Chapter 6: Start of Something New

7 2 0
                                    

IT'S D-DAY! Wednesday na at pupunta na kami sa Tropiko Beach Resort ni Tita Caloi. Hinihintay na lamang namin ang driver ni Tita Caloi dahil ito raw ang susundo sa amin. Excited na akong mag-two piece! Joke!

Hindi kalaunan ay nandito na ang sundo namin at agad namang umandar ang sasakyan pagkasakay namin ni Ninang Lolet. Susunod lamang daw sila mama at papa mamayang gabi.

Pagkapasok namin sa resort ay namangha ako sa lawak ng lugar. Nakapunta na ako rito pero ang daming pinagbago. Mas nag-improve ang lugar.

“ Lolet!” Boses iyon ni Tita Caloi at nagbeso sila ni Ninang Lolet. Bumaling naman siya sa akin.

“ Riyana, hija! How are you, dear? You're a dalaga na talaga!” Nagbeso naman kami ni Tita Caloi.

“ Kahit nasa iisang isla lamang tayo ay minsan lang tayo magkita,” aniya pa.

“Oo nga po e,” nasabi ko nalang.

“ By the way, Happy birthday po, Tita!”

“ Oh, thank you, dear!” Palangiti talaga itong si Tita Caloi.

“ Oh! I forgot. I have a gift pala for you, Tita,” I said while searching for my bag.

“ Oh dear, mamaya na ang gifts. Mamayang gabi pa naman ang party talaga. Mamaya mo nalang ibigay sa akin, okay? And thank you so much, dear. But for now, magbihis ka na at let's enjoy the sun and the beach!” Masayang sabi ni Tita Caloi.

Iginiya kami ni Tita Caloi sa room na nakareserve para sa amin nila Mama at Papa. Si Tita Lolet naman ay nandoon sa mga friends din nila. Tita Caloi is a ray of sunshine. Napakabait at napakaganda pa. She's also a successful woman. I wonder why she's still single hanggang ngayon. Well, you can be successful and single naman at the same time. Napapaisip ako. I want to be like Tita Caloi in the future. Happy lang, single, and beautiful and also successful. She's managing her own businesses while  me ay siguro magtuturo sa school na gusto ko. Doing what I've always loved. I really want to teach. Siguro na-influence ako ni Mama dahil teacher siya. Alam ko hindi magiging madali pero I know we'll get there. Soon. Puhon. Sa tamang panahon.

Pagkatapos kong maipatong ang isang see-through sa swimwear na suot ko ay lumabas na ako ng kuwarto. Nilibang ko na lamang ang sarili sa pag-ikot ikot sa lugar. Napakalawak nitong beach resort ni Tita Caloi. May parang apartment type na mga rooms na modern style na hanggang tatlong palapag. Mayroon ding mga individual na rooms na mga nipa hut. May cottages. May restaurant. May bar area. Mayroon ding swimming pool for kids and adults. At siyempre may dagat at white sand beach. Ang ganda ganda.

Medyo bilang pa ang mga bisita na nadirito. Karamihan ay mga staff ng resort. Narinig kong tinawag ako ni Ninang Lolet na nasa isa sa mga cottages kaya agad naman akong tumalima.

“ Ano po iyon, Nang?” Tanong ko.

May iniabot siya sa aking isang glass ng, I think, mocktail. Agad ko naman iyong tinanggap.

“ Try this. At dito ka lang maglibot-libot ha. Wala pa naman ang mga magulang mo rito,” dagdag pa ni Ninang. Napangiti na lamang ako.

“ Ano ka ba, Lolet! She's a big girl na, hindi ba, hija?” Si Tita Caloi iyon at napatawa na lamang ako nang mahina.

“ Atsaka this place is heavily guarded and secured naman. May mga CCTVs rin if that's what you're worried of. And look at her oh! She's so dalaga na.” May halong pang-aasar ang huling sinabi ni Tita Caloi. Napatingin naman ako sa suot ko at biglang tumiklop sa hiya. Shems!

Pagkatapos nun ay naglakad-lakad ako sa tabing-dagat hawak-hawak ang isang glass ng mocktail. So good!

Nakapaa lamang ako and I can feel the sand under my feet. Amoy na amoy ko rin ang dagat. What a great day to be alive!

Unti-unti ko namang naramdaman ang nanunuot na init sa aking balat. Shit! Paano ko naman nakalimutan ang bagay na iyon? Nakalimutan ko palang maglagay ng sunscreen. Dahan-dahan akong naglakad sa buhanginan pabalik sa room ko habang ang mga mata ay nasa inaapakan careful na baka may roong kung anuman na makakasugat sa paa ko. Nakapaa pa naman ako. Pero in fairness, malinis naman ang baybayin. Actually, ang buong lugar. Nang nasa area na ako na may mga bermuda ay itinaas ko ang aking paningin. And my eyes settled on the lady standing beside the pool. Shit! What a great day to be alive talaga!

She's wearing a two-piece black bikini that suited her fair complexion. Nakalugay ang medyo mahaba at wavy niyang buhok. Hindi ko siya nakilala dahil doon. Palagi kasing naka-low bun at hairnet ang kaniyang buhok kapag nakikita ko siya. Hindi ako sanay. She got that stunning, sexy curve. Shit. Shit. Shit. Bakit hindi ako makahinga? Umayos ka diyan, Jade Riyana Melena!

Nasampal ko na lamang ang sarili ko nang mapagtanto na matagal na pala akong nakatitig sa kaniya. Napatulala na pala ako. It's because of this jaw-dropping gorgeous woman in front of me. She's shining under the heat of the sun. Parang anghel!

Ang creepy ko na ata.

Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi nang bigla siyang napatingin sa gawi ko. Siya man ay nagulat nang makita ako. Dahil sa pagkagulat ay I impulsively turned my back dahilan para matapon ang hindi ko naubos na mocktail sa damit ko. Shit talaga! Ganitong pangyayari na lang palagi kapag kaharap siya! Noong una ay ice cream, ngayon naman ay mocktail. Ano ba, Riyana! Kailangan ko na tuloy magpalit. Pero paano iyon? Kailangan kung dumaan malapit sa kaniya. E ano naman, Riyana? O diba. Nabaliw na ang bakla. Bahala na nga.

Mabilis akong naglakad habang nasa paa ang mga mata. Hindi ko na siya kayang tingnan. Nahihiya na ako. Lalagpas na sana ako sa puwesto niya nang bigla siyang magsalita na nagpatigil sa akin.

“ Excuse me po, ma'am. Ikaw po ’yung customer na natapunan ko po ng ice cream, hindi po ba?” Magalang na tanong niya.

Pinaalala pa niya talaga. Pero.. wait! Ibig sabihin...hindi niya ako nakalimutan? Oh kinilig na naman si acclaaa.

“ Yes, ako nga.” I met her gaze. Ngayon ko lang na-realize na I'm way taller than her. Napa-smirk tuloy ako. I feel powerful na naman. Just kidding.

She bowed down her head.

“ Sorry po talaga, ma'am.”

“ Naku, naku. Okay lang ’yun ’no. Tagal na nun.”

She smiled sweetly. Shit!

“ Uhm... May I excuse myself cause...” Inginuso ko ang aking damit na nabasa ng mocktail. I don't know if guni-guni ko lang but nahagip ko siyang lumunok.

“ O-o-of course po, m-ma’am. I'm sorry po ulit,” nauutal na sabi niya. Ba’t naman nauutal?

Bago pa man ako makahakbang ay nagsalita ako ulit.

“ By the way, stop calling me ma'am, please. Just Riya.”

Dumungaw ako sa mga mata niya at nagtama ang mga paningin namin. We stared at each other's eyes for seconds but it felt like hours. Tumigil na naman ang mundo ko. Nag-slow motion lahat. Ako ang unang nag-iba ng tingin.

“ Okay, Riya,” mahinang sabi niya na hindi makatingin sa akin.

I have never loved my name this much until it came out of her mouth. What a great day to be a ‘Riya’! Ang sarap pakinggan! Gusto ko ulit marinig. (⁠ ⁠・ั⁠﹏⁠・ั⁠)

Ngumiti ako at tumango bago siya nilagpasan. Damn.

Nang maisara ko ang pinto ng kuwarto ay agad akong tumakbo sa kama at dumapa. I can't stop giggling and kicking my feet. I felt like a high schooler that got noticed by her crush for the first time. Hindi na ata butterflies ang nasa stomach ko. There's a whole zoo in it na!

I don't know but sobrang saya ng pakiramdam ko. Para akong hinehele kapag naririnig ko ang boses niya. Ta’s she uttered my name pa? Ugh!(⁠ ⁠ꈍ⁠ᴗ⁠ꈍ⁠) Hindi na ata ito simpleng crush lang.

Bigla namang nawala ang saya ko nang maalala na may exam pa ako bukas at kailangan ko pang mag-aral. Hayst! Mamaya na lang. Iienjoy ko muna ’tong kilig na nararamdaman ko ngayon. Kilig yarn?

Magkakilala sila ni Tita Caloi? She's invited so magkakilala nga sila. What if I ask Tita Caloi about her? Ay baka magtaka ’yon. But what if this is the start?

Bewildered (GL) [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon