko. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid para hanapin sila.

Grabi ka naman Elena. Iniwan mo talaga ako. Ang hilig mo naman mang-iwan! Napanguso na lang ako habang patuloy naglalakad para hanapin ang dalawa.

Sa aking paglalakad ay may narinig akong malakas na tili. Napakunot ang aking noo habang sinusundan ang tunog na yon. Hanggang sa natagpuan ko nalang ang aking sarili sa kweba.

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang dalawa na masayang nagtatampisaw sa maliit na lawa sa kweba.

Ang lawa ay napapalibutan ng samu't saring bulaklak na nagbibigay ng kaginhawaan sa paligid. Dagdag pa na nagsisilbi itong dekorasyon sa buhok ng dalawa.

"Papa, sali ka samin! " Masayang ani ni Ellie sa akin.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng galak na tawagin n'ya ko na Papa.

"Papa? " Kunot-noo kong tanong.

Napanguso na lang ito at napahagikhik. "Gusto ko lang po may matawag na Papa. Maaga raw namatay ang aking ama dahil ipinatay daw ng walang pusong tao. "

Nakaramdam ako ng kirot at awa kay Ellie dahil lumaki ito ng walang ama na magtatanggol sa kanya. Bigla ko tuloy naalala ang sarili ko sa kanya kasi maaga rin namatay ang aking ama dahil sa matinding karamdaman. Kaya alam ko ang pakiramdam kung gaano kasakit na mabuhay na walang ama. Ramdam ko rin ang pangungulila nito kahit nakapaskil ang kagalakan sa inosente nitong mukha. Lihim ako napabuntong-hininga at ngumiti.

"Oo naman, pwedeng-pwede mo ko tawagin na Papa.. "

Masayang pumapalakpak si Ellie at ngumiti ng malapad. "Yehey! May Papa na ko. Si Ate Elena ang aking kunyaring Mama at si Kuya Esmael ang aking kunyaring Papa! Ang saya!"

Napatingin na lang ako sa walang emosyon na maladagat na mga mata ni Elena habang masayang nagsasalita si Ellie. Ramdam ko ang paghuhumirintado ng aking puso sa tuwing iisipin ang katagang iyon.

Papa at mama, ang gandang pakinggan.

THE MERMAID'S DESIREWhere stories live. Discover now