Chapter Thirty-Eight

21.7K 746 78
                                    

Chapter Thirty-Eight

December na. Ang bilis ng panahon. Inangat ko ang tingin ko mula sa librong binabasa ko. Tinignan ko si Amarie habang nakikipag-usap sya sa mga kaklase namin. Masaya sya.

"At pagkatapos ano na nangyari?"

"Ibinili ako ni Mama ng bagong kotse!"

"Wow! Ang galing naman!"

"Oo nga eh! Excited na nga akong gamitin!"

"Pasakay kami ha!"

"Oo naman!"

"Ano'ng mukha 'yan Sammy?" sa kabila ng ingay sa classroom ay narinig ko si Maggie.

"Wala!" nagtakip ako ng mukha habang nakapatong ang dalawang siko ko sa table.

"Mukhang ang dami nang friends ni Amarie ah.." sabi ni Michie.

"Sikat na talaga sya ngayon since naging part sya ng club namin.." sabi ni China.

"Haaayy..." buntong hininga ko. Ipinagpatuloy ko na ang pagbabasa ko.

Ang dami nyang kaibigan. Parang nalampasan na nya ang popularity ko. Ang dami na nyang naagaw sa'kin. Para syang baguhan na artista na biglang susulpot at aagawin sa big star ang spotlight. Dapat na syang mawala sa landas ko. Masyado nang maliit ang mundo para sa aming dalawa. Kailangan ko na syang idespatya. Tama. Kailangan ko na syang patayin. Lasunin ko na kaya? O barilin? Lunurin? Buhusan ng asido? Kailangan malinis ang trabaho. Mag-hire kaya ako ng hitman? Madami naman akong pera. Kaya ko 'yon gawin.

"Uy Sammy! Ano 'yan?" tanong ni Michie.

"Libro, pahiram sa'kin ni Audrey," sagot ko.

"Uhh... Tungkol saan?"

"Tungkol sa isang babaeng obsessed sa kasikatan at handang patayin kahit sino."

"Waah! Katakot naman yan!"

Oo nga eh. Si Audrey kung anu-ano ibinibigay sa'kin. Adik 'yun. Hindi na nga pala kami magkaaway ni Audrey. Di kami ganon ka-close pero nag-uusap naman kami. Simula nang mailabas nya ang galit nya sa'kin dati sa gym, naging okay na kami. Sya parin ang number one sa ranking. Ako ang number two. Ang mga estudyante dito natutunan na rin akong tanggapin. Yung bago at totoong Samantha.

"Grounded ka parin ba Sammy?" tanong ni Michie.

"Oo yata." Isinara ko ang libro. Di ako makapag-concentrate sa binabasa ko.

"Oh? Di ka sigurado?" tanong naman ni China.

"Mag-sleep over tayo sa house mo Sammy. Isama na natin si Amarie," alok ni Maggie.

"Oo nga, sa bahay kasi kaming tatlo lang tsaka si Yaya mo."

"Sa bahay nating apat? Bahay na nating apat ang bahay na iniwan ko sa inyo. Hindi bahay 'ko' lang," sagot ko.

"Haha! Kaw talaga Sammy.. O sya bahay nating apat!" sabi ni China/

"Sama ka sa sleep over!" excited na sabi ni Michie.

"Oo nga, di ka ba papayagan ni Kuya mo?" tanong ni Maggie.

"Nasa Palawan sya ngayon, inaasikaso ang Hotel namin 'don. Pero pinagbawalan nya ako na lumabas pa ng bahay after class. Kailangan bahay at school lang ako."

"Ay? Taray naman ng Kuya mo, gumaganon?"

"Takas ka nalang Sam!"

"Tatakas si Sammy? Di'ba masama yun?"

"Di no! Sabi nga ni Lee, sa bahay at school lang si Sammy. May sinabi ba sya kung kaninong bahay? Wala naman diba?" palusot ni Maggie.

"Oo nga no! Wow! Ang talino mo Maggie!" sangayon ni Michie.

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon