Y/N
Hindi ako mapakali sa kama, Kanina pa ako paikot ikot, Hindi kasi mawari ang isipan ko ky colet, Nagseselos kasi ako sa isang fan na nakita ko sa isang video kagabi at ayon, Nagaway kami malala, Hindi pa sya umuuwi at hindi kami nagchachat hanggang ngayon.
"Ugh!" Tumalikod ako at tinignan kong saan sya humihiga dito sa kama, I touched the bed and then went to grab her pillow before hugging it tightly.
"Ano ba? Ba't namimiss kita?" Tanong ko sa sarili habang yakap yakap ang unan, Naroon parin kasi yung amoy nya.
Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ko sakanya kagabi.
- Kagabi -
"Ano ba!?" Sigaw ko ng naramdaman ko yung kamay nya sa kamay ko.
"Mahal! Yung nakita mo ay wala talagang meaning yun, Trabaho lang yun- mahal please lang wag muna tayo mag away" She pleaded, Hinihimas himas nya yung kamay ko.
"Grabe namang trabaho yan, Colet" Naiinis kong sabi "Ba't may halik sa ulo ha!?" Tanong ko na may halong inis at labis na selos.
"Wala raman to gud!" Nag bisaya sya at napakunot lalo yung noo ko.
"Oh ba't nag bibisaya ka? Minumura mo yata ako eh" Lumayo ako sakanya.
"Mahal ANO BA!?" Sigaw nito "Trabaho lang yun please, sige ka pag ako umalis" Banta nya.
"Edi umalis ka" Sabi ko, Pero agad naman akong nanghihinayang nang makita ko ang mukha nya na gulat na gulat.
"Okay" Kinuha nya yung selpon nya at yung cap nya tsaka na rin yung wallet nya before sya pumunta sa pinto.
Hindi sya lumingon at wala syang sinabi habang umalis na sa condo, At ayon na nga, wala na sya sa tapat ko.
-Present-
Naiinis ako kasi alam ko na kasalanan ko yung nangyari, Sino ba namang hindi magseselos eh COLET BINI na yung girlfriend mo.
Bumugtong hininga ako bago tumayo at sinuot yung slippers ko at pumunta na sa kusina para uminom ng tubig, Madilim ang paligid dito sa condo at sobrang tahimik dahil magisa lang ako dito.
Iinom na sana ako ng tubig ng biglang may tumonog sa pintuan.
Naalerto ako kaya dahan dahan kong pumunta sa main door dito.
"Mahal?" Narinig kong pagtawag ni colet.
Tatago sana ako nang biglang bumukas yung ilaw sa kusina na asan ako.
"C-colet? You're here" Sabi saka ko nilagay yung baso na daladala ko sa counter.
Nagulat ako nang makitang may dala itong malaking bouquet ng sunflowers, Ningitian nya ako bago nya inilagay yun sa coffe table tsaka dahan dahan akong nilapitan.
"Hindi ba pwedeng umuwi ako sa condo natin? Uhm I can leave right now if you want" Ani nya.
"Nag bibiro kaba?" Tanong ko, ngayon nasa tapat na sya, Isang hakbang nalang ay magkadikit na kami ng katawan.
"I'm sorry" She said under her breath but it was still audible for me.
"No, I should be the one na mag sorry, Ano lang kasi... Alam mo naman diba na madali lang ako magooverthink tsaka sino ba namang hindi magagalit sa ganon" Kunot noo ko syang tinignan.
"Alam ko at, Pasensya na mahal kasi nalakasan kita ng boses, Hayaan mo, Babawi ako sayo" Tsaka nya hinawakan yung bewang ko at hinalikan ako sa pisngi ng matamismis.
"Mahal kita alam mo yan" Dagdag pa nya.
"Alam ko, Mahal kita ng sobra at salamat sa bouquet" Bulong ko sakanya.
Ilang minuto kaming nagyakapan ng bumulong ako "Its night na, Tara sa kama?" I fiddled with her shirt at bahagya itong natawa, Natawa narin ako at hinila nya ako sa kwarto ng mabilis.
Okay ba?
Please vote babe, So that I can be more motivated to write.
YOU ARE READING
BINI IMAGINES
FanfictionLoads of bini girls x fem reader imagines/oneshots #Taglish