CHAPTER 11

13 1 0
                                    

Hello!!🤧 So ito na nga yung update ko ulit. Huhu.. Sorry na di ko atupad Yung promise ko. Nagkasakit kase Author niyo. Pinagbawalan ako ni Mother Earth mag cellphone at saka nag-start narin Yung klase namin. Pero ito na nga yung hinihintay niyo!!🤭 Sana magustuhan niyo itoo. Thank you sa lahat😘🤍





Continuation of what happened for the last 2 weeks..

Matapos ang nangyari nung isang gabi ay mas lalong naging desperada akong gumawa ng paraan para mapaghiwalay na sina Kevs at yung bruha.

Di ko ata kakayanin na makitang kinakawawa si Kevs ng isang yun.

Kaya ggayong araw kong naisipan.. pinagisipan talaga, na... magpakunsulta kay Paulo.

Well, di naman siya doktor... Pero maalam siya sa mga advice at alam kong kailangan ko yun ngayon.

Noong isang araw kase na binalak kong bisitahin sila ay saka naman akong muntik na mapahamak.

Hays..Buti nalang talaga at may mga taong mabubuti parin ang kalooban sa panahon ngayon.

Busy ako sa kakascroll ng cellphone ngayon dahil sa mga na missed out ko na mga requirements para sa school.

Lex Sent A Message*

Lex: Huy! Pumunta ka sa school bukas ng hapon. Kailangan natin mag-attend ng isang klase ni Mr. Dela Vega para ipasa niya tayo. Kung di ka pumunta, lagot kana talaga. Mwah, misshu😘

Lumaki kaagad ang mga mata ko sa nabasa.

Ni-replyan ko naman siya na pupunta ako bukas. Naku mahirap na. As a graduating student kailangan kong maipasa lahat ng subjects ko. Kailangan ko ring i-maintain na di makakuha ng 2.0 sa card para makapasok ako sa pagkakaroon ng Latin honors.

Bachelor of Science in Hospitality Management and napili kong course sa college. Mag-nursing sana ako kaso wala pa naman inoofer ang university na malapit sa'min. Kung kaya't wala akong naging choice kung hindi tanggapin ang kursong ito.

Pakababa ko mismo ng eskinita ay tanaw ko na kaagad ang flower shop nila Paulo. Himala maraming customer ata ngayon.

Di ako nagdalawang-isip na pumasok sa loob kahit na halos nakikipagsiksikan narin ako upang makapasok.

Ano ba kase ang meron?

May sale ba sila or papromo?

"Mr. Owner, anong name ng flower na'to?" Pabebeng tanong ng isang dalaga na tinuturo yung sunflower.

Jusko. Pati naman ba sunflower? Di niya alam?

"Isang Mirasol ang mga iyan." Natatawang sagot ni Paulo dito.

Mukhang kinilig naman ang dalaga dahil sa pagsagot ni Paulo.

"Ito po? Anong name nito?" Namumulang tanong ng isa.

Nakita ko namang nspakamot si Paulo sa kakulitan ng mga dalaga.

"Naks naman. Bentang-benta ka ngayon ah" Ani ko sabay tapik sa likod niya.

Gulat naman itong napatingin sa'kin.

"Feliz!?" Tila di makapaniwalang tingin sa'kin.

"Aray! Di naman kailangan sumigaw!" Sabay hawak ko sa magkabilaang mga tenga ko.

"Ay..sorry naman, ba't ba kase ngayon kalang nagpakita rito? Tsyaka.. alam mo bang-" putol sakaniya ni Mang Severino.

"Hija!, nagkasakit kaba? Napano kana? Ba't ngayon mo lang ata nabisita ulit ang shop?" Tuwa at pag-aalala ang namutawi sakaniya nang makita ako ulit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Flowers For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon