Chapter Twenty-Seven
"Mommy subo," sabi ni Tommy, katabi ko sa silya.
"Ano?"
"Subo."
"Subuan mo raw sya" sabi ni TOP, katabi nya si Lenny.
"Hindi ba sya marunong kumain ng mag-isa?"
"Miracle," warning tone.
"Hindi mo ako madadaan sa Miracle mo na 'yan."
"Mommy subo. Ahh.." binuka nya yung bibig nya.
Ano'ng akala sa'kin ng batang ito? Maid? Hindi ako ganito ka-spoiled sa parents ko. Kailangan nilang matutong maging independent kahit bata pa. Para sa sarili rin nila ito. Para hindi sila umasa paglaki. Para masanay sila. Para kahit iwan sila, kaya nila.
"Ako nalang ang magsusubo sa'yo Tommy," prisenta ni TOP.
"Ayaw! Gusto ko si Mommy!"
"Hindi ako ang Mommy mo."
"M-Mommy." Hala, nag-teary eyes na naman.
"Ayoko sa mga iyakin," sabi ko.
Pinigilan nya ang iyak nya tapos kumain na sya. Na-guilty naman ako nang kaunti. Kaunti lang. Pagkatapos kumain. Kinausap ako ni TOP. Mukhang papagalitan yata ako. Nasa sala yung mga bata.
"May problema ka ba?" tanong nya sa'kin.
"Wala," hindi makatingin nang diretso na sagot ko.
"Then why are you so mean to them?"
"Mean? Ako?"
"Oo."
"Ayoko lang talaga sa mga bata."
"Ano?"
"Hindi ako mahilig sa mga bata TOP."
Natahimik sya. Ang mukha nya, hindi ko mai-describe ang reaksyon. Mukha syang nagulat. Tapos kumunot ang noo nya. Then napahawak sya sa batok nya. Tumingin sya sa taas na parang nag-iisip. Tapos tumingin ulit sya sakin.
"Pano yung mga magiging anak natin? Ayaw mo rin sa kanila?" ang facial expression nya habang sinasabi 'yon ay parang bata na kinawawa.
Haay Hubby, ang advance mo mag-isip. Napailing nalang ako.
***
Kinabukasan.
"TOP pupunta ba ulit dito yung mga bata ngayon?" tanong ko habang tinitiklop yung kumot.
"Hindi. Pumunta sila sa hospital ngayon.." kumukuha sya ng mga damit sa closet.
"Ahh.."
"Miracle, mauuna na ako sa shower, hwag kang papasok," bilin nya sa'kin.
"Adik ka ba? Tingin mo sakin? Hindi ako katulad mo 'no!"
"Naninigurado lang." -___-
"Baliw!"
At pumasok na sya sa loob ng banyo. Ako naman natatakot bumaba. Baka kasi multuhin ako. Hinintay ko lang si TOP matapos mag-shower kasi ako naman ang susunod na gagamit. After fifteen minutes lumabas na rin sya, nakabihis na.
"Oy hintayin mo ako ha! Dyan ka lang! Hwag kang lalabas ng kwarto," bilin ko kay TOP.
"Oo na."
"At hwag ka rin papasok sa loob!" >__<
"Hindi ko gagawin yun." -___-
"Uhuh. Behave!"
"I'm not a dog."
BINABASA MO ANG
Talk Back and You're Dead!
RomanceSimple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero nagulo ang buhay niya nang makilala niya si TOP; isang notorious na gang leader sa lugar nila. At d...