Chapter Twenty
"Ugh!" Grabe ang sakit ng puson ko! Para akong sinasaksak ng paulit-ulit Magkakameron na yata ako! "I'm... dying..." Ang sakit talaga! Naglagay ako ng pressure sa puson ko para mawala kahit papano pero walang epekto.
Ipinatong ko ang ulo ko sa desk. Nasa school ako. Bakit ba kasi pumasok pa ako ngayon? Oo nga pala, dahil sa gwapong lalaking nakaupo sa tabi ko. Pero wala pa kasi yung sakit kanina bago ako pumasok. At hindi ko alam na magkakaron ako ngayon kaya wala akong dalang napkin. Wala pa yung instructor namin sa History kaya pwede pa akong lumabas ng room.
"San ka pupunta?" tanong ni TOP ng tumayo ako
"CR."
Tumayo din si TOP. Mukhang susunod sya sa'kin. Kahit ayoko, pinabayaan ko nalang. Ayoko kasing magsalita. Ang sakit talaga. Napansin siguro ni TOP na wala ako sa mood kaya nagtanong sya.
"Why so quiet?"
"Hmm..." Lakad lang. Straight. Lakad.
"What's wrong?"
Kaunti nalang Sam, malapit ka na sa restroom. Lakad. Teka nahihilo ako. Parang masusuka yata ako.
"Are you trying to ignore me?"
Left foot forward then right naman. Kaya mo yan!
"Shit! Why are you ignoring me?!"
Lakad Sam, hwag masyadong mabilis baka magka-stain ka.
"Did I do something wrong again?"
Lakad. Lakad. Ouch! Ang sakit talaga! Sucks to be a girl!
"Say something Miracle!"
Bakit ba kailangan pang maranasan ng mga babae ang ganitong klase ng paghihirap?
"Fine, be like that!"
Tapos ang mga lalaki naman puro pasarap! Walang problema.
"Galit ka ba? Pinsan ko talaga sya!"
Hindi nila problema ang magkaron ng monthly period.
"Hindi mo ba talaga ako kakausapin?"
Hindi rin nila problema ang panganganak. Unfair!
"Ah shit! Miracle! Talk to me."
"Ugh," Umupo muna ako kahit nasa gitna kami ng hallway. Hindi ko na talaga kaya, ang sakit na talaga!
"Ano ba talaga ang problema?" umupo si TOP sa harap ko.
"Wala!" At napaka-clueless ng mga lalaki. Manhid!
"Ano'ng wala?" bigla nyang nilagay ang kamay nya sa noo ko. "Wala ka naman sakit. May masakit ba sa'yo? Sabihin mo para may magawa ako!"
Pinagtitinginan kami sa hallway. Kapag hindi ko pa sinabi sa kanya sigurado susumpungin na naman sya ng Gangsterism nya. Yon ang tawag ko sa sakit nya.
"Eh kasi..." bulong ko.
"Ano?" naiinis na tanong nya pero sa kabila non nahimigan ko ang pag-aalala sa boses nya.
"Lumapit ka."
Tumaas yung isang kilay nya pero lumapit sya sa'kin. Binulong ko sa kanya yung sitwasyon ko. Nang matapos na, kitang kita ko yung pamumula ng mukha nya. Kasalanan mo yan. Nagtanong ka kasi.
"Oh." Napahawak sya sa batok nya.
Pft! 'Oh' lang ang nasabi nya. Nahihiya sya. Ouch! Ang sakit parin, pero kahit papano nabawasan na. Eh kasi naman si TOP masyadong gwapo. Nakaka-distract ang kagwapuhan ni TOP kahit sa sakit.
BINABASA MO ANG
Talk Back and You're Dead!
RomanceSimple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero nagulo ang buhay niya nang makilala niya si TOP; isang notorious na gang leader sa lugar nila. At d...