VI

25 0 0
                                    

Pinilit akong isakay ni Austin sa kotse nya kaya wala na akong nagawa pa. Dinala nya ako sa isang boutique at ipinili ng gown na susuutin ko.





"Hoy Austin, ano ba 'tong ginagawa mo?

"Birthday ni Daddy ngayon at may party sa bahay. Gusto nyang nandun ka, kukulitin ako nun kapag hindi kita sinama."

"Ano?"





Isang eleganteng silver gray evening dress ang ipinasuot sakin ng stylist at inayusan din nila ako. Paglabas ko ng makeup room ay nadatnan kong naghihintay si Austin na sobrang gwapo sa suot nyang gray tuxedo, mukhang sinadya talaga nyang i-match yun sa suot ko.





"Ahm...wow! I knew you would look more stunning in that dress! Shall we go?"

"Well, one more thing. Ayusin mo muna yang tie mo."




Lumapit ako sa kanya at inayos ko ang neck tie nya hanggang sa nagkatinginan kami. Nung kulang na lang matunaw kami sa pagtitig ng isa't isa ay biglang nagring ang phone ni Austin.




"Ahm...it's Dad. Siguradong naghihintay na yun. Let's go!"




Isang engrandeng party ang nadatnan namin sa napakalaking mansyon nina Austin. Sa totoo lang ay hindi ko inakala na ganito sila kayaman. Halos mapanganga ako sa sobrang ganda ng paligid. Sa may pintuan pa lang ay sinalubong na kami ng Daddy nya.




"Malorie! I'm so glad nakarating ka!"

"Ahm, happy birthday po! Pasensya na po hindi man lang ako nakabili ng regalo."

"Ano ka ba, it's okay! Isang malaking regalo na para sakin ang pagdating mo sa buhay ni Austin. Look at him, I've never seen him so happy like that."




Napatingin na lang ako kay Austin na kasalukuyang bumabati sa mga bisita nila.




"Halika hija. Feel at home and enjoy the night! Magpaparty tayo buong gabi!"




Inihatid ako ng Daddy ni Austin sa table at maya-maya pa ay tumabi na sakin si Austin. Sumenyas sya sa isang waiter at agad naman kaming dinalhan nito ng pagkain.





"Here, try this. Sigurado akong magugustuhan mo 'to."

"Ahm...thank you!"





Naging sobrang sweet at maasikaso ni Austin sa akin nung gabing yun. Medyo awkward, but deep inside I really felt at ease dahil kahit nalaman na nya ang tungkol sa plano namin ni Natalie sa kanya e heto pa rin sya at sobrang nagpapakagentleman pa rin sa akin.

Maya-maya pa ay nagsalita na ang Daddy nya sa harapan. Nagulat na lang ako nang bigla nya akong tawagin para ipakilala sa lahat bilang girlfriend ng anak nya kaya napatingin ako kay Austin.





"Ahm...hoy! Wala ka man lang bang gagawin dyan?"

"Bakit? Girlfriend naman talaga kita di ba?"





Hindi ko alam kung naglolokohan pa ba kami sa pagkakataong 'to. Ngayong halos ibandera ako ng Daddy nya bilang manugang habang sya naman ay nanonood lang at parang proud na proud pa. Matapos akong ipakilala ng Daddy nya sa lahat ng bisita ay niyaya ako nitong sumayaw.





"Napakaganda mo talaga hija! Maswerte si Austin at nakilala ka nya pero wag kang magalala kasi swerte ka rin naman sa anak kong yan. Alam mo bang kahit ganyan yan napakabuti nyang anak. Ni minsan hindi nya ako binigyan ng sakit sa ulo maliban na lang sa pagpalit-palit nya ng girlfriend noon. Ah...naku lagot, hindi ko na pala dapat nasabi pa yun."

Love Game  (Book 1)Where stories live. Discover now