Chapter 16
Habol-hininga ako lumabas ng banyo pagkatapos ayusin ang sinimulan ni Elena. Sa tanan ng buhay ko, ngayon lang ako nilabasan ng matindi. Sa tuwing pinipiga ko ang umiigting kong alaga, ang daming katas na lumalabas na animoy na pumipiga ng gatas ng kambing.
"Anong nangyari sa iyo? Ano naman kabalbalan ginawa mo? " Masungit na tanong ni inay at mariin pang tumingin sa'kin mula ulo hanggang paa na animo'y nangingilatis.
"Uhmm.. "
"Bat hindi ka makasagot?! " Malakas na sigaw ni inay kaya hindi ko maiwasan na mapatakip ng tenga.
Nagtratransform na naman sa pagiging DORAEMON si inay!
"Tumae ako, inay, " Pagsisinungaling ko at umiwas ng tingin.
Parang gusto ko ng lamunin ng lupa sa sitwasyon ko lalo na nandito si Elena, nakakahiya!
Namamawis ang aking palad at hindi mapakali sa pagtibok nang mabilis ang puso ko.
"Di bale na nga! Buhay mo naman yan! Basta wag ko lang mababalitaan na may nabuntis ka ah! Ayaw ko pa matawag na lola! " Malditang sermon nito habang nakataas ang kaliwang kilay.
Nahihiyang tumango na lang at napakagat-labi..
Bumaling ng tingin si inay kay Elena at mataray itong tiningnan.
"At ikaw babae, saan mong balak tumuloy? Diba sabi mo bagong salta ka lang sa lugar namin? ""Dito na lang ako matutulog, " Walang emosyon na sagot ni Elena at makabuluhang tumingin sa'kin.
"Aba'y ang galing ng babaeng eto! Paladesisyon! Hindi mo pa nga tinatanong kung papayag ako eh!" Namumula ang mukha ni inay sa sobrang inis. "Bahay mo...? Bahay mo.. ?" Mataray na sambit ni inay.
Marahan kong hinaplos ang likod ni inay parang pakalmahin. Beastmode na naman si mader.. Baka magsuperscience ito pag katagalan.
"Nay, kawawa naman siya. Dito mo nalang siya patirahin. Gaya ngayon maggagabi na.. Delikado pa naman sa labas, " Pangungumbisi ko.
Marahas na inalis ni inay ang kamay ko sa kanyang balikat at tiningnan ako ng masama. "Alam mo kung sino ang magiging delikado na ngayon? "
"Sino po, nay? " Nakakunot-noo kong tanong.
"Ikaw." Napadaing na lang ako ng mariin akong piningot ni inay.
"Nay naman! " Mangiyak-ngiyak ako nang pabalya akong binitawan ni inay.
Napabuntong-hininga na lang si inay at napamasahe ng noo. "Sige, dito na matutulog ang babaeng yan. "
Lihim akong napangiti na sa wakas makakatabi ko sa tulugan ang isang magandang dilag... Marami kasi akong gustong tanungin sa kanya..
"Pero sa'kin siyang tatabi.. Baka mamaya pag nagtabi kayo mukbangin nyo na naman ang isa't-isa!" Agad tumamlay ang mukha ko at napanguso. Panira ka talaga inay!
Napaigtad ako nang bigla hinila ni inay ang baba ko paharap sa kanya at ngumisi. "Akala mo makakascore ka noh? Ngek... Ngek mo... Hanggang nabubuhay ako hindi ka gagawa ng anumang kabalbalan habang hindi ka pa kinakasal! Naiintindihan mo? " Striktong sambit ni inay.
Ngumuso na lang ako. "Bat kayo ni itay, ipinanganak nyo muna ko bago ikasal? " Bulong ko.
"May sinasabi ka? " Mariing tanong ni inay na may halong pagbabanta...
"Wala po inay... "
Lahat ng magandang plano ko para kay Elena ay tuluyan na naglaho. Dahil sinira lang naman ni inay...
YOU ARE READING
THE MERMAID'S DESIRE
Fantasy"Noong sinabi ko sa'yo na hindi kita kailanman na mamahalin ay natawa na lang ako sa sarili ko kasi mula't sapol ikaw lang ang tanging nilalang na may kontrol sa aking pagkatao.." - Princess Elena