MCBF (Chapter 1)

1K 23 0
                                    

"Mao, papasok ka ba anak? Baka malate ka nyan. Nakahanda na ang breakfast mo. Lalamig iyon."

Nag-inat ako. Medyo masakit pa ang katawan ko dahil sa school activities kahapon. Foundation sa school kaya sumali ako sa Dance Contest tsaka ilang Games at Sports. Sayang naman kung di ako magpaparticipate. Enjoy kaya yun! Plus nanalo pa kami. Paid off! ^_____^

3rd Year na ko sa Course na Culinary Arts. Oo. Gusto ko kasing maging Chef... Gaya ng namayapa kong Ama. Para sa akin, he's the best Chef ever. Dad came from a middle class family. Eldest sa kanilang lima. A very strong man. Wala stang inaatrasan at inuurungan basta't alam nyang nasa tama sya. He could have been a great lawyer kung sinunod nya lang si Lolo Franco. But just like my father, Matalino din naman ako. Active din sa school. Scholar. At syempre, may talent! Hilig ko talagang sumayaw. Pero mas pinili kong mag-concentrate sa pag-luluto para sa Ama ko. May ilang Restaurants si Dad na active pa ngayon, at yun ang tanging pamanang naiwan nya sa amin. His Restaurants and Values in life.

It's been 7 years since namatay si Dad. He died in a car accident. It was so heart breaking. and I was so young then lalo na ang kapatid ko. Mas mahirap sa part ni Mama. They were like BestFriends. Ang perfect ng relationship nila. He's a perfect father for us. Lahat, ginagawa nya para lang mabigay ang luho namin, which we don't ask naman. Sabi nya kasi, gusto nyang iparanas sa amin ang mga bagay na di nya naranasan noon. That thought. It melts my heart. Awww. We're so lucky to have Him in our life. Yes! Kasi para sa amin, buhay pa rin si Dad. He won't die in our hearts. Hayyy. Dad! Miss na kita... Sobra ;(

Actually, di naman kami sobrang yaman. Just enough for our needs and wants. May luho din pero we know our limitations. Si Mama na lang kasi ang bumubuhay sa amin. Madiskarte yang si Mama. Negosyante din. May Gown Botique sya. Marami na ding branches dito sa bansa. And I guess, may ilan na din outside the country. She came in a wealthy family pero di sya umasa doon. Nagsikap sya through her own sweat and blood. Hayyy! Lucky us! Great parents. They met sa isang bookstore. And the rest is history.

Panganay ako. Dalawa kaming magkapatid. Yung bunso e 2nd Year High School na. Si Froi Gion Gonzaga. Artist yun kaya rumaraket na. Maluho kasi. Daig pa ako. -_____- Pero matalino din gaya ko. Mana sa akin. ^_____^

Natigil ang flashback sa isip ko nang maalala ko si Mama. "Opo, Ma! Mamayang 1pm pa po first class ko." Sagot ko kay Mama na medyo aligaga.

"Osya, maaga pa pala. Matulog ka na muna at pagod ka pala kahapon. Okay? But don't skip your breakfast. Pupunta ako ng Antipolo at bibisitahin ko yung papatuyaan ng branch doon. I'll go ahead. See you tonight, Dear! Take care!"

#MedyoBusy si Mudra! Aww. Sipag talaga. Sweet ni Mama. "Opo, Ma. Thanks! Ingat po!" Sagot ko. Magtatakip na sana ulit ako ng kumot ng biglang bumalik si Mama sa kwarto ko.

"Teka pala, Mao. May nakita akong letter sa sala kanina. Parang schedule ata yun. Hmm, kumakanta ka na din pala? Hahaha!"

Sabi ni Mama sabay nakakainsultong tawa. Tssss! Oo na. Di na maganda boses ko! Anne Curtis naman ang Beauty ko. Wahahahaha!

"Mama naman e! Di po ako yun. May audition... kasi... for... Campus Rock Band... ngayon... 9am... ang... start..." Nag-slowmo ako dun. Pero bigla akong napabalikwas sa kama ko. And oh nooooo! "WAAAAAAAAAH! 9AM?" Pagtingin ko sa wall clock, "WAAAAAAAAAAH! 8:35 NAAAAAAAAAAAA! MAMA! BAT NGAYON MO LANG AKO GINISING? BAKIT? I DESERVE AN EXPLANATION! I DESERVE AN ACCEPTABLE REASON!" Drama ko. HAHAHAHAHA!

Tulala naman si Mama. Poker faced. Narinig ko pang nag "Halla!" sabay takip ng bibig si Mama. Bigla akong tumakbo sa banyo. Nagmamadaling maligo. After 10 minutes, bihis na ko. Shet! Bat ko ba kasi nakalimutan yun!

"Oh, alis ka na? Unahan mo pa ko. Akala ko 1pm pa first class mo? Kumain ka muna. Sabay na kita, Anak. Along the way lang naman School mo." Habol ni Mama noong palabas na ko ng pinto namin. Pero dire-diretso lang ako.

"Text-text na lang, Ma!" At tumakbo na ko ng mabilis! Sheeeets! 8:50 naaaaaaaa! Nag-taxi na ko at di ko na mahintay yung driver namin.

"Kuya, sa UFB Main po. Pakibilis naman po. Late na ko e. Salamat!" Ahhhhh! 8:53 naaaaaaaaaa! Late na ko! Wait! Tetext ko si Brianna!

To: Brianna D.

Saan ka na? I'm on my way palang! Get a seat! Thanks!

SENT!

*Beeeeep

1 Message Received

From: Brianna D.

I'm here na. Of course. Bilis lang at magsisimula na. WAHAHAHAHA!

At nang-asar pa talaga! Ughhhhh!

Brianna Hannah Roxas Dela Torre. BestFriend ko since High School. Same course lang kami. Ayaw nya daw mahiwalay sa akin e. Sooooo clingy! -______- Matalino at active din sya. Parehas kaming member ng CADG o Culinary Arts Dance Group. Passion talaga namin ang pagsasayaw at pagluluto. Magkasosyo kasi ang mga tatay namin sa negosyo kaya kami nagkakilala. Since then, naging bestfriends kami. We shared same thoughts in life. And dami talaga naming similarities. Except lang pagdating sa boys! Mehehehhehehehe

"Miss, andito na tayo." Biglang sabi ni Manong Taxi Driver. Inabot ko na yung 100 tsaka lumabas at kumaripas na nang takbo papunta sa Gym namin. Eksaktong 9:00 nasa harap na ko ng Gym, and OMG! OMG again! As in! O_____________________O

----------------------------------------

Bat kaya napa-OMG! OMG again si Mao? ABANGAN!

- Mjjmcqueen ❤

My Chick BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon