Mikha x Fem reader

2.1K 54 3
                                    

Y/N

Pumasok ako sa loob habang daladala ang tatlong pizza, Nagaya kasi yung mga girls na mag girls night raw, Eh sakto hindi batak yung schedule ko kaya nakapasya nalang akong pumayag na.

"Mikha?" Sigaw ko habang hinuhubad yong sapatos ko.

"Bub, Buti nalang nakarating ka" Tinulungan nya'kong dalhin yung mga pagkain.

Pagpasok ko sa sala ay ang tahimik ng bahay.

"Saan sila?" Nilagay ko yung bag ko sa couch.

"Ah yung girls? Namili ng grocery para ngayong gabi, Eh sasama sana ako kaso baka dadating ka at maabotan mong walang tao rito" Natawa sya habang nilagay yung pizza sa ref "I-microwave nalang natin 'to mamaya" Dagdag pa nya at napatango ako.

"Ah tsaka mahal, Baka hindi ako makapunta dito next week, May shooting kasi kami, baka hindi tayo makabonding" Umupo ako sa couch before ko kinuha yung phone ko sa bag.

"Okay lang bub, Busy rin naman kami next week" Umupo ito sa tabi ko at inakbayan ako, Alam na naman nung girls na kami na for almost 1 year pero si mikha hindi sya talaga sweet maliban nalang kong kami lang dalawa, kapariha ngayon.

Ilang minuto na ang lumipas ay wala parin yung girls kaya nabobored na'ko, Inilagay ko yung selpon ko sa bag bago ako yumakap sakanya.

Tinignan ko yung gawi nya, Nagseselpon lang ito habang yakap ako dito sa couch.

"Mahal" Tawag ko.

"Hmm?" Tunog nya.

"Mamaya kana mag selpon, lambingin mo'ko" Nahihiya kong sabi, Pero wala namang makakarinig samin kasi kami lang naman dito, I mean makakarinig sakin magpababy.

Natawa ito bago inilagay yung selpon nya sa coffe table sa harap namin at niyakap akong mahigpit.

"Miss kita" Isinubsob nya yung mukha nya sa leeg ko.

"Bango mo talaga" Puri ko habang hinahalikan yung ulo nya.

Natawa itong bahagya.

"Bub ko, Kapag hindi na tayo busy, Mag travel tayo ah?" Nagulat ako kasi bigla syang nagbaby talk, first time ko kasing marinig syang magsalita ng ganito.

"Huy, Anyare sayo? Pero Oo naman, Travel tayo" Hinalikan ko uli yung ulo nya at napayakap pa sya ng mas mahigpit.

"Kiss" Hindi ko marinig yung sinabi nya kasi nasubsob ito sa leeg ko.

"Ano?" Tanong ko.

"Mghkiss" Tunog pa nya.

"Mahal, Umayos ka nga, ano yun?" Tanong ko ulit.

"Sabi ko kiss mo'ko" Inangat nya yung ulo nya at kita kong napakunot ito.

Natawa ako bago ko hinalikan yung gilid ng labi nya, Ngumiti ito ng matamis, Pero bigla na lang nagiba yung tingin nya sakin.

"Ano na naman?" Tanong ko.

"Bub..... Wala namang tao oh" Ani nya.

"H-huh?" Namula ako.

"Sige na" Tinangka nyang i-unbutton yung blouse ko pero napatigil sya dahil umupo ako bigla.

"Mikha naman" Saad ko pero halatang ang init ko na, Pinatay ba yung AC?

Wala syang sinabi nang itinulak nya ako sa couch at napahiga ako uli, Hinalikan nya yung pisngi ko dahilan sa pag init ko ng lalo.

"Mahal teka lang ah! Nakikiliti ako!" Natawa ako ng bigla nyang halikan yung leeg ko.

"Mikha- Ah!" Mas tumili ako nang inilapit nya yung labi nya sa tenga ko.

"I love you" Bulong nya, Halatang nakangiti ito, Ibinalik nya yung mukha nya sa harap ko at ngumisi ako ng makita ko yung maganda nyang mukha, lalo na yung makapal nyang kilay, sarap i-shave.

"I love you too-"

"Huy! Anong nangyayari dito!?" Biglang sigaw ni maloi at mabilis na tumayo si mikha at ako naman ay mabilis na inayos yung buhok ko, nandito na pala sila.

"Walaaaa" Sabi ni mikha habang pumunta sa kusina.

Ngumiti ako, Kaloka.




















































One chance lang mikha lim
Please suggest other scenes, thank you

BINI IMAGINESWhere stories live. Discover now