Y/N
Nandito ako sa concert nila, Kanina lang ako sigaw ng sigaw, First time ko kasing masilayan sila harap harapan, Nang innannouce na na aalis na sila ay dali dali akong pumunta sa harapan.
Pero syempre hindi lang naman ako yung gustong kumuha ng pictures, Wala kasi akong nakuhang pic sakanila kasi nasa bandang likod ako naghihintay at ang sikip sikip pa, ang hirap makalapit sakanila, Ang daming tao.
Nang nakadating na ako sa harapan ay hindi ko maalis yung ngiti ko sa mukha ko, Ang ganda ganda nila masyado.
"M-!" Isisigaw ko sana yung pangalan ni maloi kasi sya yung pinakamalapit sakin ng bigla akong hinatak, Sanhi ng pagkaupo ko sa sahig.
"Aray ko po" Bulong ko habang hinihimas-himas yung pwet ko.
Napansin kong biglang lumayo yung mga tao sa paligid ko at may naramdaman akong kamay sa braso ko.
"Jusko ano ba kayo, Wag kayo mag tulakan"
Paghangad ko ay bumungad agad yung mukha ni maloi na alalang-alala.
Hinawakan nya yung braso ko at pinatayo, Bigla tuloy akong nahiya ng mapansin na nakatuon lahat ng camera sa'min.
"Okay ka lang?" Tanong nya habang hinihimas himas yung kamay ko while dusting my clothes, talagang kitang kita mo yung alala sa mukha nya.
Hindi agad ako nakasagot, Minasdan ko muna yung mukha nya, ang ganda.
"Ang ganda mo" Bigla kong nabigkas.
Natawa ito at napatago sya ng ngiti nya gamit kamay nya.
Mas lalong lumaki yung ngiti ko "Okay ka lang ba?" Tanong ulit nito at tumango ako ng mabilis, sino ba namang hindi magiging okay eh ang lapit lapit ng idol mo.
"P-picture?" Nangingig yung boses ko habang inilapat yung selpon ko sakanya at tinanggap naman nito.
Itinaas nya yung selpon ko at bigla nyang hinawakan yung waist ko at hindi ko mapigilang kiligin at manigas, sino ba namang hindi?
Kukunin ko na sana yung selpon ko ng bumulong ito "Ang ganda mo rin, Sana magkita pa tayo" Bago sya umalis ay nginitian muna nya ako, Parang hindi ko na marining ang mga sigawan ng kapwa fans sa likod, Parang nanghihina yung mga legs ko at feeling ko ang pula pula ko na!
YOU ARE READING
BINI IMAGINES
FanfictionLoads of bini girls x fem reader imagines/oneshots #Taglish