Chapter 20
Ang mga sirena at sireno ay nagtitipon dahil sa kaarawan ni Ellie ang bunsong anak ni Reyna Alena. Napakunot na lang ang noo ng Reyna nang mapansin walang gana ang munting sirena.
"May problema ba anak? May masakit ba sayo? " Malambing na tanong ng Reyna na may halong pag-alala.
Napanguso na lang si Ellie at napakibit-balikat. "Nakakatampo lang kasi wala rito si Ate Elena. Miss ko na siya.. Saan po ba siya palaging pupunta? "
Napabuntong-hininga na lang ang reyna dahil wala siyang masagot. Hindi rin kasi nila matukoy dahil nagtatago ang pasaway nyang anak sa mahika. "Sana naman walang ginagawa kalokohan ang isang iyon.. " Nag-aalang nyang bulong sa kanyang isipan.
Samantala, makabuluhang na ngumisi ang babaylan habang nakatingin sa repleka ng hinaharap. "May isang kaguluhan na naman ang mangyayari dahil sa pagbabalik ng isang nilalang na may dala ng panganib... "
"Dadanak na naman ang dugo dahil isang bawal na pag-ibig na hindi natapos.. "
Kasabay ng kanyang matalinghagang pahayag ay bumuhos ang malakas na ulan na senyales na hindi magandang pangitain.
Sa kabilang banda, napakunot na lang ang noo ni Elena nang mapatingin siya makulimlim na kalangitan. Napangisi na lang siya habang pinagmamasdan ang nagkikislapan na kidlat rito na palatandaan na may panibago namang pangitain nakita ang babaylan.
"Kailangan ko na bumalik sa kaharian... " Mahinang usal nya sa kanyang isipan at naglakad palabas ng kweba.
Habang si Esmael ay kunot-noo n'yang sinundan ang dalaga at nagtataka sa inasal nito.
"Elena.. Saan ka pupunta? " Nagtataka tanong nito habang mabilis na sinusundan ang dalaga.
"Sa empyerno... " Walang emosyon naman nitong sagot habang binibilisan ang paglalakad papunta sa dalampasigan na wala masyadong dumadaan na tao.
Napangiwi na lang si Esmael sa naging sagot nito at patuloy pa rin nya sinusundan ang dalaga.
"Wag mo ko sundan, tao! " Mariin na sambit ni Elena at nanlilisik ang mga mata na tiningnan ito.
Nanginginig naman ang kalamnan ni Esmael na tila nalulunod sa maladagat na mga mata ni Elena. Nagbibigay ito sa kanya ng kakaibang kiliti at lambot sa kanyang sistema.
"Pero.. Pwede ba kong sumama? " Mahinang usal ng binata habang nakayuko dahil hindi makatingin ng diretso sa mapanghina nitong mga mata.
"Hindi... Hindi maaari.. " Mariin na sambit ni Elena habang mabilis na naglalakad na animo'y may hinahabol na oras hanggang sa tuluyan na nyang narating ang dalampasigan.
"Pero... Gusto kong sumama.. " Mahinang pakiusap nito at marahan hinawakan ang kamay ni Elena na may halong pag-iingat.
Marahas namang inalis ni Elena ang kamay ng binata kaya nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Esmael.
Napaigtad siya nang marahan na hinawakan ni Elena ang panga nito patingala sa kanya kaya malaya niyang mapagmasdan ang malatsokolate nitong mga mata... "Sa tuwing nakikita ko ang iyong mga mata, may isang nilalang ako naalala na naging malaking parte sa aking nakaraan na hinding-hindi ko malimutan... "
Naningkit ang mga mata ni Esmael at napaigting ang kanyang mga panga nang mapansin ang pagbahid ng kalungkutan sa mga mata ng dalaga. Hindi n'ya rin maiwasan na makaramdam ng paninibugho dahil tila na mahalaga ang taong yon sa buhay ng dalaga kaysa sa kanya.
Kasi alam naman nya na isa lang siyang alipin.
Alipin ng pagmamahal sa dalaga.
Kahit hindi siya nitong mahal.
Mahal na mahal nya pa rin ito na walang hinihintay na kapalit.
Nanlaki ang mga mata ni Esmael nang maramdaman ang mariin na pagdampi ng malambot na labi ng dalaga sa kanyang pisngi.. "Wag kang mag-alala, babalikan kita at magtutuos pa tayo..... Sa kama... "
Nagmistulang parang tuod siya sa kanyang kinatatayuan habang pinagmamasdan ang papalayong bulto ni Elena. Napakapit na lang siya sa kanyang dibdib at ramdam nya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Napakagat-labi na lang siya at halos mangimatis ang kanyang mukha habang mapahawak sa kanyang kaliwang pisngi kung saan siyang hinalikan ng dalaga. Mapahanggang ngayon ay ramdam pa rin ang malambot nitong labi na mariin kinakagat ang kanyang pisngi kaya nag-iwan ito ng palatandaan.
