NAKAANGKAS ako ngayon sa motor ni Kuya Ranjo dahil nautusan kaming bumili ng mirienda. Sabado na naman at walang pasok.Nang huminto ang motor sa harap ng Prime Bakeshop ay agad ko siyang pinigilan.
“ Kuya, sa ibang tindahan na lang tayo bibili,” agad ko sabi bago siya makababa ng motor.
Nangunot ang kaniyang noo sa sinabi ko.
“ Bakit? Sawa ka na ba sa tinapay nila dito?” Tanong niya.
“ Hindi naman. Try naman natin sa iba para maiba naman,” sabi ko nang hindi makatingin sa kaniya.
“ Ay dito na lang. Nandito na tayo. Atsaka ayaw mo bang mag-hi kay Chellina?” Aniya pa.
Wala na akong nagawa nang bumaba na siya ng motor. Sumunod na lamang ako sa kaniya.
Ang totoo ay nahihiya akong makita si Chelli. Baka maalala niya iyong nangyari sa amin noong birthday ni Kuya Ranjo. Hindi naman ibig sabihin na lasing siya noon ay hindi niya iyon maaalala. Sana hindi kami maging awkward sa isa’t isa. At ang isang rason kung bakit ayaw ko pa siyang makita ay dahil sa natatakot akong mas mahulog sa kaniya. Napagtanto kong hindi pa pala ako lubusang na-heal sa trauma na dinulot ng mga nakaraang babae sa buhay ko. Ayaw ko munang pumasok sa isang relasyon. Lalo na’t wala namang kasiguraduhan.
Narinig kong nagbatian sina Kuya Ranjo at Chelli.
Naghihintay pala si Kuya Ranjo na ako pumili ng tinapay. Nakalimutan kong nasa akin pala ang perang pambili.
Nang hindi nakatingin sa babaeng nasa harapan ko ay agad ko nang tinuro ang mga tinapay na gusto kong bilhin. Hindi ko siya tinitingnan sa mata. Siguro ay naguguluhan siya ngayon, maging si Kuya Ranjo.
Pagkatapos ay kinuha ko na ang paper bag na may lamang tinapay sa kaniya at binigay na ang eksaktong bayad. Pagkatapos ay agad na akong tumalikod. Narinig ko naman na nagpasalamat at nagpaalam si Kuya Ranjo sa babae. Naramdaman kong sumunod na ito sa akin.
“ Hoy, ano ’yon, ha?” Agad na pang-uusisa sa akin ni Kuya Ranjo.
“ Anong ‘ano ’yon’?” Pagmamaang-maangan ko.
“ Iniiwasan mo ba si Chellina?” Diretsang tanong niya.
Nagpatigil naman ako sa kaniyang tanong.
Oo. Iniiwasan ko siya dahil takot akong mas mahulog pa at masaktan ulit.
“ Bakit ko naman siya iiwasan?” Tanong ko na lang pabalik.
“ Ewan. Bakit ako ang tinatanong mo? Bakit mo ba siya iniiwasan?” Binalik na naman niya ang tanong sa akin.
Napailing-iling na lang ako.
“ Ewan ko sa’yo, Kuya. Tara na nga,” sabi ko na lang.
Walang patutunguhan ang pagbabatuhan namin ng tanong.
Hangga’t sa kaya ko ay iiwasan ko siya. Minsan lang naman din kami magkita kaya posible pang makalimutan ko itong nararamdaman ko sa kaniya. Iiwasan ko na lang na magawi rito sa pinagtatrabahuan niya. Mahirap na kung maattach na naman ako tapos maulit na naman ’yong dati. Ako lang ang masasaktan.
Nakabalik na kami sa bahay at nandito na naman ako sa kuwarto kasama na naman ang dalawa kong makukulit na pinsan. Naging buntot ko na ata itong dalawa. Kung nasaan ako ay naroon din.
“ So, kumusta kayo nung Chelli?” Tanong ni Mikaela habang kumakain nung tinapay na binili namin ni Kuya Ranjo.
“ Anong kumusta kami?” Tanong ko pabalik.
Anong kumusta kami e wala namang kami.
“ Basta! Anong status niyo, I mean,” aniya pa.
“ Friends,” maikling sagot ko.
Nagkatinginan naman silang dalawa ni Leanna sabay sabing, “ Friends!”
Pareha talaga ng utak itong dalawang ’to.
“ Ewan ko sa inyo,” bulong ko.
“ Gusto mo siya, ’di ba?” Tanong ni Leanna. Napatingin naman ako sa kaniya.
Oo nga. Gusto ko siya.
“ Gusto,” mahinang sagot ko.
“ O, e bakit hindi mo ligawan?”
Tinaasan ko ng kilay si Mikaela sa sinabi niya.
Pero bakit nga ba? Siguro takot ako. Takot ma-reject? Hindi naman. Mas takot akong sagutin niya ako tapos ilang months pa ang makakaraan at Akala ko'y masaya kami’t nagmamahalan tapos makikipag-break pala siya dahil na-realize niyang lalaki pala ang gusto niya. Tapos sa huli, ako itong masasaktan.
O diba ang advance ko mag-isip. Pero hindi naman imposibleng maulit ’yong dati. Iyong sa amin ni Maye. Pero okay na naman kami ni Maye ngayon. Pero hindi na tulad ng dati.
Naalala ko tuloy si Dorothea. Kumusta na kaya siya ngayon? Wala na rin akong balita sa kaniya magmula noong...noong nag-confess ako sa kaniya. Nilayuan niya ako pagkatapos noon. Hindi na rin kami naging magkaklase noong Senior High kasi lumipat na siya ng school. Naalala ko na siya ang first biggest heartbreak ko. Wala na kaming koneksiyon. Nasaan na kaya siya ngayon?
Mikaela snapped her fingers in front of my face.
“ Hoy, natulala ka riyan?” Aniya pa.
“ Bakit nga ba hindi mo ligawan si Ate Chelli?” Tanong ni Leanna.
Napaisip naman ako.
“ Ewan ko. I'm not ready pa ulit pumasok sa isang relasyon. Tapos, hindi ko rin naman siya ganoon ka kilala pa talaga,” sabi ko.
“ Kaya nga manliligaw ka kasi kikilalanin mo siya,” ani Mikaela.
“ Siguro natatakot rin ako na baka...” Hindi ko matapos ang sasabihin ko kaya si Mikaela na ang tumapos niyon.
“...na baka straight siya at masaktan ka lang sa huli at bakit layuan ka niya at masira ang friendship ninyo. Gan’on ba ’yon?”
Nabuntong-hininga na lamang ako sa sinabi niya. Dahil tama siya. Iyon ’yon.
“ Insan, alam naming na-trauma ka na. Pero, insan, hindi mo pa naman alam kung ano ’yong sexual orientation niya. Tinanong mo na ba siya?” Ani Mikaela.
“ Ang weird naman kung bigla ko siyang tanungin n’yan, ’di ba?” Sabi ko.
“ E, nag-aalangan ka e. Kung gusto mo talagang malaman. Mag-confess ka sa kaniya. Kung lalayuan ka niya o edi hindi siya ang para sa’yo. Kung tatangapin ka naman niya, o edi wow,” aniya pa.
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
“ Hindi iyan ang dapat nating tutukan e,” ani Leanna at napatingin naman kami sa kaniya.
“ Ano dapat?” Tanong naman ni Mikaela.
“ Ang tanong ay gusto ka ba niya? O may chance ba na magustuhan ka niya?”
Ouch.
“ Kaya nga inaalam natin kung straight ba siya o hindi. Kasi kung straight siya edi wala nang pag-asa si insan diyan. Alam mo namang may trauma sa straight ’to e. Pero kung bakla rin siya edi may chance pa si JR, ano ka ba!” Ani Mikaela.
“ E, mukha naman straight si Ate Chelli e,” sabi pa ni Leanna.
“ Wala tayong karapatan na i-assume ang gender o ang sexual orientation ng isang tao base lamang sa hitsura o pananamit nila,” seryosong sabi ko.
“ Ito ang advice ko sa iyo, insan. Siguraduhin mo muna ang nararamdaman mo sa kaniya. Tapos kung sigurado ka na ay mag-confess ka. Kung ano man ang resulta ay ’yon na ’yon. It is what it is. Take a risk or lose the chance. Malay mo gusto ka rin niya. Kesa naman sa huli ay magsisi ka dahil sa pag-aalinlangan mo,” seryosong sabi ni Mikaela.
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Tama naman siya. May point naman ang sinabi niya.
Sigurado naman akong gusto ko siya e. I can't believe that I'm taking an advice from a 17-year old. Mas expert pa ata itong dalawa kesa sa akin kapag usapang pag-ibig.
Sana ay kung ano mang patutunguhan nitong nararamdaman ko ay sana makayanan ko kung ano man ang kapalit sa pipiliin kong desisyon.
But all I know is... she's worth the risk.
BINABASA MO ANG
Bewildered (GL) [On-Going]
RomanceJade Riyana Alejandre-Melena had always thought it's just a simple crush but little did she know that the seed she planted will grow and blossom. The small interactions she had with this girl, Chellina Reggine Castellano, will become the rain and s...