CHAPTER 4.
Tatlong linggo na ang nakakalipas simula mangyari ang aksidenteng iyon. Ngunit palaisipan pa rin sa'kin kung sino yon babae na nakasipin ko. Wala naman ako naging nobya kaya nakakapagtaka lang.
Kaya simula araw na iyon, puro talak at semon ang inabot ko kay inay tungkol sa misteryosong babae iyon. Halos matuliro na nga ang tenga ko sa mala-megaphone nyang bunganga. Sa tuwing pinipilit ko iyon alahanin, kumikirot lang ang ulo ko.
Pero ang nakakapagtaka lang ay palagi ako nanaginip ng sirena. Napabuntong-hininga na lang at napailing.
Siguro sobra lang ito sa kape at nadala na lang din sa kinukuwento ni Mang Balong.
Pagkatapos ng mahabang pagmumuni-muni at pag-iisip. Nag-igib ako ng tubig sa poso. Wala kasi kaming banyo sa tirahan namin kaya sa public comfort room ako naliligo. Kaya lang dapat paunahan kasi mahaba ang pila doon.
Alas-tress ng gabi ay patuloy parin ako nag-iigib. Makukulimlim ang paligid at malakas ang hangin. Napapikit na lang ako habang hinihintay na mapuno ng tubig ang dalawang balde.
Napalingon ako sa dagat ng makarinig ng malakas na paghampas ng alon. Napakurap-kurap ako na para may naaninagan akong babae don.
Napailing nalang ako. "Siguro namamalik-mata lang ako. "
Bitbit ang dalawang timba ay dala-dala ko ito patungo sa public CR. Isang malakas na hangin ang sumampal sa'king mukha na nagpapakaba sakin pero pinagsawalang bahala ko lang.
Rinig ko rin ang pagtiktik ng butiki. Namamasa ang aking kamay sa kaba. Pakiramdam ko kasi may nagmamatiyag sakin. Napalingon-lingon ako sa paligid hanggang sa may malakas na pagbagsak ng pinto ng banyo. Wala naman ako nakitang tao na pumasok.
Napaatras na lang ako.
"Hala, mama.. May multo! "
Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.
"Kaya mo ito Esmael! Ang tunay na lalaki ay hindi aatras sa kahit anong laban! " Pigil-hininga ako naglakad patungo sa banyo kung saan may narinig akong kalampag kanina.
Napabuntong-hininga na lang ko na habol-hininga ko na ni-lock yon pinto habang sinabit ko ang towel ko sa doorknob.
Dahan-dahan ko hinubad ang damit kong pang itaas at nilagay sa maliit na labado.
Napakunot-noo ako ng maramdaman na isang presensya na para bang may nanonood sa'kin kaya napalingon ako sa gilid ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat at napaatras na may nakita akong magandang babae na walang emosyon nakatingin sa'kin.
Napaiwas na lang ako ng tingin ng napansin wala man lang ito kahit anumang saplot.
"Pasensiya na miss, akala ko walang tao. Madilim kasi kaya hindi kita nakita, " mahina kong sabi habang patuloy umiiwas ng tingin.
Akmang pipihitin ko na yong doorknob nang bigla nya ko marahas tinulak paupo sa inidoro. "Miss? " Tinaas ko ang aking kamay para pigilan siya dumikit sa'kin.
Napaigtad na lang ako ng marahas nya hinawakan ang kamay ko at bigla na lang umupo sa kandungan ko. Damang-dama ko ang kanyang pagkakababae kahit may suot pa kong pants.
Napapikit na lang ako para pakalmahin ang sarili ko. Bigla ako nagpapawis na para bang nangyari na rin ito sa'kin dati.
Mariin ako napatitig sa babae at pilit inaalala kung saan ko sya nakilala. Pero sa tuwing ginagawa ko yon kumikirot lang ang ulo kaya marahan ko hinilot ang sintido ko.
Kita ko ang pagngisi nya habang nakatingin sa'kin kaya napakurap-kurap na lang ako dahil nakaramdam ako ng pagkailang.
Napadaing na lang ako na marahas na sinandal nya ko sa pader habang pareho kami nakaupo sa inidoro na magkapatong.
YOU ARE READING
THE MERMAID'S DESIRE
Fantasy"Noong sinabi ko sa'yo na hindi kita kailanman na mamahalin ay natawa na lang ako sa sarili ko kasi mula't sapol ikaw lang ang tanging nilalang na may kontrol sa aking pagkatao.." - Princess Elena