Prologue

30 4 9
                                    

THE first time I laid my eyes on her, it felt like my whole world stopped rotating and revolving. I've always believed that she's an angel sent by God. She has this alluring smile and an enchanting aura. As her long hair danced with the wind, my heart also sang for joy. I can't help but smile at her enticing presence. That was the first time I felt this kind of feeling and that day marks the beginning of my bewilderment. Am I attracted to her? Did I just fall in love at first sight with a woman? A WOMAN?! I was bewildered.

I can't fall asleep after that day. She occupied my mind for days! And today is the day! I am going to confess my feelings for her. It's a shot in  the dark but, whatever. I'm nervous but also excited. These past few years, naging friends kami. Even best friends! Kaya medyo natatakot ako, kasi what if i-reject n’ya ko ta’s layuan after? That's my biggest fear. But hindi ko malalaman kapag hindi ko sinubukan. Bahala na si superwoman.

We were in 7th grade when we first met and that's the first time na nagkagusto ako sa katulad kong babae. Subalit Grade 10 ko na narealize na gusto ko talaga siya, I mean, ngayon ko lang na-fight ang pagiging in denial ko. Gagraduate na kami ng junior high at baka huli na ang lahat. Kaya I will grab this opportunity na.

I folded my long sleeves hanggang elbow at inayos na rin ang pagkakalagay ng aking necktie. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Napangiti ako habang hawak ang bouquet of paper flowers na pinagpuyatan kong gawin kagabi. Magugustuhan kaya niya ang mga ito? Nilagyan ko na rin ng kaunting lip gloss ang aking labi para naman hindi dry tignan. Dumoble ang kaba ko nang tumunog ang aking cellphone, hudyat na may nag-chat. Siya pala iyon at sinabing naroon na pala siya. Sinabihan ko kasi siyang manlilibre ako ng ice cream, ang hindi niya alam palusot lang ’yun. Mwehehehe.

Dali-dali pero maingat kong nilagay sa paper bag ang bouquet at saka lumabas at kumaripas ng takbo upang pumara ng tricycle. Pagkarating namin sa plaza ay nahanap kaagad siya ng mga mata ko. Of course! Sa magulong kapaligiran, sa’yo lamang ang aking tingin. Cheesy! Kahit nakatalikod man siya sa akin, alam kong siya iyon. Naka-dress siya na kulay beige na niyayakap ang makurba niyang katawan at nakalugay ang kanyang wavy na buhok. Napangiti na lamang ako at hindi na napigilan ang sariling lapitan siya.

“Dorothea,” tawag ko sa kaniya. Agad naman siyang lumingon at nag-pout. Ang cute! Putek.

“ Alam mo bang masamang pinaghihintay ang mga magaganda?”

“Aw, walang problema. Hindi ka naman...” Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nakurot na niya ako sa tagiliran. Joke lang, e! Ang ganda mo kaya.

Maganda nga, brutal naman.

“Ang sakit nun ah!” Daing ko habang hinihimas-himas ang tagilirang kinurot niya.

“ Ang OA mo! Manlibre ka na nga,” sabi niya at mas nauna pang maglakad.

Nakaupo na kami sa isa sa mga benches sa plaza habang kumakain ng ice cream. Hindi ko alam pero biglang nawala ang dapat ay sasabihin ko. Kinakabahan ako. Ang daming puwedeng mangyari pagkatapos ng araw na ito.

“ Why so silent?” Siya ang unang bumasag sa katahimikan.

“ May iniisip lang.”

“ Share mo naman. Parang ’di kaibigan ah,” aniya at bigla namang bumuka ang walang hiya kong bibig.

“ Ayaw nga kitang maging kaibigan, e,” sabi ko na aking labis na pinagsisihan.

Tumaas ang kaniyang kilay.

“ I-I didn't mean it in a...bad way,” depensa ko.

Nakatingin lamang siya sa akin kaya biglang nanlambot ang aking tuhod. Kinuha ko ang bouquet of paper flowers mula sa paper bag. Confusion crossed her face.

“ Para sa’yo,” I handed her the bouquet. Hindi niya iyon tinanggap agad.

“ Hindi ko birthday. Hindi rin Valentine's Day at mas lalong hindi rin National Friendship Day. So, para saan ’yan?” Tanong niya habang nakanguso sa bouquet na nasa harapan niya.

Simbolo ’yan ng pagmamahal ko sa’yo, baklang ’to.

“ Tanggapin mo na lang.”

“ Para saan nga?!” Naiinis niyang tanong.

“ Para sa’yo nga! Kanino pa.”

“ Why? Ba’t mo ’ko binibigyan ng gan’yan?” She crossed her arms.

Hindi ko alam kong pa’no sasabihin. Damn it! Hindi naman ako ganito sa mga lalaking nagugustuhan ko dati. Ang kapal nga ng mukha ko kapag may crush akong lalaki dati e. Sinasabi ko kaagad ang nararamdaman ko pero with her? Ewan ko pero natototorpe ako. Bwiset.

Huminga ako ng malalim.

“ Sige ka. Gagabihin tayo ri---” Hindi ko na siya pinatapos.

“ Gusto kita,” sa wakas nasabi rin. “ Gusto kita... romantically. Matagal na---”

This time ako naman ang pinutol niya sa pamamagitan ng pagtaas ng mga kamay niya. “ Wait, what?!”

Biglang mas lumakas ang kabog ng dibdib ko. Heto na!

“ Gusto kita. Unang kita ko palang sa’yo ikaw na agad ang tinitibok ng puso ko. Hindi ko alam. Ako nga rin ay naguguluhan kasi unang beses ’to na nagkagusto ako sa kapareho ko ng kasarian. Pero as time goes by at napapalapit tayo sa isa’t isa, mas lalo ko ring narealize na gusto kita, ay hindi, mahal na kita. Mahal kita, Thea! Ayan nasabi ko na,” nanginginig ako na ewan. Para akong matatae.

Tahimik lang siya habang nakatingin sa akin. Tae ka! Magsalita ka naman! Mas lalo akong kinakabahan e!

Nagulat ako nang bigla siyang lumayo sa akin. Alam ko na kung ano ang ending nito. Mapait akong napangiti.

“ Riya, kinaibigan mo lang ba ako para mapalapit sa akin? Or mapalapit ang loob ko sa’yo?”

Kumunot ang noo ko sa narinig. “ No. Why would I do that?”

“ Riyana, mahal din kita...pero hanggang kaibigan lang talaga. Alam mo namang...alam mo namang straight ako, hindi ba? Sorry.”

Sa puntong ito, ang alam ko lamang ay nasasaktan ako. Ang sakit. Napakasakit.

“ And... Si Anthony. Kilala mo naman siya, ’di ba?”

Si Anthony. Classmate namin si Anthony.

“ What about him?”

“ Actually...hindi ko nasabi sa’yo pero...matagal na niya akong nililigawan at balak ko siyang sagutin kasi...”

“ Kasi?”

“ Kasi gusto ko rin siya,” mahinang sagot niya.

Nasaktan ako sa mga nalaman pero mas nasaktan ako sa paglilihim niya sa akin. Akala ko ba magkaibigan kami? Bakit naglilihim siya sa akin?

“ I’m sorry, but I can't reciprocate your feelings.”

Iyan na lamang ang huling narinig ko bago ko napansing nakatitig na lamang ako sa papalayong si Dorothea. Nanlabo ang aking paningin mula sa likidong bumabagsak na nanggaling sa aking mga mata. Sakit. Ang sakit sakit. Napakasakit ng puso ko. Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi ko alam kong ilang oras akong nakaupo roon. Napansin ko na lamang ang bouquet na pinagpuyatan kong gawin na basa dahil sa aking mga luha. Damn it! Ito pala ’yung sinasabi nila. Ang sakit magmahal ng straight.

“Hoy, babae! Halika na. Mauubusan na tayo ng ice cream. Ang bagal-bagal mong maglakad!”

“ Eto na! Eto na!” Napangiti na lamang ako nang makita ang upuang iyon sa plaza.

“ Present siya ngayon, insan,” mapanudyong saad ni Mikaela. I hissed.

Nang makarating na kami sa paroroonan ay agad nag-settle ang mga mata ko sa babaeng nasa harapan. Ngumiti siya nang magtama ang mga mata namin.

“ Good morning, po. Ano pong sa atin?”

A/N:

It's my first gl story so please bear with me. 💓💓💓 mwehehehe.

Bewildered (GL) [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon