Chapter 21: The Moon is Beautiful, Isn't It?

6 1 0
                                    

TAPOS na kaming kumain at inilalabas na ni Mama ang specialty niyang apple pie. Pinagmamalaki niya talaga ito. Humahalimuyak sa aming mga ilong ang amoy niyon. Ang bango!

“ Tikman ninyo itong apple pie ko,” masayang saad ni Mama.

Kumuha na ako ng isang slice at inilagay iyon sa plato ni Chelli. Ngumiti naman siya na agad akong nahawa. Napangiti na rin ako. Magkatabi pala kami ngayon sa lamesang pabilog.

Napansin ko ang nang-aasar na ngisi nina Mikaela at Kuya Ranjo. Hindi ko na lang sila binigyan ng pansin.

“ Alam mo, noon pa man, ang ganda na talaga nitong batang ito,”said Tita Racquel, pertaining to Chellina.

Ngumiti lamang ito at tila nahiya sa pagpuri ng aking tiyahin.

“ Bakit hindi ito ang ligawan mo, Ranjo, tutal kayo naman ang inilolove team dati, hindi ba? Baka kayo talaga ang para sa isa’t isa,” sabi pa ni Tita Racquel.

Agad namang dumako ang tingin sa akin pinsan. Pinanliitan ko siya ng mata.

Tila kinakabahan naman siyang napatawa. “ N-Naku...Baka mapatay ako ng isa riyan,” bulong niya na tila hindi naintindihan ng kaniyang ina.

“ Ano?” Tanong pa nito.

“ Ahh... Wala po, ma. Magkaibigan lang po talaga kami ni Chellina.” Tumingin pa siya sa akin nang sabihin niya iyon.

“ Nasaan na pala nagtatrabaho ang nanay mo?” Tanong pa ni Tita Racquel kay Chelli.

“ Doon na po sa Tropiko Beach Resort ni Ma'am Caloi Rivamonte,” sagot naman ni Chelli.

“ Kaya pala ay nakita kita roon noong birthday party niya,” sabat ng nanay ko.

Tumango naman si Chelli.

Natapos ang hapunan at nandoon na silang lahat sa loob habang kami ni Chelli ay naiwan dito sa likod-bahay. Hindi ko alam bakit nagpaiwan din siya. Nakaupo kaming dalawa. Tinatanaw ko naman ang bituwin nang may maalala.

“ Oo nga pala...”

Kinuha ko ang tinuping papel na nasa bulsa ng suot kong shorts. Nakunot na ito dahil kanina pa ito rito.

Parang bata na ipanakita ko sa kaniya ang papel ko na mayroong perfect score. Nanlaki naman ang mata niya nang makita iyon. Kinuha niya iyon sa kamay ko at pinakatitigan.

“ Wow! Ang galing mo naman,” aniya at nababakas sa mukha ang pagkagulat.

Proud lamang akong nakatingin sa kaniya.

“ Bakit? Hindi mo ba inaasahan na mapeperfect ko ang exam kanina?” Tanong ko.

Tumingin naman siya sa akin.

“ Alam ko namang mapeperfect mo. Kaso lang...”

Tinaas ko ang dalawa kong kilay at hinintay ang sasabihin niya.

“ Ang reward ko?” Sabi ko at nakalahad na ang palad.

“ Ayun nga... Nakalimutan ko. Nasa bahay,” aniya habang naka-peace sign sa harapan ko.

“ Ayos lang ’yon. Bigay mo na lang sa’kin kapag---”

She cut me off.

“ Ito na lang ang reward ko sa’yo dahil ginalingan mo,” sabi niya at nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa’kin.

Napako ako sa kinauupuan ko. Unti-unting lumapat ang labi niya sa pisngi. Hindi niya pa inilalayo ang mukha sa akin at tumitig pa siya sa mga labi ko habang nakangiti.

“ Keep up the good work. Galingan mo pa sa susunod,” bulong niya at nakangiting lumayo sa akin.

Hindi ma-proseso ng utak ko ang nangyari. Did she just kissed me on the cheek?

Bewildered (GL) [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon