FELIZ'S POV
Grabe ang bilis lang talaga ng panahon.
Kung dati sipunin at dugyutin pa ako, aba'y sinong mag-aalalang graduating na ako ngayon.
Nakakainis lang kase marami ako ngayon tinatapos na requirements para makapagtapos.
Haysss..
Kung wala lang siguro umaasa sa'kin at walang tigil na suporta ng mga kaibigan, bata at nila Nana Leyla ang punong Madre sa bahay ampunan na siyang nagpalaki sa'kin ay siguro matagal na akong pinaghinaan ng loob.
Buti nalang at nariyan silang lahat para payuhan at gabayan ako, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil doon.
RULE #3: SURROUND YOURSELF WITH SUPPORTIVE PEOPLE AND STAY POSITIVE
Nandito ako ngayon sa maliit na kuwarto ko sa bahay ampunan.
Ngayon lang ulit ako mag-isa dahil kailangan ko kaseng magfocus sa ginagawa ko.
Kasalukuyan akong nagrerevise ng Research namin ng biglang may kumatok sa pintuan.
"Feliz.." Boses ng babaeng pinakamamahal ko.
Tumakbo ako mula sa kinauupuan ng makita ko siya sa bukuna ng pintuan.
"Nana Leyla!"
Naiiyak akong yumakap sa kaniya ng mahigpit na parang ialang taon kaming di nagkita.
"Ikaw talagang bata ka, hanggang ngayon iyakin ka parin.." biro naman nito.
Kumalas naman ako sa pagkakayakap sakaniya bago punasan ang luha mula sa'king mga mata.
"Ehh..Ang tagal niyo po kaseng bumalik. Alam niyo naman po na hindi ako sanay na wala kayo rito sa Orphanage."
Nagkunyarian pa akong nagtatampo.
Bigla naman ako nitong kinurot sa pisngi na parang bata.
"Susss...dalawang buwan lang naman ako sa Bicol, at saka huwag kanang magtampo sa'kin."
Napangiti naman ako sa sinabi niya, Oo 2 months siya sa Bicol. Isa kase siya sa mga Madreng nadestino sa ibang lugar upang ibigay-alam sa mga tao ang mga salita ng Diyos at paghahanda para sa muling pagdating niya.
Aaminin kong hindi ako relihiyosong dalaga kahit na lumaki't namulat ako sa ganoong kagawian at karelihiyosong nasasakupan.
But don't get me wrong, I believe in God.
"Ito pala.. may pasalubong ako!"
Bigah niya sa'kin ng Pili Nuts na niluto sa asukal na nakalagay sa isang supot.
Natakam naman ako rito.
"Mukhang masarap po ito, Nana."
Tumango nmana ito at napangiti sa sinabi ko.
"Oo..masarap talaga yan Hija, iyan ang isa sa mga pinagmamalaking produkto ng syudad ng Sorsogon."
"Sa Sorsogon po kayo Nana nadestino?"
"Oo Hija, kung kaya't naki-tikim narin ako kila Sister Mercy ng binili nilang pili nuts."
Di na ako nakapag-antay na't binuksan ko nga ang supot at sinimulang kainin ito.
Natuwa si Nana Leyla sa'kin at nagustuhan ko ang pasalubong niya. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na itong umakyat sa kaniyang kuwarto upang magpahinga.
Ako naman ay nagpatuloy narin sa pagrerevise ng Chapter 2 ng research namin. Dito kase ako nakatoka kaya kailangan kong ayusin ito.
...........
BINABASA MO ANG
Flowers For Him
RomanceFlowers For Him Every day, he received a flower from a secret admirer. Who was it from, and why him?