"Akin ka lang... "
Kahit wala na ang presensya ni Elena ay naririnig nya pa rin ang malamig nitong boses na bumubulong sa kanyang tenga. Nakakapagbigay iyon ng panlalambot sa kanyang sistema.. "Hihintayin kita kahit ilang taon o ilang buhay pa rin ang nakalipas ikaw pa rin ang gusto kong makasama... At sayo pa rin akong nababaliw ng ganito."
Sa pagdating ni Elena sa kaharian ay sumalubong sa kanya ang mga samu't saring awit ng mga sirena na palatandaan na may ipinagdidiwang na importanteng okasyon.
Tanaw na tanaw nya ang mga iba't ibang palamuti sa trono ng kanyang ina kasama si Ellie. Hindi nya maipaliwanag pero nakaramdam siya ng gaan sa pakiramdam habang pinagmamasdan ang masayang mukha ni Ellie habang kinakantahan siya ni Reyna Alena.
Pero pilit nya pa rin ipinagsawalang-bahala iyon at nagtungo sa kanyang munting silid kung saan nyang ginagawa ang samu't saring mahika.
Sa kanyang pagpasok sa silid, sumalubong sa kanya ang kumikinang na mga kristal ng dagat na nagbibigay liwanag sa paligid na maihahalintulad sa nagkikislapan na bituin. Ang mga pader ay pinapalamutian na lantang bulaklak tila sumasayaw sa mahinang daloy ng tubig.
Sa gitna ng kwarto, may isang kumukulong kaldero na nakalagay sa ibabaw ng kama. Naglalabas ito ng mga usok na may amoy ng asin ng dagat at mga mahikang na para sa halamang gamot. Sa kanyang lumang mesa ay nakalagay ang koleksyon ng mga aklat ng may mga sumpa. Ang bawat pahina nito ay puno ng mga sinaunang mga dasal at mga lihim ng kalaliman.
Isang malakas na mahika ang bumabalot sa buong silid, kung saan ang mga nilalang ng dagat tulad ng kumikinang na isda at masasayang dolphins ay naglalangoy nang may kahinhinan sa mga mahiwagang tubig na pumapalibot sa espasyo.
Napakunot na lang ang kanyang noo ng may naaninag ng isang pamilyar na bulto na ipinagmamasdan ang mga ginawa nyang potion.
"Maligayang pagbabalik, prinsesa Elena.. "
"Isang kabastusan ang pumunta sa aking silid nang walang pahintulot ko, babaylan.. " Mariin na sambit ni Elena habang nanlilisik ang kanyang maladagat na mga mata na tiningnan ito.
Isang nakakakilabot na tawa muna ang pinakawalan nito bago magsalita. "Alam ko naalala mo ang lahat, mahal na prinsesa. Mula sa umpisa.. At isang pagkakamali na inalala mo pa ang iyong nakaraan.. "
"Anong ibig mong sabihin?!"
Isang malakas na boses ang umaalingawngaw sa buong silid kaya ang mga isda ay tinangay papalayo dahil sa makapangyarihang boses ni Elena.
Isang makabuluhang ngisi lang ang pinakawalan nito.
"Hindi kita masisisi. Masyado kang kinain ng kuryosidad mo. Kaya patawarin ako ng mahal na reyna dahil hindi ko sinunod ang kanyang utos. Sa totoo lang ay hindi lahat ng alaala mo ay inalis ko. Ayan ang iyong kaparusahan sa pagkitil ng inosenteng buhay sa nakaraan.. "
Ang mga matatalinghagang salita ng babaylan ay nagmistulang patalim sa kanyang puso. Mariin siyang napakapit sa kanyang dibdib dahil tila itong sinasaksak ng paulit-ulit kaya halos kapusin siya ng hininga.
"Sige.. Mahal na prinsesa. Indain mo dahil ayan ang pakiramdam ng nilalang na yon ng walang puso mo siyang sinaksak... "
Isang nasasaktan na sigaw ang pinakawalan ni Elena at halos mapaluhod na dahil sa sakit. Pakiramdam nya na parang sinusunog ang kanyang dibdib at napakahapdi nito sa pakiramdam..
Hindi na kinaya ni Elena ang mainit na bagay na sumasakop sa kanyang dibdib kaya nawalan siya ng malay.
Wala emosyon siyang tiningnan ng babaylan habang ang mga mata nito ay lumuluha ng dugo. "Sana magtino ka na, mahal na prinsesa at wag mo itago ang tunay mo nararamdaman. Kasi ang matinding galit ang magdadala na naman sa isang kasawian.. "
YOU ARE READING
THE MERMAID'S DESIRE
Fantasia"Noong sinabi ko sa'yo na hindi kita kailanman na mamahalin ay natawa na lang ako sa sarili ko kasi mula't sapol ikaw lang ang tanging nilalang na may kontrol sa aking pagkatao.." - Princess Elena