“ ... I'm so confused.”
After that conversation I had with Paulo, we never get the chance to see each other again. I don't know what he's talking about. I'm as confused as he is. I don't want to assume things but I can't help but think things I shouldn't. Hindi parin ako kinikibo ni Cesza at hinahayaan ko na lamang siya. Bakit siya pa ngayon ang parang galit?
Kakatapos lang namin sa subject na Logic and Set Theory at may one hour vacant kami bago ang huling subject namin ngayong araw. I am a first year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics at Fuego Island College. Ang nagsasabing easy peasy lang ang education ay ewan ko na lang. Kahit gaano mo kamahal ang kurso mo ay mahihirapan ka parin. Wala namang madali sa mundong ’to e. Kahit Grade 1 nga e nahihirapan din. First year pa lamang kami e pagod na agad.
Dahil parang iniiwasan naman ako ni Cesza, lumabas na lamang ako mag-isa ng campus at bumili ng blue lemonade. Ang init init ng panahon ngayon. At feeling ko deserve ko ’tong blue lemonade. At tila sinusubok ako ng tadhana dahil habang sumisipsip ako sa aking inumin ay nahagip ng mata ko si Maye na pababa mula sa pagkakasakay sa isang motor. Motor na wow. Hindi ko makita ang mukha ng driver dahil nakahelmet ito at balot na balot. Hindi ito pamilyar sa akin. Kilala ko ang mga kaibigan ni Maye at ang kasama niya ngayon ay hindi ko pa nakita. Pwera na lamang kung mayroon siyang hindi ipinakilala sa akin. Sa tindig nito, masasabi mong isa itong babae. Ang ganda ng hugis ng kaniyang katawan. Huiieee. Tama ka na, Riyana.
Bigla namang napatingin sa gawi ko ang kasama ni Maye dahilan para mapatalikod ako. Damn. Ang awkward at creepy ko atang tingnan. Nagmamadali na lamang akong maglakad papasok ng campus.
I'm happy to know na medyo wala na akong nararamdamang sakit sa nakita ko. Wala nang sakit nang makita ko siya ulit.
“ Nag-blue lemonade ka pala nang hindi ako kasama, ha,” boses iyon ni Cesza habang nag-tatake down notes sa mga sinasabi ng prof namin sa The Contemporary World.
Napangiti na lamang ako. Hindi niya talaga matiis na hindi ako kausapin.
“ Ikaw kaya itong hindi namamansin,” I said while pouting.
Napatingin siya sa akin at tumigil na sa pagnonotes. Biglang sumeryoso naman ang mukha niya.
“ Nahihiya ako, e. Napaka-insensitive ko sa ginawa ko,” sabi niya nang nasa notes ang mga mata.
I lifted her chin with my index finger. I smiled at her. “ I understand naman that you're just concerned. Ang gusto ko lamang ay sana huwag mo na iyong ulitin,” sabi ko.
“ At kung irereto mo man lang ako, sana huwag naman sa lalaki. Alam mo namang bakla ang kaibigan mo,” sabi ko at napatawa naman siya.
Hindi namin namalayan na nakatingin na pala ang prof sa amin. Patay!
“ Mukhang nagkakasiyahan kayo diyan, Miss Melena, Miss Duazo. I assume alam niyo na ang dinidiscuss ko rito,” baling sa amin ng professor namin. Mahilig pa naman ’to magpa-oral recitation. Guess who's lucky today.
“ I'm sorry, Miss,” iyan lamang ang nasabi naming dalawa ni Cesza.
“ So, Miss Duazo, explain World Systems Theory and if you can't answer that... I'll mark you two absent in my class today,” strikta niyang saad na nagpakatog ng tuhod ko. Patay na talaga kami.
“ And Miss Melena... Help your girlfriend,” baling niya sa’kin.
Luh.
Natapos ang araw na pagod kaming lahat. Pagkatapos naming mag-explain ni Cesza ay pinagawa kaming lahat ng essay. O ’di ba. Wowerns. Buti na lang talaga at nag-advanced reading kami ni Cesza sa topic at hindi kami namarkahang absent.
BINABASA MO ANG
Bewildered (GL) [On-Going]
RomantikJade Riyana Alejandre-Melena had always thought it's just a simple crush but little did she know that the seed she planted will grow and blossom. The small interactions she had with this girl, Chellina Reggine Castellano, will become the rain and s...