Chapter 8: Motive

5 2 0
                                    

KAHIT nagsasagot sa test paper ay nakangiti parin ako. Ginawa ko talaga siyang inspiration para gumising nang maaga at mag-aral kahit 1 hour lang ang tulog ko.

Pagkatapos namin lahat magsagot ay nagcheck agad kami at in-announce na agad ng professor namin ang lahat ng nakapasa.

“ Good job, Miss Melena. You got the highest score and a perfect score!” Anunsiyo ng prof namin.

Yey! I did it! Mas lalong lumawak ang ngiti sa mga labi ko.

“ Sa mga hindi nakapasa, siguraduhin ninyong babawi kayo sa finals. Okay? You can go now.”

Iniligpit ko na kaagad ang ballpen at correction tape ko sa bag atsaka lumabas. Agad naman akong kinalabit ni Cesza.

“ Hoy! Grabe ka! Talagang ginalingan.” Tinawanan ko na lamang si Cesza.

“ Ginalingan mo rin naman,” ani ko.

“ Oo, kaso kulang parin. Two mistakes away! Sayang! Pero oks lang, at least nakapasa ’di ba?”

Tumango ako. Okay lang din naman sa’kin na hindi ma-perfect basta maipasa ko lang. Pero mas maganda parin kung ma-perfect ko. Jk.

“ Kain tayo? Gutom na ’ko e. Doon tayo kay Manang Gina?” Tanong ni Cesza.

“ Tara.”

Kumakain na kami ngayon sa madalas naming kainan sa labas ng campus. Ang karinderya ni Manang Gina. The foods here are so affordable at presyong estudyante talaga at masarap at malinis pa. Plus mabait pa si Manang Gina.

“ O mga hija! Kumain lang kayo d’yan. Gusto niyo ba ng sabaw?” Ani Manang Gina.

“ Salamat po, Manang.”

Habang kumakain kami ay hindi ko mapigilang mapangiti at mapatitig sa bracelet na bigay ni Chelli. Baka ito ’yong lucky charm ko.

“ Hoy, parang tanga ’to. Ba’t ka nakangiti d’yan?” Napaayos naman ako ng upo nang magsalita si Cesza.

“ Anong nakangiti? Sinong nakangiti? Hindi ako nakangiti ’no,” pag-dedeny ko.

Inirapan naman ako ni Cesza.

“ O ba’t ang defensive? Ngingiti-ngiti ka d’yan. ’Pag ikaw nasaktan ulit...”

“ Hindi. Masaya lang talaga ako dahil sa result ng exam.” Pagpapalusot ko.

“ O kanino galing ’yang bracelet?” Pag-uusisa pa ni Cesza. Ang kulit talaga ng kaibigan kong ito.

“ Sa ano...”

“ Sige. Try mong magsinungaling sa’kin.”

“ Bigay ng new found friend ko,” iyan na lang ang nasabi ko. Friends lang naman talaga kami.

“ May bago ka nang kaibigan?” She pouted. Kinurot ko naman ang ilong niya.

“ Ito naman. Selosa!”

“ Heh!”

Tumawa na lang ako.

“ Sino nga ’yan? Pakilala mo naman,” pangungulit pa ni Cesza.

“ Ayoko baka ma-jinx...”

Kinunutan niya ako ng noo at tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. “ Ang OA naman nito.”

“ Hindi mo ata siya kilala.”

“ Kaya nga ipakilala mo sa’kin. Adik ka ba?” Parang galit na s’ya ah.

Grabe naman ’to.

“ Chelli ang name niya. Nagtatrabaho siya sa PRIME. Tas nagkausap kami kahapon dahil invited sila sa birthday ni Tita Caloi. ’Yong Tita ni Steven Rivamonte,” sabi ko.

Bewildered (GL) [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon