CHAPTER 7: PRINSIPE RAQUIM

106 56 28
                                    

Napabalikwas ng bangon si Esmael dahil sa malakas na kulog. Nilibot nya ang kanyang tingin sa paligid at napansin na wala na ang kanyang inaakalang nobya sa tabi nyo.

Napapout na lang siya at hindi maiwasan na makaramdam ng pagtatampo dahil hindi man ito nagpaaalam sa kanya bago umalis. Napabuntong-hininga na lang ito at nagbihis. Nakaramdam siya ng pangangatog ng kanyang binti habang nakatayo pero ipinagsawalang-bahala na lang nya ito. Iniisip na lang nya dahil ito sa pagod dahil sa buong araw na pinagsaluhan nila kahapon.

Hindi n'ya maiwasan mamula at ramdam nya ang paghuhurumintado sa pagtibok ng kanyang puso. Nakaramdam siya ng kakaibang kiliti sa tuwing naaalala nya kung paano nitong sinusubo nang paulit-ulit ang kanyang alaga at walang arte na nilunok ang lahat ng kanyang katas.

Napailing na lang siya nang maramdaman nya ang pagkabuhay ng kanyang alaga. "Kalma ka lang, buddy! Matitikman mo ulit ang matamis at masikip niyang perlas, tiwala lang! " Pagpapakalma niya sa kanyang sarili.

Sa kabilang banda, masayang-masaya si Elisha na natutunan na nya kung paano magkaroon ng paa. Ramdam nya ang pagbilis nang tibok ng kanyang puso sa sobrang pananabik para ibalita ito sa kanyang nobyo. Gusto nya itong sorpresahin kaya lumangoy uli sya para umahon.

Samantala, nagpupuyos sa galit si Elena nang mapag-alaman na ang kanyang magaling na asawa ay may ibang kinakasama. Napakuyom na lang ito nang kamao ng mapag-alaman na isang taong-lupa pala ang pinalit nito sa kanya.

Napag-alaman nya iyon sa kanyang alagad na bangus. Nanlilisik ang mga mala-asul na mata ni Elena dahil sa sobrang galit. Nanginginig na rin ang kanyang balikat na tilang gustong magwala. Kaya dahil sa kanyang sobrang galit ay kumulog nang malakas at maraming mangingisda ang naaksidente dahil sa sobrang lakas ng alon.

"Elena! Itigil mo yan ngayon din! " Sinamaan nya ng tingin ang kanyang ina at umalis ng hindi nagpapaalam.

Habang lumalangoy si Elena ay iniisip nya kung paano papatayin ang taong karibal nya sa puso ng mahal nyang asawa.

Pero bigla itong ngumisi at bumulong nang mariin. "Mas maganda, kung papatayin ko ang taong yon sa harap mo! Para maramdaman mo ang pighati na pinaramdam mo sakin! "

Masayang naglilibot si Elisha sa pangpang para hanapin ang kanyang nobyo. Gusto n'yang ipakita na kaya na n'yang maglakad at makakapasyal na sila.

Sa kanyang paglalakad may nakasalubong siya ng isang pamilyar na mukha.

Isang sireno mula sa kahariang mandirigma na nagkatawang-tao rin.

Ito ang pinagkasundong asawa sa kanyang kakambal na si Elena.

Nilapitan nya ito at kinalabit para kunin ang atensyon. "Prinsipe Raquim, paano ka napadpad dito? Matagal ka na hinahanap ng kaharian! "

Napakurap-kurap si Raquim habang pinagmamasdan ang babae na kumalabit sa kanya para kilalanin. Iba ang halimuyak at amoy nito. Mabango ang amoy nito na maihahalintulad sa matamis na tsokolate.

Kaya napagtanto nya kung sino iyon..

Si Elisha...

Alam nya kasi ang amoy ng kanyang asawa. "Amoy linta! " Napailing na lang siya sa kanyang naisip at lumingon uli kay Elisha nang tumikhim ito.

"Alam mo naman siguro na naririnig ko ang iniisip mo diba, mahal na prinsipe? Kapag nalaman ito ni Elena tiyak magwawala na naman yon! " Nakangisi nitong sabi sa kanya habang nakataas ang kaliwang kilay.

Mula sa mapang-asar na awra ni Raquim ay bigla naging malamig ang awra nito. "Wag mong sasabihin sa kanya kung ayaw mo magkaroon ng alitan ang kaharian ng mahika at mandirigma! "

THE MERMAID'S DESIREWhere stories live. Discover now