NATAGPUAN ko na lamang ang sarili na nakatayo sa harapan ng babaeng hindi ko inaasahang makita. Pero bakit ko naman hindi aasahan e rito siya nagtatrabaho?
“ Hello po, ma'am. Ano pong sa atin?” She asked while smiling sweetly.
“ Isang ice cream, po. Mixed flavor. Waffle cone,” I answered.
Ewan ko pero blangko ang utak ko ngayon. Ayoko na lang mag-isip ng mga bagay-bagay. Gusto ko lang kumain ng ice cream.
Nakangiti ang babae na bumaling sa akin at iaabot na sana ang ice cream na binili ko. Hindi ko pa tuluyang nahawakan ang cone ay nabitawan na niya iyon dahilan para mahulog ang ice cream sa damit ko. And now I'm here standing, mind empty, and with sticky clothes.
Agad na bumahid ang kaba at concern sa mukha ng babae. Dahil siguro sa kaba ay biglaan siyang lumabas at pumunta sa side ko with a box of tissue at agad na pinunasan ang parte ng damit na natamaan ng ice cream.
“ Hala. Sorry po. Sorry po. Hindi ko po sinasadya, ma'am,” paghingi niya ng tawad habang patuloy parin sa paghagod ng tissue sa damit ko.
“ It's okay. It's fine,” I stopped her from what she's doing by touching her elbows. She quickly put a gap between us and bowed her head in embarrassment and I think...fear?
“ Pasensiya na po talaga kayo, ma'am. Hindi ko po sinasadya.” Ngayon ay nakatingin na siya sa mga mata ko. I just noticed how beautiful her eyes are. She got hazelnut eyes. I blinked multiple times as I realized that I had been staring at her for quite some time now.
I looked the other way and nagsalita. “ Yeah. I understand. It's fine. You know, things happen.”
“ Meron po akong extra shirt sa bag, ma'am. Puwede niyo po iyong suutin,” nag-aalalang sabi pa niya.
“ As I've said, it's fine. Besides, uuwi na naman din ako and don't worry hindi naman ako magrereklamo at may kasalanan rin naman ako,” malumanay kong sabi. I smiled at her to ease her worry.
“ Papalitan ko na lang po iyong ice cream ninyo,” sabi pa niya.
“ You don't have to do that. Please, huwag ka nang mag-alala.” I gave her a reassuring smile.
Alam ko namang kinakabahan siya dahil baka isumbong ko siya sa manager or boss nila. It's not a big deal lang naman for me because it's an accident naman and I'm not a Karen.
“ Sorry po talaga.” Hindi pa siya tapos sa paghingi ng tawad.
“ It's really fine,” dumapo ang tingin ko sa suot niyang name tag,“ Miss... Chelli.” I smiled and waved goodbye. Tumalikod na ako dahil mukhang natigilan siya sa pagtawag ko ng pangalan niya.
Chelli. Ang cute ng name. Bagay kaya ang apilyedo ko sa pangalan niya?
Chelli Melena. Ano ba itong mga naiisip ko. Gumana na naman ang kabaklaan.
I really admire her beauty dati pa. Her beauty is really noticeable. Pero I don't really like her to the extent na I wanted to pursue her. Masaya lang talaga ako kapag nakikita siya. Nagagandahan lang din talaga ako sa kaniya. Pero mapanukso lang talaga ang mga pinsan ko.
But now, I don't know. I could feel my heart beating fast. What is this feeling? Is this love na? Ay! Grabe naman iyan, Riya! Small interaction lang love agad?
Subalit natagpuan ko na lang ang sariling ngumingiti. Luh, parang tanga naman, Riyana.
Dahil sa labis na pakikipagtalo sa sarili, napansin ko na lamang na nakauwi na pala ako ng bahay. Dumiretso ako sa kuwarto at agad na humiga sa malambot na kama. After a long day, deserve ko ’to. Naramdaman ko na lamang na unti-unti akong nilamon ng antok.
BINABASA MO ANG
Bewildered (GL) [On-Going]
RomanceJade Riyana Alejandre-Melena had always thought it's just a simple crush but little did she know that the seed she planted will grow and blossom. The small interactions she had with this girl, Chellina Reggine Castellano, will become the rain and s...