Chapter 14: Want You Back

3 1 0
                                    

LUNES na naman at panibagong kalbaryo na naman ang kinakaharap ko. Bago pa lamang natapos ang midterms at todo discuss at pa-quiz na naman ang mga professor namin. Sana naman ay naipasa ko iyong iba. May mga subject kasi na hindi namin naicheck.

Kakatapos lamang ng huling subject namin sa umaga at mag-isa ako ngayong papalabas ng gate. Si Cesza kasi ay nagsh-shoot ng video nila kasama ang kaniyang mga ka-grupo para sa output namin sa isa sa mga minor subjects. Tapos na naman kami ng mga ka-grupo ko dahil isang infographic lang naman ang naiatas sa aming gawin. Sabi ni Cesza ay mauna na lang daw akong mananghalian dahil baka ay matagalan sila.

Naglalakad na ako palabas ng gate nang mapaatras ako sa nakita. Nandoon ang sasakyan ni Steven sa kabilang bahagi ng kalsada at nakahilig siya rito. Mabilis naman akong pumasok muli ng campus bago pa niya ako makita. Mukhang nagtaka naman si Manong Guard sa aking tinuran. Para tuloy akong nakakita ng multo.

Hindi ko alam kung bakit ko ba siya tinatakbuhan e wala naman akong utang sa kaniya. At isa pa ay hindi ko rin naman alam kung sino ang ipinunta niya rito. Baka ay si Cesza dahil mukhang magkaibigan naman sila. O baka may girlfriend siya rito o kaibigan.

Ah basta! Ayaw ko siyang makita.

Immature na kong immature dahil sa pagtatago ko sa kaniya pero ayaw ko talaga siyang makita o makausap. Alam kong dapat hinaharap ko siya ngayon at tinatanong kung ano ba ang tingin niya sa akin kasi baka akala niya ay pinapaasa ko siya dahil sa pagsang-ayon ko sa kaniya noon na mag-‘friendly’ date kami. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi ako straight pero parang may nagpipigil sa akin. Basta hindi ako komportableng kasama siya. Napaka-judgemental ko atang pakinggan pero ewan ko. May hindi ako magandang kutob sa kaniya. Sinusunod ko na lamang ang instincts ko.

Dinala ako ng mga paa ko sa isang C.R. dito sa building ng College of Technology. Iyon kasi ang pinakamalapit na building mula sa gate na pinanggalingan ko.

Huminga muna ako nang malalim at hinarap ang sarili sa salamin. Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili. Medyo tumabingi ang necktie at ID ko kaya dali-dali kong inaayos ang mga iyon. Ang uniporme naming mga babae ay white na fitted na blouse na de butones na mayroong kwelyo at black na necktie. Sa pang-ibaba naman ay black na slacks at dapat ay pinaparesan ng black closed shoes. Flat lamang itong suot ko dahil hindi naman required na may heel pwera na lang kung tourism student ka.

Kinuha ko ang suklay ko sa bag at sinimulang tanggalin ang pagkakatali ng aking buhok. Sinuklay ko na ang medyo mahaba ko nang buhok.

Nabigla ako nang biglang bumukas ang pinto ng isang cubicle. Hindi ko namalayan na may tao pala roon.

Bago ko pa makita kung sino ang tao sa loob ay biglang namatay ang ilaw sa loob ng CR. Naging madilim ang paligid dahil nakasarado ang main door ng CR at ang ang nag-iisang bintana. Medyo makulimlim din sa labas dahil mukhang uulan kaya mas lalong naging madilim sa loob.

Sabay kaming napa-tili ng babae. Shit! Para naman itong eksena sa mga horror movies.

Napakapit na lamang ako sa sink. Nakarinig ako nang mabibigat na hininga at tunog ng takong na papalapit sa akin. May naaaninag akong palapit sa akin. Ito ata iyong babaeng tumili kanina. Sana naman ay tao ito.

Kinapa niya ako at nagulat ako nang biglaan siyang yumakap sa akin. Mas lalo akong nagulat nang maamoy ang kaniyang pabango. Her scent is so familiar.

Nanginginig parin siyang nakayakap sa akin.

“ I'm scared...” Halata sa boses niya ang takot.

Her voice...

“ Uhm... Miss...” Hindi ako makapagsalita.

Bigla namang bumukas muli ang ilaw. Pagdungaw ko sa babae ay nagtama ang agad tingin namin. Walang gumalaw sa amin. Halata rin sa mukha niya ang gulat.

“ Jadey?” Gulat niyang tanong.

Bewildered (GL) [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon