Chapter 3: Match Made

13 3 0
                                    


PANANGHALIAN. We were about to start eating our lunch when we heard some knocking on our door. Nang marinig ko ang boses ng tumatawag ay napa-face palm na lamang ako.

“ Tita? Tito? Andyan po ba ang paborito kong pinsan?” Boses iyon ni Mikaela.

Magaling mag-timing ’tong babaeng ’to ah. Tiningnan ako ng mga magulang ko.

“ Oo, andito siya,” sagot ni Mama.

“ Pasok, hija. Bukas ’yang pinto,” ani Papa.

Agad na iniluwa ng pinto si Mikaela na nakangiti. Tumakbo siya kaagad sa akin at niyakap ako sa leeg. Mabilis ko naman siyang itinulak pero mahina lang.

“ Hala! Kumakain pala kayo. Naku! Nakakahiya naman ang pagpunta ko rito. Baka akalain niyong sinadya ko ’to.” Umakto pang nagulat at nahihiya ang bruha. Naku! Luma na ’yan.

“ Ang sabihin mo, naamoy mong nagluluto ako ng masarap kong adobo,” sabi ko naman habang nagsasandok ng kanin.

Inismiran niya ako. “ Oo na lang. Baka ’di mo pa ako pakainin,” mahinang bulong n’ya.

“ Mikaela, hija, umupo ka at tayo’y kakain na,” ani mama, “ anak, kumuha ka ng plato at kubyertos para sa pinsan mo,” baling niya sa akin.

“ Mama naman! Nakaupo na ako e,” nakabusangot kong sabi. Nakakatamad na kayang tumayo ’pag kumportable ka na sa puwesto mo.

“ Dali na. Huwag ka nang magreklamo d’yan.” Pamimilit ni Mama.

Padabog akong tumayo at bago ko pa malagpasan ang babaeng bagong dating ay inirapan ko siya. Mahinang tumawa lamang ang bruha. Habit talaga ng dalawang pinsan ko ang inisin ako. Hindi ba nila alam na mas nakakatanda ako sa kanila? Pareho talaga sila ng utak ni Leanna. Parehong bwiset sa buhay ko. Sabay kaming lumaki kaya ganoon na lamang ka-close ang bonding naming magpipinsan. Tatlo lamang na magkakapatid sila mama. May dalawa siyang kapatid na lalaki at iyon ang mga tatay nila Leanna at Mikaela. My mother is the middle child.

Nang makakuha na ako ng plato at kubyertos para kay Mikaela ay agad na akong umupo. Umupo na rin siya sa tabi ko.

Madalas na nandito si Mikaela dahil siya lang mag-isa sa bahay. Her father, si Tito Mike, is working overseas as a seaman and her mother naman ay palaging out of town for her business. Minsan naaawa ako sa pinsan ko dahil hindi naman madali ang mag-isa. She's an only child. Minsan lang umuuwi si Tita Elena sa bahay nila dahil busy sa business kaya mag-isa lang talaga siya and buti na lang at magkapitbahay lamang kami. Kaya palagi siyang pumupunta sa bahay, kaya kahit na nakakabwiset siya ay iniintindi ko na lamang. I understand her naman kasi pareho naman kaming only child, kaming tatlo ni Leanna.

“ Nga pala,  I almost forgot, nagkita nga pala kami ni Maye kanina. Pinapabigay niya sa’yo.”

May dinukot si Mikaela sa bulsa ng palda niya. Isa itong maliit na box na kulay maroon with ribbons at may nakaattach na parang maliit na card. Tumaas ang kilay ko pagkakita ko sa bagay na iyon. For what?

Hindi ko pa nga pala nasabi sa kanila na wala na kami ni Maye. Si Cesza lang pala ang nakakaalam. Medyo hindi rin ako lumalabas these past few days.

“ Ibalik mo na lang ’yan sa kan’ya kapag nagkita kayo ulit,” walang ekspresiyon na saad ko.

Naguguluhan naman ang mukha ng mga nakarinig. They're like waiting for me to drop the bomb.

“ Bakit? Nag-away kayo?” Tanong ng pinsan ko.

“ Ano bang sinabi niya sa’yo?” Tanong ko pabalik.

“ Wala. Ang sabi niya lamang ay ibigay ko ’to sa’yo.” Sabay taas sa bitbit na box at card.

Bewildered (GL) [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon