CHAPTER 3: PERLAS NG SINILANGAN

143 74 46
                                    

CHAPTER 3

Sa pagmulat ng aking mata ay bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni nanay. Napatingin ako sa malaking salamin na nakasabit sa dingding. Nakita ko ang aking repleksyon na may puting benda ang aking ulo. Napadaing na lang ako ng kumirot iyon.

"Anak, ano ba nangyari sayo? Ba't may sugat ka sa ulo? Sina Mang Balong naman ay walang ganyan eh.. Ano ba talagang nangyari?" Nag-aalala at sunod-sunod na tanong ni inay.

"Nalunod kasi kami dahil tumaob ang sinasakyan naming bangka dahil malakas po ang alon, " Mahinahong kong sagot.

"Sabi ko naman sayo eh wag ka na muna mangisda dahil malakas ang alon! Ang tigas talaga ng ulo mo! " Naiinis at nag-aalalang sermon ni inay sa'kin.

Niyakap ko naman si ina'y para pakalmahin. "Ayos lang po ko. Wag na kayo mag-alala. "

Dahan-dahan naman hinaplos ni inay ang aking balikat. "Siya nga pala, bakit amoy babae ka? At marami ka pang kiss mark sa leeg mo!" Tumingin sa'kin ng mariin si inay habang kinikilatis ako.

Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.. Napaawang ang aking labi sa gulat ng napansin na batbat nga ng kiss mark ang bawat parte ng aking leeg. Parang pinanggigilan ako. Pilit ko inaalala kung kanino ko ito nakuha ngunit sumasakit lang aking ulo.

Namula at napaiwas ako ng tingin ng tumingin kay inay ng tumikhim ito.

"Hay. Mga kabataan talaga ay palaging mapusok. Panigurado, sinuko mo na ang perlas ng sinilangan, " Nang-aasar na saad ni inay.

Nahihiyang umiwas ako ng tingin. "  Nay, hindi naman ako perlas ng silangan, batuta ang tawag dito!"

"So, sinuko mo nga? "

Nangangamatis ang aking mukha at nagtalukbong ng kumot.

Habang nahihiyang nakatalikod ako kay nanay ay marahan na hinaplos nya ang likod ko na nagbibigay gaan sa aking pakiramdam.

"Para kailan lang napakaliit pa ng baby ko, ngayon kaya na gumawa ng bata, " Natatawa sabi ni inay at rinig ko ang pagpiyok ng boses nito.

"Nay naman! " Ramdam ko ang pamumula ng tenga sa hiya.

"Anak, kailan mo syang ipapakilala sa'kin? " Bigla akong natigilan at napatulala sa tinanong ni inay. Napabuntong-hininga na lang ako habang pilit inaalala ang mukha ng babae nakasiping ko pero sumasakit lang ang ulo ko.

Nilingon ko si inay at marahan umupo sa kama. "Ang totoo nay, hindi ko maalala ang mukha nya, " Paos kong saad habang hindi makatingin ng direksyo.

Napasapo nalang ng noo si inay.
"Diyosmiyo Santa Barbara! Ikaw talagang bata ka! Paano kung inani mong palay magkaroon ng bunga?!"

Napakunot-noo na lang ako at naguguluhang tumingin kay ina'y. "Ano po ibig nyong sabihin, inay? Hindi naman po ko magsasaka, mangingisda ako. "

Mariing piningot ni inay ang aking tenga ng siyang kinadaing ko. "Naku! Naku! Pinipilosopo mo pa ko! Matanong kita, pinutok mo ba?"

"Ang alin nay? Hindi naman po ko gumagamit ng dinamita. Bawal yon sa dagat. " Nagpadaing ako ng pitikin ni inay ang bibig ko.

Napaatras na lang si inay at nagpapahilot ng sintido nya. "Ang sakit mo sa ulo bata ka! Wag ka lang uuwi dito na may dalang sanggol kundi puputulin ko yan! " Mariin saad ni inay sabay turo sa batuta nakaumbok sa pants ko.

"Nay naman! " Angil ko habang tinatakman ko ang batuta ko. Naku! Mahirap na! Baka madali ni mader.

"BINABALAAN KITA ESMAEL! AYAW KO PA MATAWAG NA LOLA! "

THE MERMAID'S DESIREWhere stories live. Discover now