Chapter Fifty

22.1K 675 288
                                    

Chapter Fifty

"Reeed.." lasing na tawag sa akin ni Samantha.

"Bakit?" tanong ko.

"N-Nasusuka akooo."

Ibinaba ko sya mula sa likod ko. Sumuka sya sa may puno. Kalalabas lang namin sa isa pang bar. Doon sya nagpakalasing. Hindi ko sya pinigilan, kailangan nya 'yon. Pero ngayon hinihiling ko na sana pinigilan ko nalang sya, masyadong naparami ang nainom nya. Madali pala itong malasing. Kailangan ko pa syang buhatin sa likod ko dahil hindi na nya kaya ang sarili nya.

"Tapush naaa." Pinunasan nya ang bibig nya gamit ang likod ng kamay nya.

Nilapitan ko sya at pinunasan ang bibig nya gamit ang panyo ko. Pinunasan ko rin ang kamay nya. Itinapon ko ang panyo sa malapit na basurahan.

"Sumakay ka na ulit sa likod ko."

Umupo ako para makasakay sya sa likod ko. Ang gaan nya. Parang hindi nakain. Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad habang nasa likod ko sya.

"Samantha magaling ako magluto. Kapag naging asawa kita, patatabain kita."

"Shii Shop jin magaaaling maglutooo...hik"

Shop? Shop? TOP?

"Tsk! Kalimutan mo na sya. Sabi ko bawal sya banggitin ngayong araw."

"Pero mahaaaal ko syaa hik!"

"Ako ang fiance mo. Kalimutan mo na sya."

"Salbahe sya! Salbaheee. Na..hik! Nakita ko syaa kaninaa may k-kasamang linta! Salbahe! Sal..hik! Salbahe sya!"

"Kapag ako napangasawa mo bibigyan kita ng maraming bulaklak. Araw-araw."

"Ayukuuu!"

"Ayaw mo? Ano'ng gusto mo?"

"Play...boy ka! Hihihihi!"

"Ano'ng gusto mo?" tanong ko ulit. Hindi na sya sumagot. "Nakatulog na."

Isinakay ko sya sa kotse ko. Kailangan ko na syang iuwi sa kanila. Habang nagmamaneho ako, hindi ko masyadong pansin ang sarili ko na nililingon si Samantha. Nang muntik ko nang maibangga ang kotse ko sa isa pang paparating na kotse, doon lang ako natauhan. Kakalingon ko sa babaeng kasama ko muntik na kaming maaksidente. Ipinilig ko ang ulo ko. Pinilit kong hindi lingunin si Samantha.

Pagdating namin sa tapat ng bahay nila hindi ko muna sya ginising para bumaba. Tinitigan ko lang muna sya. Mukhang hindi sya nakatulog kagabi. Ako rin naman. Pero mas malala ang problema nya kaysa sa'kin.

"Takte. Sabi ko hindi kita hahayaan na masaktan pero unang araw palang natin umiyak ka na kaagad."

Para syang babasagin na manika. Nakakatakot hawakan dahil baka mabasag kung hindi iingatan. Maganda sya. Napaka-inosente ng mukha. Mukha syang anghel na natutulog.

"Hindi ko alam kung gaano kalalim ang sugat na naiwan sa puso mo Samantha." Inayos ko ang buhok nya na nakatakip sa mukha nya. "Kung kaya ko lang ilipat 'yan sakin, ginawa ko na."

Kahinaan ko talaga ang mga babae. Lalo na ang mga inosente. Kaya hindi ako nalapit sa mga babaeng inosente eh. Madali silang masaktan. Mabilis lumuha, mabilis masira.

"I'm sorry Samantha." Unti unti akong lumapit sa kanya at hinalikan ko sya sa labi. "Simula ngayon gagawin ko na ang dapat ginawa ko noon pa."

MIRACLE SAMANTHA PEREZ

"Langya ka Red, ang sakit ng ulo ko," reklamo ko sa kanya habang hawak ang ulo ko.

"Kasalanan mo 'yan. Bakit ka kasi uminom nang napakarami kung hindi mo naman pala kaya?"

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon