MCBF (CHAPTER 10)

294 10 3
                                    

"Ate, can you do me a favor?" Tanong ni Froi. Nasa living room kami at nanunuod ng movie. Libangan talaga namin tong magkapatid pag walang pasok at kapag wala kaming lakad.

Nilingon ko sya. Nakaconcentrate sya sa panunuod. "Hmm, depende sa favor bro." Sabi ko. This time, sya naman ang lumingon sa akin. He looks problematic. Nag-alala tuloy ako. "Hey, what's wrong? Bat ganyan mukha mo? What happened?" l'm about to panic ng bigla syang ngumiti. Nalito tuloy ako. "What?"

"Kasi ate, sinagot na ako ni... " Hindi nya na naituloy yung dapat nyang sabihin kasi biglang may nagdoorbell. "Oh, now what? Are you expecting visitors today?" Tanong nya sa akin. Umiling lang ako. Akmang tatayo na sya ng bigla ko syang pinigilan.

"Ako na. Baka si Brianna na naman yan. Alam mo naman yun." Tumango lang sya. Ako naman tumayo na para tignan kung sino ang tao sa labas. Tumunog ulit ang doorbell. "Coming!" Sabi ko nung malapit na ako sa gate. Medyo nagulat lang ako ng makita ko kung sino yung nagdodoorbell. I was not expecting this. But I'm glad na nadalaw sya. Nahalata siguro nya na nagulat ako kaya yumuko sya. "Hey, halika na sa loob. I'm glad you came. Buti naman at nadalaw ka. Come inside. Mainit dito sa labas." I said happily. Pero nakatayo parin sya at parang nahihiya. "Come." Sabi ko at hinila ko na sya papasok ng bahay.

Hawak ko parin ang kamay nya nang pumasok kami sa loob ng bahay. Nakita ko si Froi na nanunuod at pinapapak ang fries tsaka cookies na ginawa ko. Naramdaman nya atang may tao sa likod nya. Sinenyasan ko naman ang katabi ko na wag maingay. Ngumiti sya at tumango.

"Ate, sino yun? Si Ate Riri ba? Lalabas ba kayo?" Tanong nya ng hindi lumilingon.

"Ah, no. Hmm, ano nga pala yung sasabihin mo sana sa akin kanina?" Balik ko sa usapan namin.

"Ahhh. Kasi ate, yun? Ahmm."

"Ano nga yun?"

"Kami na po ni Jhane. Sinagot nya na ako ate." He said proudly.

"Ohhh. Really, kid? Congrats! I'm so happy for you." Totoo yun. Masaya ako para sa kapatid ko. Alam ko kasing seryoso talaga sya kay Jhane. Kinindatan ko ang katabi kong nakatayo sa likuran nya. Ngumiti naman sya na parang naiilang.

"Oo ate! Alam mo, sobrang saya ko talaga. Alam mo namang mahal na mahal ko si Jhane ate. She's perfect for me. Sya lang niligawan ko ever since. Akala ko nga wala akong chance eh. Pero ate, hindi ko maexplain ang saya ko nung sinagot nya ako. It was like magic. Corny ko ba? Whatever. Basta all I know is that I really love her." Mahaba nyang sabi. This time, sinenyasan ko na ang katabi ko na sya naman ang magsalita. Ngumiti sya sa akin at lumapit ng konti sa likuran ng sofa kung saan nakaupo si Froi. After 10 seconds, nagsalita na rin sya.

"Iloveyou too, Froi Gion Gonzaga."



-------------------------------------------------



"Iloveyou too, Froi Gion Gonzaga."

Napapitlag naman ako sa sinabi ni Jhane. But at the same time kinilig ako. Napabalikwas naman si Froi sa sofa. Surprised by those words. Bigla syang nataranta na hindi nya alam kung anong una nyang gagawin. May pagkain pa kasi sa bunganga nya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at natawa ako ng sobra dahil sa reaksyon ng kapatid ko. Humagalpak talaga ako ng sobra. Feeling ko mamamatay na ako kakatawa.

"Ate! Why didn't you tell me?" Tanong sa nya sa akin na may halong inis. Tawang-tawa parin ako sa kanya.

"Surprise!" Sagot ko. Kinindatan ko naman si Jhane na lumingon sa akin. She smiled. Widely.

"Uhm, gusto talaga kitang isurprise. Sabi mo kasi gusto mong mameet ko family mo. Kaya I've decided to visit you today." Explain naman ni Jhane. Halos pigil ang tawa nya kay Froi.

"You're so sweet but next time magsabi ka pagpupunta ka dito, Beb. Hindi man lang ako nakapag-ayos. Look at me." Sabay turo nya sa sarili.

"Why? What's wrong? Mas gusto ko nga yang ganyan ka lang eh. Just a simple shirt and shorts. Ngayon nga lang kita nakitang nakapangbahay eh." Ngumiti sya ng mapang-asar. At mukha namang naasar ang kapatid ko. HAHAHAHAHAHA!

"Ohhh. Oo na. You won." At lumapit sya kay Jhane. At hinagkan nya ito sa noo. Sweet eh? Hohoho. "I'll just fix myself. Labas tayo?" Tanong nya kay Jhane. Pero sumabat ako.

"Nope! Both of you, you're not going anywhere." Bumaling ako kay Froi. "Kid, she's here to meet us properly. Wala pa si Mom. Hihintayin natin sya hanggang sa dumating." This time, kay Jhane naman ako bumaling, "You stay here, okay? Dito ka magdidinner. Magluluto ako. I'll bake some cookies for you to bring home. And I won't take no for an answer." I smiled sweetly.

"Okay ate. No problem po." Magalang nyang sagot.

"Seeee! You'll be cooking? Specialty? Yay! Ate damiham mo yung cookies ha? Thanks!" At kinindatan ako. "Akyat lang ako para magpalit. Ate, ikaw muna bahala kay Jhane." Bilin nya.

"Sure. Just go. Mabaho ka na eh." At tumawa na naman ako ng malakas. Nakitawa na rin si Jhane.

"Ate naman eh." Reklamo nya. Tawa parin ako ng tawa. Umakyat na sya sa kwarto nya para maligo. Naiwan kami ni Jhane sa sala.

-------------------
May part 2 to. Tinamad na naman po utak ko. HAHAHAHAHAHA! Mua :*

My Chick BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon